Tinutukan ng buong mundo ang
US Presidential election nitong Nobyembre kung saan nanalo ang Republican
candidate na si Donald Trump. Bilang isa sa makapangyarihang bansa ang Estados Unidos,
ang kanyang desisyon at foreign policy ay makakaapekto sa pandaigdigang ekonomiya
kabilang na ang Pilipinas at Japan.
Kung ibabase sa mga
ipinangakong plataporma ni President-elect Trump noong kampanyahan ay mas tututukan
nito ang domestic issues sa US. Subalit, hihigpitan umano niya ang trading at
outsourcing. Ano nga ba ang posibleng
maging bunga ng mga ito ng iba pa n’yang sinabi noon?
Pangamba
na maparalisa ang BPO industry. Isa sa matatag na
sandigan ng ekonomiya ng Pilipinas ay ang pagkakaroon ng business process
outsourcing (BPO) companies. Pero sa pag-upo ni Trump, sinasabing layunin nito
na masiguro na mabigyan ng trabaho ang mga US citizens. Kaya imbes na sa ibang
panig ng mundo ay hihikayatin n’ya umano na sa US ang konsentrasyon ng mga
kumpanyang Kano. Ngayong taon,
tinatayang may $25.5 bilyon ang kinita mula sa mga BPO companies sa bansa base
sa FT Confidential Research.
Paghihigpit
sa mga migrante sa US. Matatandaan na minsang binanggit ng US
President-elect sa kanyang talumpati noon na ang Pilipinas ay isang “terrorist
nation.” Dapat daw ay binabantayan na huwag papasukin ang mga taong mula rito
sa US. Kung mangyayari ang pagbabawal o paghihigpit ng mga Pilipino sa US ay makakaapekto
ito nang malaki. Ang mga perang padala gaya ng dolyar ay isa mahalagang salik
kung bakit nasasalba ang eknonomiya ng Pilipinas. Sa pinakahuling tala ay may
apat na milyong Pinoy na migrante sa US.
Pagkakaroon
ng krisis sa merkado ng Asya. Ayon sa panayam kay
American Chamber of Commerce Senior Adviser John D. Forbes ng Business Mirror,
posibleng magbunga ng “recession” sa Asya kung gagawin ni Trump ang 35
porsyentong planong taripa nito sa importasyon mula sa China patungong US. Kapag pumalag pa rito ang China ay posibleng
makaapekto ito sa paglago ng merkado sa Asya. Matatandaan din na tutol si Trump
sa Trans-Pacific Partnership (TPP) na isang kasunduang pangkalakalan ng may 12
bansa na ilan sa miyembro ay Japan, Brunei, Vietnam, Malaysia, at Singapore. Sa
ngayon ang TPP ay hindi pa nararatipikahan sa US.
Mas
maayos na relasyon sa Pilipinas at US. Binati ni Pangulong Rodrigo Duterte si Trump
ng manalo ito. Isang senyales na pabor dito ang Pangulo at posibleng maging
banayad ang kanilang koneksyon. Kung matatandaan ay umalma si Duterte sa
komento ni US President Barack Obama sa ‘di umano’y extra judicial killing na
may kinalaman sa kampanya n’ya laban sa droga.
Nanganganib
na alyansang US at Japan?
Nagpahayag din si Trump noon na kung gusto ng kaalyadong bansa ng US,
gaya ng Japan, na mabigyan ng proteksyon ay kailangang humati sila sa gastos o
magbayad. Sa ulat ng New York Times ay
makikipagpulong si Japanese Prime Minister Shinzo Abe kay Trump. Kasama umano
sa agenda nito ay mahilot si Trump tungkol sa ideya nito sa TPP at
security.
Samantala, makabubuti rin
naman umano ang balak ni Trump na pagtuunan muna ang lagay ng US. Maaaring
kapag nagawa n’ya ito sa pamamagitan ng kanyang programa ay sumigla ulit ang ekonomiya
ng makapangyarihang bansa at makakaimpluwensya ito ng maganda sa pandaigdigang
merkado.
“…As of now, the stock
market responded negatively, but as promised, he wants to ‘Make America Great
Again.’ We don’t know how that will be done, but if he can, a strong US
economy is good for the world,” saad ni George T. Barcelon, Pangulo ng
Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) sa panayam ng Business
Mirror.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento