Martes, Nobyembre 1, 2016

World Robot Summit gaganapin sa Japan sa 2020

Ni Florenda Corpuz


Para lubusang mapakinabangan ng lipunan ang kapasidad ng mga robot ay isang international robot competition ang isasagawa sa bansa sa taong 2020.

Ito ang inanunsyo ng Ministry of Economy, Trade and Industry (METI) kamakailan kung saan pangungunahan ng ahensya ang pagsasagawa ng iba’t ibang programa tulad ng exhibit at labanan ng mga humanoid at industrial robots.

Ayon sa METI, ilan sa mga malilikhang oportunidad ng World Robot Summit ay ang “accelerating R&D of robots and implementation of R&D achievements in society; bringing together worldwide attention-grabbing highly-advanced robotics technologies from inside and outside of Japan and striving to develop such technologies as much as possible; at deepening public understanding of robots by practically overcoming challenges at sites, stimulating proactive discussion on the utilization of robots, and developing concrete methods.”

Hindi pa tiyak ang eksaktong petsa at lugar na pagdarausan ng kumpetisyon ngunit umaasa ang METI na dadagsa ang mga high-tech robot mula sa iba’t ibang panig ng mundo sa kaganapan.

Naglabas na rin ng anunsyo ang ahensya para sa mga munisipalidad sa buong bansa na nais mag-apply bilang host site.

Ang Japan ay kilala sa buong mundo dahil sa high-tech at mayamang robot industry. Sa katunayan, ito ay nangungunang bansa pagdating sa dami ng bilang ng domestically-operating industrial robots. Ngunit ito ay sinusubok ng patuloy na pagtanda ng populasyon ng bansa, pagtaas ng kakulangan sa trabaho at pati na rin social security costs. Dahil dito ay naisip buuin ang “New Robot Strategy” kung saan kabilang ang pagsasagawa ng isang international robot competition.



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento