Narito
ang ilan sa mga beauty sins na kailangan ninyong iwasan upang maging maganda ang
inyong kutis:
Make-up on. Sa trabaho, madalas na paggimik
at mahalagang okasyon ay kailangan kang naka-makeup. At sa mga ganitong lakad
kalimitan ay napapagod ka na at sobrang gabi na makakauwi kung kaya’t malaki
ang tsansa na dumiretso na sa kama para
matulog. Hindi maganda sa kutis ang pagtulog na mayroong make-up lalo na kung
madaling magkaroon ng tigyawat. Ito ay dahil sa sumusuot ang dumi sa mga pores
at buong gabi na nasa balat ang dumi. Kaya kung alam na gagabihin ng pag-uwi o
sobrang mapapagod, maghanda ng make-up wipes para maalis ang make-up ng hindi
na kailangang pumunta ng banyo.
Over Exfoliating. Isang beauty regime
ang pag-e-exfoliate ng kutis ngunit hindi kailangang araw-arawin ito. Totoo na
sa pamamagitan ng exfoliation ay natatanggal ang mga dead skin cells ngunit mas
nagiging sensitibo ang balat sa araw at sa mga beauty products na ginagamit. Mainam
na mag-exfoliate ng tatlong beses kada linggo ngunit kung winter season ay
gawin lamang isang beses kada linggo upang hind maging dry ang balat.
Sleeping. Alam naman ng lahat kung
gaano kahalaga ang pagtulog. Nagiging mas maganda ang balat kung may sapat na
oras ng tulog dahil sa mga panahon na iyon nare-replenish ang balat. Kahit na mayroon
kang mamamahaling make-up products ay hindi nito maitatago ang pagka-panget ng
balat kung kulang na kulang ka sa tulog.
Tanning. Hindi maganda sa balat ang
madalas na pagpapa-tan. Ito man ay sa pamamagitan ng tanning beds o sa
pagbababad sa ilalim ng araw. Madaling magkakaroon ng wrinkles, brown spots at
higit sa lahat ang tsansa na magkaroon ng skin cancer. Iminumungkahi ng mga
dermatologists ang palaging paglalagay ng sunscreen protection o lotion para
panlaban sa UV rays.
Picking at your pimples. Ugali ng
karamihan na kinukutkot ang tigyawat at blackheads sa mukha. Ito ang isang
bagay na hindi dapat makasanayan dahil maaari itong magdulot ng impeksyon, peklat
at pwede rin magresulta sa broken blood vessels. Hinding-hindi mawawala ang pimples
sa pamamagitan ng pagkutkut kundi ang paggamit ng ilang produkto tulad ng OTC
benzyl peroxide at salicylic acid treatment o kaya’y pagkonsulta sa
dermatologist.
Over Moisturizing. Kahit ano basta
sobra ay hindi maganda. Ang labis na paglalagay ng moisturizing ay maaaring
magresulta sa pagkakaroon ng tigyawat at white spots lalo na kapag na-trap ang
dead skin cells sa pores.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento