Isa
sa masarap gawin ay bumiyahe sa iba’t ibang lugar lalo na kung kasama ang buong
pamilya. Bukod sa pagkakaroon ng bonding time ay lubos na makakapag-relax pa
mula sa dami ng trabaho at alalahanin.
Kailangan
ng preparasyon sa pagbabiyahe lalo na kung malayo ang pupuntahan tulad ng mga gamit
na kakailanganin habang nagbabiyahe papunta man sa ibang bansa, sa probinsiya,
sa beach, sa museum, at iba pa.
Maraming
gamit ang kailangang dalhin para maging kumportable ang pagbabiyahe at hindi
patigil-tigil ang sasakyan para bumili ng ganito o ganiyan tulad ng pagkain, unan,
tissue at iba pa.
Pagkain. Iba pa rin kung may dalang
sariling makukutkot na pagkain tulad ng sitsirya, candies, sandwich, chocolate
bars, tubig, packed juice, o softdrinks in-can sa mahabang biyahe. Paniguradong
magugutom ang buong pamilya kaya’t mainam na magdala ng pagkain para tuluy-tuloy
ang biyahe at hindi na kailangan pang humanap ng tindahan para lang bumili.
Unan, kumot. Magdala ng unan at kumot sa
pagbabiyahe. Mas magiging kumportable ang pag-idlip ng bawat miyembro ng
pamilya kung may dalang unan at kumot.
Portable music players. Huwag kalimutan
na magdala ng portable music players o speakers na pwedeng mapaglibangan ng mga
bata habang nagbabiyahe. Maglagay din ng movie at drama series files sa
smartphone, tablets o laptops pampalipas oras. Sa ganitong paraan ay hindi mababagot
sa pagpunta sa napiling lugar.
Damit. Magbaon din ng extra na damit
para pampalit kung pinagpawisan o kaya naman ay kung aksidenteng namantsahan o
natapunan ng pagkain inumin ang damit. Magdala rin ng jacket saka-sakaling ginawin.
Laruan. Magbitbit ng maliliit na laruan kung
masyado pang bata ang inyong anak bilang kanilang libangan. Makakabawas sa
pagta-tantrums ito ng mga chikiting kaya’t siguraduhin dalhin ang paborito
nitong teddy bear, manika, robots at iba pa.
Tissue. Practical na magdala ng tissue
dahil marami itong gamit habang nagbabiyahe. Maaari itong pamunas ng kamay,
natapon na juice o tubig, at panlinis sa mga nadumihan na bahagi ng sasakyan.
Plastic bags. Upang hindi maging
makalat sa loob ng inyong sasakyan, magdala ng isang garbage bag at turuan ang
bawat miyembro na itapon doon ang kanya-kanyang basura. Sa pamamagitan nito,
hindi na mahihirapan pa sa paglilinis ng sasakyan pagkatapos gamitin.
Camera. Mahalaga na magdala ng camera
sa bawat pagbabiyahe upang makuhanan ang mga magagandang lugar na napuntahan at
upang magkaroon ng souvenir sa pinuntahang lugar bilang isang pamilya.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento