InfiniVAN officials |
Nagsimula
na ng kanilang operasyon ang InfiniVan, ang bagong tatag na telecommunications
company sa Pilipinas, kamakailan na mayroong pangunahing layunin na makapagbigay
ng mas mura at mas mabilis na internet connection.
Ito
ay matapos na maipasa ng Kongreso ang Republic Act 10898 na nagbibigay ng
pahintulot sa InfiniVan na magsimula ng operasyon sa Pilipinas. Bagaman
kanilang kakalabanin ang malalaking telco companies sa bansa, ibinida ng
InfiniVAN ang kanilang kakayahan na magbigay ng limang beses na mas mabilis na
internet connection kumpara sa kasalukuyang bilis sa maliliit na internet
service providers (ISP) partikular na sa mga cable TV operators.
Katulong
ang P&T at IPS, nakatuon ang InfiniVAN sa pagbibigay ng broadband services
na may mataas na kalidad sa murang halaga gamit ang de-kalibreng telco
infrastructure at FTTX, SDN/SD-Wan, NFV at vCPE technologies na hango sa
matagumpay na teknolohiya na gamit ng Japan
Cablecast (JCC) at Japan Digital Services (JDS), dalawang matagumpay na
kumpanya sa Japan.
Ito
na umano ang kanilang solusyon sa hinaing ng publiko hinggil sa mabagal na
internet connection sa bansa.
“It is InfiniVAN’s aim to bridge
network gaps that exist among dominant, incumbent telcos and loose associations
of CATV operators with highly localized networks and limited service coverage
areas,” pahayag ng InfiniVAN sa isang statement.
“It is committed to delivering
competitively priced and reliable Internet access while assuring its investors
and other stakeholders a reasonable rate of return by operating as efficiently
as possible,” dagdag pa ng kumpanya na pinangungunahan ng president at chief
operating officer nito na si Rey Yu.
Target ng kumpanya na unahin ang
enterprise o key corporate business sa National Capital Region hanggang sa
maabot ng kanilang serbisyo ang iba’t ibang lugar sa Pilipinas. Naniniwala ang
InfiniVAN na makatutulong ang pagbibigay ng mas mabilis na internet connection
sa pagpapalago ng ekonomiya at pagpapatibay ng edukasyon at pamumuhunan sa
bansa.
“To address the lack of network
reliability that currently exists, InfiniVAN intends to create ringed networks
in Luzon, Visayas, and Mindanao via a planned domestic submarine cable network
using the latest transmission technologies and equipment.
“With the goal of enabling cable operators to offer wireless ISP service in their respective areas, InfiniVAN will build a state-of-the-art Wireless Mesh nationwide Super WiFi network, allowing the cable operators to attract and tap the lucrative prepaid C&D market.”
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento