Miyerkules, Oktubre 8, 2014

27th Tokyo International Film Festival kasado na sa Oktubre 23

Ni Florenda Corpuz 


L-R: TIFF Dir. Gen. Yasushi Shiina, Harry Sugiyama, Hideaki Anno,
 Azusa Okamoto and Japan Foundation President Hiroyasu Ando 
(Kua ni Din Eugenio)

TOKYO, Japan – Sa ika-27 pagkakataon ay muling idaraos ang prestihiyosong Tokyo International Film Festival (TIFF) sa darating na Oktubre 23-31 sa Roppongi Hills, TOHO Cinemas Nihonbashi at iba pang lugar sa lungsod.

Sa isang press conference na ginanap kamakailan ay inanunsyo ng mga organizers nito, sa pangunguna ni TIFF Director General Yasushi Shiina, ang event outline para sa taong ito kung saan isa sa mga highlights ay ang pagpapalabas sa mga pelikula ng magaling na direktor at animator na si Hideaki Anno.

“We are going to be showcasing animation films in a way that only TIFF could do this year. That is the retrospective program, ‘The World of Hideaki Anno.’ We will continue to present those outstanding Japanese filmmakers to the world,” pahayag ni Shiina.

Nagpahayag naman ng katuwaan si Anno na siya rin guest speaker sa pagtitipon at ibinalitang aabot sa 50 pelikula ang ipapalabas sa kanyang retrospective program.

“I am quite excited to show most of my previous films at this year’s TIFF. By looking back my past work, I find that my creation style has not been changed since I started my career.

“Even some of the films from my amateur ages constructed a part of my career, so I am thrilled to show my films from all genres. Come to think of it, everything is challenge, all of my works are unforgettable and good memories as a director don’t remain but hard experiences led to build my creativity,” pahayag ni Anno.

Ipinakilala rin ang British-Japanese celebrity na si Harry Sugiyama at Japanese actress Azusa Okamoto bilang mga “Festival Navigators.”

Ilan pa sa mga inanunsyo ay ang bagong logo ng Festival, ang pagtutulungan ng TIFF at Japan Foundation hanggang sa susunod na pitong taon at iba pang detalye tungkol sa Special Screening sa Kabukiza Theater kung saan ipapalabas ang “City Lights” na pinagbibidahan ni Charles Chaplin.
           
Nahahati sa limang bahagi ang Festival na kinabibilangan ng Competition, Asian Future, Special Screenings, Japanese Cinema Splash at World Focus sections. Paglalabanan sa Competition section ang pinakamataas na karangalan sa kompetisyon, ang “Tokyo Sakura Grand Prix” award, pati na rin ang bagong parangal na ibibigay ng TIFF at Japanese broadcasting channel na WOWOW – ang “WOWOW Viewer’s Choice Award” kung saan ang cash prize ay US $10,000.

Nakatakdang ianunsyo ang kabuuan ng film line-up ng Festival ngayong Setyembre kung saan inaasahan ang muling pagpasok ng ilang Pinoy independent films. Matatandaang tatlong pelikulang Pilipino ang nakapasok noong nakaraang taon, ang “Barber’s Tales” ni Jun Lana kung saan nanalong Best Actress si Eugene Domingo, ang “Rekorder” ni Mikhail Red at ang “Norte, Hangganan ng Kasaysayan” ni Lav Diaz.

Ang Tokyo International Film Festival ay isa sa pinakamalaking film festivals sa buong mundo. Layon nitong bigyan ng pagkakataon ang mga film fans na mapanood ang mga high-quality at world-class films mula sa Japan at ibang bansa.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento