Ni
Elvie Okabe, DBA/ME
BER
months na naman, at kapag sinabing September ay ang Kapaskuhan kaagad ang ating
naiisip. At kapag nalalapit na ang Pasko, ano ba ang ating iniisip, ang
magbigay o ang tumanggap?
May
kasabihan nga na mas mainam na magbigay kaysa tumanggap na nakabase sa utos ng
Diyos na ang pag-ibig ay una sa Diyos,
pangalawa sa kapwa, at ang huli ay ang sarili. At sinasabi rin na kailangan
nating mahalin ang ating sarili upang makapagbigay tayo sa iba gaya ng pagbibigay
o pag-intindi natin sa ating sarili. Ginagawa ba nating tumulong sa ating mga
mahal sa buhay at maging sa hindi natin kadugo na nangangailan?
Madaling
magbigay sa ating mga kamag-anak dahil sa tinatawag na ‘lukso ng dugo’ ngunit
hindi natatapos ang tunay na pagtulong o pag-ibig sa kapwa sa mga kamag-anak
lamang. Ang tunay na pagbibigay ayon sa Diyos ay ang paglalaan natin ng bagay o
panahon para sa mga taong tunay na mahirap, maysakit, nakakulong, at higit sa
lahat ay hindi tayo masusuklian. Dapat ay gawin natin ito para purihin at
pasalamatan ang Diyos.
Ngayon
naman, baka sabihin natin na, “Paano ‘yan wala akong pera, puro utang pa ako,”
dahil may kasabihan na “kung ayaw, maraming dahilan; kung gusto, kahit busy o
walang pera, maraming paraan.” Alin
tayo sa dalawa?
Ang
kuwento sa Bibliya ay mayroon isang Samaritanong babae na sa kahuli-hulihan
niyang sentimo na pambili pa ng kanyang pagkain ay ibinigay niya pa kay Hesus.
Hindi lang iyan, dahil siya ay tunay na nagmamahal sa kanyang Diyos ay nagdala
pa siya ng langis at pinunasan nito ang mga paa ni Hesus.
Bakit
nabanggit ang kuwento ng Samaritanong babae sa Bagong Tipan? Ito ay upang
pamarisan natin dahil ang gawain o ugaling ganito ang tunay na nakapagpasaya o
tunay na kagustuhan ng Diyos para gawin natin sa ating kapwa.
Ang
sentimo sa atin ay ang pinakamaliit nating pera, ang langis ay ang ating mga
magagandang salita, pangaral sa iba, at ang ating ugali na hindi nanghuhusga,
hindi nagmumura, hindi galit. Bagkus ay nakangiti, maamong mukha, at higit sa
lahat ay handang magbigay ng pera o panahon ayon sa kakayahan, at hindi
nagsasabi ng kung anu-anong dahilan makaiwas lamang sa pagbibigay ng abuloy sa
simbahan at sa kapwa.
Sino
nga ba ang tinatawag na simbahan kundi tayo rin mga tao, hindi po ang building
ng simbahan na kailangan din natin upang may lugar na pagdarausan ng Banal na
Misa o mga pagpupulong sa pagpapalawig o pagpapalawak pa ng ating
pananampalataya sa Diyos.
Samakatuwid,
anumang tulong ang ating maibibigay o maiaambag, pera man o panahon, maliit man
o malaki ayon sa ating mga kakayahan at higit sa lahat ay kung ginagawa natin
para sa Diyos ay kasiya-siya na para sa Kanya.
Matanda
man o bata ay huwag na tayong pasaway, magbasa lang ng Bibliya araw-araw o
pumunta sa simbahan ano man ang ating relihiyon upang malaman natin ang tunay
na kalooban o kagustuhan ng Diyos.
Hindi
lang si Santa Claus ang darating kundi ang ating manunubos, ang tanging
tagapaghatol at tagapagligtas na si Hesus. Maging masunurin na lang sana po
tayo sa Diyos at hindi pasaway dahil puro kagustuhan lang natin ang ating
sinusunod na parang batang paslit pa rin tayo kahit na tayo ay hindi na
teenager.
Tandaan
po natin BER months na naman, kaya birahan natin ang ating sarili ng araw-araw
at napapanahon na pagbabago sa ating buhay alang-alang sa Diyos at para sa
kapakanan ng ating kapwa at ng ating sariling katawan at kaluluwa.
Have
a very blessed and happy BER month mga kapamilya, kapatid, at kapuso!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento