Ni
Florenda Corpuz
Kuha mula sa Miss International at Bb. Pilipinas Charities, Inc. |
TOKYO, Japan – Muling
magniningning ang ganda at talino ng humigit-kumulang sa 80 kandidata mula sa
iba’t ibang bansa sa nalalapit na coronation night ng prestihiyosong Miss
International Beauty Pageant 2014 na gaganapin sa Grand Prince Hotel Shin
Takanawa, Shinagawa sa Nobyembre 11.
Isa sa tatlong pangunahing beauty
pageants sa buong mundo, ang Miss International Beauty Pageant 2014 ang ika-54
na taon ng patimpalak mula nang ito ay inilunsad noong 1960 sa Long Beach,
California, U.S.A.
Darating sa bansa ang mga
kandidata sa katapusan ng Oktubre upang makibahagi sa ilang mga kaganapan bago
ang coronation night na may kinalaman sa kulturang Hapon at iba pang exchange
events bilang mga “Ambassadors of Beauty and Peace."
Kabilang sa mga kandidata ang
pambato ng Pilipinas na si Mary Anne Bianca G. Guidotti, 24-taong-gulang mula
sa Taguig City.
Nakatakdang ipasa ni Miss International
2013 at Pinoy pride Bea Rose Santiago ang korona sa tatanghaling Miss
International 2014 habang kokoronahan din ang mga runners-up na kabilang sa Top
5 at special award winners.
Isa si Santiago sa limang Miss
International titleholders ng Pilipinas na kinabibilangan din nina Gemma Teresa
Cruz (1964), Aurora Pijuan (1970), Melanie Marquez (1979) at Precious Lara
Quigaman (2005).
Pinahanga ni Santiago ang mga
hurado at mga nanonood ng kumpetisyon partikular na sa kanyang galing sa
pagsagot sa question and answer portion.
“The whole world saw how my
country, the Philippines, suffered. The agony of my people was felt. But one by
one, country to country came to help. I would like to thank all the nations
that helped my country. In our darkest hours, you have opened my eyes and my
heart and how important it is if we all just support each other.
“If I become Miss International,
I will uphold international camaraderie to sustain the spirit for sympathy and
to continually share the message of hope. I believe that whatever calamity may
come to us, as long as we have each other, there will be hope. Thank you,”
pahayag ni Santiago na noong mga panahong iyon ay nanalanta ang bagyong Yolanda
sa Visayas partikular na sa Tacloban.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento