Ni Florenda Corpuz
Kuha mula sa Prime Minister’s Office of Japan |
TOKYO, Japan – Matagumpay na
ginanap ang kauna-unahang “World Assembly for Women in Tokyo” (WAW! Tokyo 2014)
sa Keidanren Kaikan, Roppongi Hills at iba pang lugar sa bansa mula Setyembre
12 hanggang 14.
Pinangunahan ni Prime Minister
Shinzo Abe at maybahay na si First Lady Akie Abe ang tatlong araw na pagpupulong
na dinaluhan din ng mga prominenteng kababaihan sa larangan ng negosyo at
pulitika mula sa iba’t ibang bansa.
“’Creating a society in which
women shine,’ has consistently been one of my highest priority issues since the
launch of my administration in December 2012… I reshuffled my Cabinet on
September 3, where I appointed five women, and that number is said to be equal
to the highest number ever in Japan,” pahayag ni Abe sa kanyang welcome
remarks.
“Changes are now underway. And we
have just now come to stand at the starting line. I will stand at the forefront
as we work to build a society in which all people – both men and women – shine.
I hope you can join me in taking action now,” dagdag ng lider.
Kabilang sa mga dumalo ay sina IMF
Managing Director Christine Lagarde na siyang nagbigay ng keynote speech, U.S.
Ambassador to Japan Caroline Kennedy, Disney/ABC President Anne Sweeney at
dating U.K. First Lady Cherie Blair. Nagbigay din ng video message si dating
U.S. Secretary of State Hillary Clinton.
Kinatawan naman ng Pilipinas si
Senador Loren Legarda na kilalang tagapagtaguyod ng women empowerment sa bansa
lalo na pagdating sa disaster risk reduction and management.
“To rescue the Japanese economy
is to empower its women… Dynamism and ingenuity is what we need,” pahayag ni
Legarda sa kanyang keynote speech.
Tinalakay sa pulong ang mga isyu ukol
sa kababaihan tulad ng “economic benefits achievable by promoting the active
roles of women, diversity in working styles, the development of society, and
the common issues relating to women throughout the world.” Mula sa mga pagpupulong
na ito ay ipinahatid ng Tokyo sa buong mundo ang mga mensahe at ideya kung
paano mas maitataguyod ang papel ng kababaihan sa lipunan.
Ang “WAW! Tokyo 2014” ay
inorganisa ng apat na organisasyon – The Government of Japan, KEIDANREN (Japan
Business Federation), Nikkei Inc., at ng Japan Institute of International
Affairs at suportado rin ng Japan Center for Economic Research. Ito ay taunan
nang gaganapin sa bansa.
Isa ang Japan sa mga mayayamang
bansa sa buong mundo na may maliit na porsyento ng female workforce. Kasama sa
“Abenomics” policy ni Abe ang pagpaparami ng mga kababaihan sa workforce upang
maiangat ang ekonomiya ng bansa.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento