Kuha mula sa NASA |
Naging
matagumpay ang isinagawang space mission ng crew ng Expedition 39 kung saan sa
unang pagkakataon ay isang Japanese ang naging space station commander. Maayos na nakabalik ng planetang Earth
kamakailan sina Commander Koichi Wakata ng Japan Aerospace Explloration Agency,
Flight Engineer Rick Mastracchio ng National Aeronautics and Space
Administration (NASA), at Soyuz commander Mikhail Tyurin ng Russian Federal
Space Ageny (Roscosmos).
Ayon
sa NASA, iba’t ibang pagsasaliksik at pag-aaral
ang ginawa ng Expedition 39 sa kanilang pamamalagi sa International Space
Station (ISS) sa loob ng 188 araw sa kalawakan.
“During
Expedition 39, the crew participated in a variety of research, including a
human immune system activation and suppression study and a protein crystal
growth research study looking for proteins responsible for Huntington's disease
and other neurodegenerative conditions.
The
crew also installed a new plant growth chamber designed to expand in-orbit food
production capabilities.
“One
of several key research focus areas during Expedition 39 was human health
management for long duration space travel, as NASA and Roscosmos prepare for
two crew members to spend one year aboard the space station in 2015,” pahayag
ng NASA.
Namalagi
rin sila sa orbiting laboratory kung saan tatlong cargo spacecraft ang lumapag
sa ISS.Ang Russian ISS Progress cargo vehicle ang nagdala ng tone-toneladang
supplies habang ang Progress craft naman ang nagsagawa ng ilang tests sa upgraded
automated rendezvous system. Noong Enero, dumating sa ISS ang orbital Sciences’
Cygnus spacecraft habang noong Abril ay inilunsad ng Space X ang Dragon
spacecraft sa SpaceX-3 cargo supply mission.
Nagsagawa
naman ng tatlong contingency spacewalks si Mastracchio sa paligid ng ISS – ang
unang dalawa para sa tanggalin at palitan ang sirang cooling pump habang ang
pangatlong beses ay para tanggalin at palitan ang backup computer relay box.
Sinabi
rin ng NASA na nag-install din ng mga bagong kagamitan ang ground controllers
gamit ang robotic arm ng station.
“Ground
controllers using the station's robotic arm also installed a new
high-definition Earth-viewing camera system, referred to as HDEV, on the
outside of the Columbus lab. HDEV is comprised of four commercially available
HD cameras and streams online live video of Earth to online viewers around the
world,” dagdag pa ng NASA.
Dahil
sa matagumpay na space mission, umabot na sa 348 araw mula sa apat na flights
ang nailagi ni Wakata sa kalawakan, 228 days naman si Mastracchio habang 532
days naman si Tyurin.
Ang
ISS ang nagsisilbing lugar upang subukan at makita ang mga bagong teknolohiya
na nakalagay sa kalawakan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento