Ni
Elvie Okabe, DBA/MAE
Sina Ambassador Manuel Lopez, Fr. Nilo Tanalega at Angel Locsin kasama ang mga pinarangalan ng gabing iyon. |
Ginawaran
ng Bayaning Pilipino Award si Jeppie Ramada, na kwalipikado sa Global Bayaning
Pilipino Awards 2014 overseas Filipino individual category habang binigyan ng
citation awards sina Charito Itoh at Rachel Takahashi. Nakamit naman ng
Bayanihan Kessenuma Filipino Community ang special citation for community
award.
Kinilala
si Ramada sa naiambag niya sa naganap na trahedya sa Tohoku Region noong 2011
kung saan patuloy ang kanyang mga pagtulong hanggang sa kasalukuyan kasama ang
United Filipinos in Gifu (UNIFIL-GIFU). Tumutulong sila sa mga nasa evacuation
centers sa malayaong bahagi ng Japan partikular na sa Miyagi at Aomori
Prefectures. Nag-organisa rin siya ng “Let’s Walk Together” fun run upang
makalikom ng pondo para sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda.
Mismong
sina Fr. Nilo Tanalega, Project Director ng Global Bayaning Pilipino Awards, Ambassodor
Manuel Lopez at ang nakababatang kapatid ni ni Don Eugenio “Geny” Lopez. Naroroon
din sina Angel Locsin at Mitoy Yonting, grand winner ng The Voice of the
Philippines, upang magbigay ng kasiyahan sa mga nagsipagdalo.
Simula
1994, ginagawa ang parangal na ito kada dalawang taon upang magbigay ng
pagpupugay sa mga natatanging Pilipinona aktibo sa pagtulong at pagbubuklod ng
mga komunidad sa iba’t ibang panig ng mundo.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento