Marami
ang ipinapagwalang-bahala ang pag-e-ehersisyo dahil akala nila na kailangang
gumastos ng malaki para rito. Ito ay dahil matunog at popular ang pagpunta sa
gym at pag-e-enroll sa ilang fitness trainings tulad ng Pilates, Yoga at
Crossfit na medyo may kamahalaan ang bayad.
Marami
ang naghahangad na makapagbawas ng timbang – ang iba ay nais na gumaan ng 10
pounds, 20 pounds o higit pa ngunit nabibigo dahil sa iba’t ibang dahilan. Upang
maging matagumpay sa pagbabawas ng timbang, isa sa mga dapat tandaan na mayroong
3,500 calories ang isang pound. Kaya kung nais na makapagbawas ng isang pound
sa loob ng isang linggo ay kailangan mong makapag-burn ng 700 calories kada
araw.
Jump rope training
Hindi
napapansin ng marami ang malaking potensiyal ng jumping rope. Masasabing isa
ito sa mabibisang paraan hindi lamang para sa pagbabawas ng timbang kundi pati
na rin ang pagpapatibay ng resistensya ng katawan. Sa katunayan, hindi nawawala
ang jumping rope sa pag-e-ensayo ng mga boksingero.
Sa
humigit-kumulang na Php500 ay maaari nang makabili ng jumping rope na may
magandang kalidad. Maaari mo na itong magamit ng ilang beses kada araw sa loob
ng matagal na panahon. Lahat naman ay pamilyar kung paano ito gagamitin at sa
konting ensayo ay madali itong matututuhan.
Magandang
ehersisyo ang jumping rope dahil sa loob lamang ng 30 minuto na paggawa nito ay
maaari ka nang makapag-burn ng 300 calories – hindi mo na kailangang magbayad
ng mahal para pumunta sa gym. Basta’t may jumping rope, tamang espasyo at training
shoes ay pwedeng-pwede mo na itong gawin. At kung aayusin mo rin ang mga
kinakain mo araw-araw ay maaari mong ma-burn ang 700 calories kada araw.
Benepisyo ng jump rope training
Unang-una
dapat ay naaayon sa iyong tangkad ang haba ng gagamiting jump rope. Upang
malaman ito, hawakan ang magkabilang dulo ng jumping rope, tapakan ng paa ang
gitnang bahagi nito at siguraduhin hanggang sa may kili-kili ang haba ng rope.
Maraming
benepisyo ang jump rope training at isa na nga rito ay ang mabilis na pagbabawas
ng timbang. Bukod dito, narito pa ang ilang benepisyo ng jumping rope exercise:
Mainam sa buong katawan. Magandang
ehersisyo ang jumping rope dahil buong katawan ang nagagamit sa paggawa nito –
binti, bisig, abs, puso at utak. Pinapatatag nito ang katawan at nakakadagdag
sa bilis ng paggalaw at liksi.
Muscle tone. Mabisang paraan ang jumping
rope para sa kalamnan partikular sa ibabang bahagi ng katawan. Kaya sa mga
unang beses na gagawin ito ay mararanasan ang pagsakit ng binti at kasu-kasuan
na isang indikasyon na lalong tumatatag ang muscles at nagiging tone ito.
Pagtanggal sa toxins. Natatanggal ang
toxins sa katawan sa pamamagitan ng pagpapawis. Sa jumping rope, madaling
pagpawisan ang katawan kaya’t nailalabas ang toxins na hindi maganda para sa
katawan. Nakakatanggal din ito ng stress at tension sa katawan.
Cardiovascular workout. Magandang
ehersisyo ito sa puso dahil nadadagdagan ang blood flow kaya’t mas maraming
nutrisyon ang napupunta sa katawan. Sa mga may problema sa puso at nais itong
gawin ay dapat kumunsulta muna sa doctor.
5 Variations. Nakakaaliw ang ehersisyong
ito dahil maraming paraan ang pwedeng gawin gamit ang jumping rope. Nariyan ang
basic one hop, alternating jumps, one foot jumps, side straddles, double under
at marami pang iba.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento