Ni
Florenda Corpuz
Kuha mula sa Binibining Pilipinas |
Muling magniningning ang kagandahan
at aangat ang katalinuhan ng mahigit sa 70 kandidata mula sa iba’t ibang bansa
at rehiyon sa buong mundo sa nalalapit na coronation night ng prestihiyosong
Miss International Beauty Pageant 2017 na gaganapin sa Tokyo Dome City Hall sa
Nobyembre 14.
Isa sa tatlong pangunahing beauty
pageants sa buong mundo, ang Miss International Beauty Pageant 2017 ang ika-57 na
taon ng patimpalak mula nang ito ay inilunsad noong 1960 sa Long Beach,
California, U.S.A.
Darating sa Japan ang mga kandidata
sa huling bahagi ng Oktubre upang makibahagi sa ilang mga kaganapan bago ang
coronation night na may kinalaman sa kulturang Hapon at iba pang exchange
events.
Kabilang sa mga kandidata ang
pambato ng Pilipinas na si Mariel de Leon, 23, anak ng showbiz couple na sina
Christopher de Leon at Sandy Andolong. Nagtapos
siya ng high school sa Southville International School at nagtungo sa New Zealand
kung saan siya nag-aral ng cooking course.
Nakatakdang ipasa ni Miss
International 2016 Kylie Verzosa ang korona sa tatanghaling Miss International
2017 habang kokoranahan din ang mga runners-up na kabilang sa Top 5 at special
award winners.
May anim na Miss International
titleholders ang Pilipinas na kinabibilangan din nina Gemma Teresa Cruz (1964),
Aurora Pijuan (1970), Melanie Marquez (1979), Precious Lara Quigaman (2005) at
Bea Rose Santiago (2013).
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento