Unang pumukaw ng pansin sa publiko ang kolaborasyon
ng artisanal Japanese leathermaker/footwear brand na Hender Scheme at Adidas
Originals nang makita sa isang Instagram post ang ilang larawan ng MicroPacer
na kulay soft butter yellow at isang classic Adidas sneakers, na mula kay
Motofumi Kogi, direktor ng Japanese retailer United Arrows & Sons.
Napag-alaman na ang reworked version ng MicroPacer
(minus the pedometer) ay bahagi ng isang multi-season collaboration sa pagitan
ng Hender Scheme at Adidas, at may dalawa pang signature Adidas sneakers – ang
NMD (Boost midsole removed) at ang Superstar na kabilang dito. Lahat ito ay
gagawin sa parehas na Japanese ateliers ng Hender Scheme gamit ang kanilang
trademark premium vegetable-tanned leather na gawang kamay ng mga Japanese
craftsmen.
Sneaker elegance: Meeting
artisanal craftsmanship with industrial
Ito ang unang bahagi ng ongoing collaboration sa
pagitan ng Japanese at German brand kung saan maglalabas ng 900 units ang
Hender Scheme sa paglulunsad nito sa mga piling Adidas retailers ngayong
Setyembre 2, na pumapatak ang halaga mula $900 - $1,000. Makikita rin sa remade
versions ang parehong logo ng Hender Scheme at Adidas.
Sa isang panayam ng Business of Fashion kay Hender
Scheme founder Ryo Kashiwazaki, nagbigay ito ng ilang detalye ukol sa proyekto.
“The nature of
artisanal production has natural limitations. We are making these shoes our way, so we can only make so many. But we
also love sneakers, and what Adidas does in a different way, like manual versus
industrial products. So maybe we can find a way in the future where these
methods can work together.”
At dahil
handmade ang mga ito, kahit pareho ang disenyo ay naka-depende sa craftsman ang
magiging finished look ng sapatos kaya’t ang bawat pares ay may
namumukod-tanging itsura at dahil sa natural leather color, kalaunan ay
magde-develop ito ng unique patina (change of surface from continuous wear).
A
maker more than a designer
Sa
kabila ng tagumpay, ‘di maglulunsad ng malakihang expansion si Kashiwazaki.
“I want
to keep going for a long time and grow slowly. If we grow too fast, it’s not
good for us, it’s not good for the artisans. Artisans are very old now in
Japan, so we have to groom more young ones. We have to think in generational
terms. It’s very important to keep going at our pace.”
Tinawag ng
31-taong-gulang na si Kashiwazaki ang ginagawa nito na “Manual Industrial
Products.” Dating psychology student ngunit may passion si Kashiwazaki para sa
craftsmanship na gawang kamay kaya’t pinag-aralan nito ang pag-ukit ng footwear
lasts, paggawa ng suwelas at shoe repair sa isang shoe factory noong siya ay 19
at naging apprentice cobbler sa loob ng apat na taon.
Mahalaga sa kanya ang
artisanal labor kaya’t inisip niya kung paano mabibigyag-diin ang “craft” kaysa
sa “design” sa paggamit ng pamilyar na klase ng sneakers na ginawa sa paraan ng
mga artisans. Tinawag niya ang koleksyon na “Hommage” kung saan kabilang ang
artisanal remade versions ng Nike Presto at Air Jordan IV, Reebok InstaPump
Fury, Vans Era, at iba pa. At dito na siya napansin ng foreign stockists – Haven,
Ssense, Barneys New York, Bergdorf Goodman,
Mr. Porter, Dover Street Market at
collaborations sa Sacai at Ace Hotel.
Umabot
ang pagiging hit nito sa mga hip-hop stars at streetwear experts sa Adidas
Japan at senior design director (Adidas Originals) Erman Aykurt.
“We
think what Ryo-san does elevates our profile instead of denigrating it, the way
a counterfeit product does. We love the idea of approaching sneakers from an
artisanal perspective. It speaks to our ethos, because Adi Dassler also came
from a cobbler background.”
Nagmula
ang pangalan ng kumpanya sa “gender schema” theory ni Sandra Bem at noong
inilunsad ito noong 2010 ay naging pilosopiya ni Kashiwazaki sa mga produkto
ang “to surpass gender.”
Gumagawa
rin ng original footwear, bags, at leather/household goods at may shops sa
Ebisu at Asakusa.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento