Miyerkules, Oktubre 25, 2017

Trump, bibisita sa Japan at Pilipinas sa Nobyembre

Ni Florenda Corpuz



Nagpulong noong Nobyembre nang nakaraang taon sina
U.S President Donald Trump at Japanese Prime Minister sa
Trump Tower sa New York City.  (Kuha mula sa Cabinet Public Relations Office)
Nakatakdang bumisita sa Japan at Pilipinas si U.S. President Donald Trump at First Lady Melania Trump sa darating na Nobyembre.

Ito ay bahagi ng kanilang 12-day trip sa limang bansa sa Asya.

Ayon sa anunsyo na inilabas ng White House, bibiyahe si Trump at maybahay nito sa Japan, South Korea, China, Vietnam, Pilipinas at Hawaii mula Nobyembre 3 hanggang 14.

Lalahok ang pangulo ng Amerika sa serye ng bilateral, multilateral at cultural engagements kabilang ang Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) summit na gaganapin sa Vietnam at ang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) summit na gaganapin sa Pilipinas para ipakita ang kanyang patuloy na pangako sa mga kaalyado ng U.S. sa rehiyon.

Tatalakayin din ang kahalagahan ng “free and open Indo-Pacific region to America’s prosperity and security.”

Bibigyang-din din ni Trump ang kahalagahan ng “fair and reciprocal economic ties with America;s trade partners.”

Isa rin sa layunin ng Asian tour ni Trump ay para “strengthen the international resolve to confront the North Korean threat and ensure the complete, verifiable, and irreversible denuclearization of the Korean Peninsula.”

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento