Lunes, Oktubre 23, 2017

Dalawang Mindanao road projects popondohan ng Japan

Ni Florenda Corpuz

Iprinisinta ni DPWH Secretary Mark Villar sa 3rd Philippines-Japan Joint
Committee Meeting on Infrastructure Development and Economic Cooperation
na ginanap sa Tokyo kamakailan ang ilang proyekto na popondohan ng Japan.
(Kuha mula sa Department of Public Works and Highway)

 
Inanunsyo ng Department of Public Works and Highway (DPWH) na nakakuha ito ng tulong mula sa Japan para sa pagpopondo ng dalawang road projects sa Mindanao.

Nakuha ito ng Mindanao sa ginanap na 3rd Philippines-Japan Joint Committee Meeting on Infrastructure Development and Economic Cooperation na ginanap sa Tokyo kamakailan.

Iprinisinta ni DPWH Secretary Mark Villar ang Bangsamoro Road Network Development Project, isang infrastructure project kung saan kabilang ang pagpapabuti at pagtatayo ng 200 km road network sakop ang 11 access roads at bridges na nag-uugnay sa ARMM at iba pang rehiyon sa Mindanao na nagkakahalaga ng Php10 bilyon.

“Japan International Cooperation Agency has already funded the feasibility study of the Bangsamoro Road Network Development Project. We have already formed a multi-sectoral steering committee, which will be chaired by Undersecretary Emil Sadain,” ani Villar.

“We are confident that by 2022, the road network in Bangsamoro will be fully completed,” dagdag niya.

Kabilang dito ang Matanog-Barira-Alamada-Libungan Road, Parang-Balabagan Road, Sibutu-Blensong-Nuro Road, Nuro-Pinansaran Road, Maganoy-Lebak Road, Tapian-Lebak Coastal Road, Marawi City Ring Road, Parang East Diversion Road, Manuangan-Parang Road, Tunggol 2 Bridge (On Davao-Cotabato Rd.) at Pagalungan Bridge (On Davao-Cotabato Rd.).

Bukod dito ay susuportahan din ng pamahalaang Hapon ang Davao City Bypass, ang 44.6 km by-pass road na may 2.28 km tunnel, na inaasahang makababawas sa travel time mula Digos patungo sa Panabo mula sa isang oras at 44 minuto sa pamamagitan ng Pan-Philippine Highway sa 49 minuto sa pamamagitan ng Davao By-Pass Road.

“The detailed engineering design of the 19.8 billion peso Davao City by-pass is already on-going. The first phase of the project will be completed in 2022,” ani Villar.

“As the Philippines pursue it’s biggest, boldest, and most ambitious infrastructure program, we thank the Japanese government for being a great partner in our economic development,” dagdag pa niya.

Tutulong din ang Japan sa pagsasakatuparan ng key flood control projects sa Pilipinas kabilang ang Paranaque Spillway (Tunnel) Project, Cavite Industrial Area Flood Management Project at Davao River Basin Flood Control Project.

Iprinisinta rin ni Villar ang Cavite Industrial Area Flood Management Project, na inaasahang poprotekta sa 7,000 kabahayan o 556 ektarya sa tabi ng Cavite Industrial Area, sakop ang Imus, San Juan, at Canas River Basins.

“Our JICA Loan for the financial assistance on the Cavity Industrial Area Flood Management Project is targeted to be approved by November 2017,” saad niya.

“In the Philippines pursuit of ushering in the Golden Age of Infrastructure, we thank the Japanese government for being a great partner in our economic development by constantly providing us with development assistance, financing, and innovative technology,” dagdag ng kalihim.





Walang komento:

Mag-post ng isang Komento