Isang
selebrasyon ng galak ng pagmamahal at pagiging ina ang tampok sa inaabangang
album ng Asia’s Songbird na “Hulog Ka Ng Langit.”
Tampok
sa album ang 17 kanta kabilang ang debut single na “Hulog Ka Ng Langit,” “Hele
Ni Inay,” “Someone’s Waiting For You,” “Happiness,” “You,” “God Gave Me You,”
“Rainbow Connection,” “Amazing,” “My Child,” “Pag-ibig,” “Tomorrow,” “Araw,
Ulap, Langit,” “Nathaniel (Gift of God),” “The One Real Thing,” “Happiness,”
“Sa’yo Na Lang Ako,” “You Got It” at “Just The Way You Are” na duet kasama ang
asawang si Ogie Alcasid.
Akapela Open
National Finals: Gabi ng talento
Pagkatapos
ng ilang buwan ng masusing pagpapasiya, ginanap na rin ang Akapela Open National
Finals sa Meralco Theater kung saan nagtanghal ang mga napiling siyam na
finalists: 1415, Acapella GO, D’
Trendz, FiVibe, Overtone, Pinopela, Taftonic, W/
Plesha at Xavier University Glee Club Showstoppers.
Isang
kumpetisyon para sa contemporary acapella ensemble singing ang Akapela Open, isang
proyekto ng The Music School ni Ryan Cayabyab. Ito rin ang kauna-unahang acapella competition sa bansa.
Itinanghal
na kampeon ang Acapella Go mula sa Bulacan, 1st runner-up ang
Pinopela mula sa Baguio City at 2nd runner-up naman ang 1415 mula sa
Diliman.
Bleu
Rascals, panalo sa Cotai Jazz and Blue Festival sa Macau
Umuwing kampeon sina Paul
Leobrera (lead vocals), Oliver Salaysay (bass/vocals) at Jayson Garcia
(drums/vocals) ng Bleu Rascals nang itanghal silang kampeon sa Cotai Jazz and
Blue Festival sa Macau.
Sila ang kauna-unahang Pinoy band
na tumugtog sa Memphis International Blues Competition nitong nakaraang taon.
Iginawad naman kay Manami Morita ng USA ang 2nd place at 3rd
place para kay Chekov ng China. Kinabilangan ng mga talento galing sa Hong
Kong, Singapore, Thailand, Russia, Italy, Portugal, Brazil at Australia ang
kumpetisyon.
Plano nilang gamitin ang
napalunan para sa paglulunsad ng debut album. Sa ngayon ay may 14 na orihinal
na komposisyon ang banda.
.
Sitti, ilulunsad
ang bagong album sa Bossa Love concert
Ilulunsad
sa publiko ang inaabangang follow-up album ni Sitti na pinamagatang “Bossa
Love” kasabay ng isang konsiyerto sa Music Museum ngayong Nobyembre 28. Ang
tinaguriang “Queen of Bossa Nova” ang nagpasikat ng bossa versions ng “Tattooed
on My Mind,” “Hey Look at the Sun” at “I Didn’t Know I Was Looking for Love.”
Sa
pamamagitan ng debut album na “Café Bossa” noong 2006, ipinakilala ni Sitti ang
bossa nova sa industriya ng musika sa bansa. Itatampok din sina Nyoy Volante at
Jett Pangan bilang guests.
Alicia Keys: Set
the World on Fire Tour in Manila
Muling
magtatanghal ang Grammy winner singer-songwriter na si Alicia Keys sa ‘Pinas ngayong
Nobyembre 25 sa SM Mall of Asia Arena, Pasay City. Huli siyang nagdaos ng
konsiyerto noong Agosto 2008.
Una
siyang nakilala nang ilunsad niya ang kanyang unang album na “Songs in a Minor”
noong 2001 na nagtampok ng kakaibang kumbinasyon ng R&B, soul, jazz at
classical piano na nagluklok sa kanya sa industriya ng musika sa loob at labas
ng Amerika. Dito siya nanalo ng limang parangal mula sa 2002 Grammy Awards.
Avril Lavigne, may
bagong album at concert tour
Balik-musika
ang “Pop Princess” na si Avril Lavigne sa isang self-titled album. Ito na ang
kanyang panlimang album mula ng mailabas ang “Goodbye Lullaby” noong 2011.
Kapansin-pansin pa rin ang natatanging istilo ni Avril sa kanyang mga kanta
gaya ng lead single na “Here’s To Never Growing Up,” “Bad Girl,” “ Hello Kitty”
at “Let Me Go” na itinampok din ang kanyang asawang si Chad Kroeger ng
Nickelback.
Binubuo
ng 13 kanta ang bagong album, kabilang ang “Hush Hush,” “Falling Fast,” “Hello
Heartache,” “Sippin’ on Sunshine,” “You Ain’t Seen Nothin’ Yet,” Give You What
You Like,” “Bitchin’ Summer,” “17” at “Rock n Roll.”
Magdadaos
din ng konsiyerto si Avril sa darating na Pebrero 14 sa Big Dome.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento