Ni
Florenda Corpuz
Autumn is here! Tuwing panahon ng
taglagas, popular na libangan ng mga lokal at dayuhang turista sa Japan ang “autumn
leaf viewing” o ang tinatawag na “momijigari.”
Bahagi na ng kulturang Hapon ang momijigari. Sinusubaybayan nila ang tinatawag na “koyo
front” kung saan ang kulay berdeng dahon ay nagiging pula, dalandan at dilaw. Ang
koyo front ay nagsisimula sa northern mountains ng Hokkaido pababa sa central
at southern parts ng Japan. Kadalasan ay nagtutungo sa mga hardin, parke,
templo at bulubunduking lugar ang mga tao para masilayan ang mga naggagandahang
autumn colors ng bansa.
Narito ang listahan ng ilan sa
mga paboritong koyo spots sa buong Japan:
Daisetsuzan
National Park – Ito
ang pinakamalaking mountain national park sa buong Japan na may total area na
230,000 hectares. Tinatawag na “the
roof of Hokkaido” ang lugar na ito dahil sa mga naglalakihang bundok na
makikita rito. Dito unang masisilayan
ang autumn colors ng taglagas na kadalasan ay makikita kalagitnaan ng Setyembre
hanggang Oktubre.
Onuma
Park – Itinalaga
bilang quasi national park, kilala ang lugar na ito dahil sa napakagandang Mount
Komagatake. Ito ay matatagpuan sa katimugang bahagi ng Hokkaido kung saan
ma-e-enjoy ang ganda ng autumn colors tuwing buwan ng Oktubre.
Oirase
Mountain Stream –
Ang Oirase-gawa River ay dumadaloy mula sa Lake Towada-ko at sa pagitan ng
14-kilometer source section sa pagitan ng Nenokuchi at Yakeyama. Ito ay
tinalagang natural monument ng Aomori. Makikita ang autumn colors dito simula
kalagitnaan ng Oktubre.
Tateyama
Kurobe Alpine Route – Isa
sa pinakamagandang mountain crossings sa buong Japan. Ito ay nakumpleto noong
1971 at kumukonekta sa Toyama City sa Toyama Prefecture at Omachi Town sa Nagano
Prefecture. Pangunahing atraksyon nito ang Tateyama Mountain Range na bahagi ng
Chubu Sangaku National Park. Masisilayan ang naggagandahang autumn colors dito
simula huling bahagi ng Setyembre hanggang unang linggo ng Nobyembre.
Nikko
– Ito ay
matatagpuan sa paanan ng Mt. Nyoho-san sa kanlurang bahagi ng Tochigi. Ang
lugar na ito ay itinuturing na temple town ng Futara-san-jinja Shrine, Toshogu
Shrine at Rin-no-ji Temple. Masisilayan ang naggagandahang autumn colors sa Okunikko
region sa paligid ng Lake Chuzenji at Yumoto Onsen simula Oktubre hanggang
kalagitnaan ng Nobyembre.
Miyajima
– Matatagpuan sa
labas ng Hiroshima Prefecture, ang Miyajima ay kabilang sa top three scenic spots sa Japan at tinatawag na “Island
of Gods,” at popular dahil sa floating shrine at Otorii na matatagpuan dito.
Ma-e-enjoy ang autumn colors dito sa kalagitnaan ng Nobyembre.
Arashiyama
– Ito ay
matatagpuan sa outerskirts ng Kyoto kung saan masisilayan ang naggagandahang
autumn colors tuwing kalagitnaan ng Nobyembre. Noong unang panahon dinarayo na
ng mga aristokrato ang lugar na ito na puno ng rice fields at bamboo woods
upang makakita ng magagandang tanawin habang namamangka.
Rikugien
Gardens – Isa
ito sa pinakamagandang hardin sa buong Japan. Pitong taon ang itinagal bago
makumpleto ang lugar na ito noong 1702. Ang Tsutsuji Tea House ay isa sa best spots ng hardin. May special
illumination dito ng mga autumn leaves simula Nobyembre 22 hanggang Disyembre
8.
Mount
Takao – Ito ay isa sa
pinakadinarayong lugar ng mga Tokyoites kung nais nilang makita ang ganda ng
autumn colors dahil malapit lamang ito sa central Tokyo. Ang makahoy na bundok
ay pinupuntahan dahil sa templo at hiking opportunity na ibinibigay nito. Ang
buwan ng Nobyembre ang peak ng autumn colors dito.
Icho
Namiki (Ginkgo Avenue) – Itinuturing
na opisyal na puno ng lungsod ng Tokyo ang ginkgo o icho. Sa Meiji-jingu Gaien Park matatagpuan ang tinatawag na Icho
Namiki o “Ginkgo Avenue” kung saan nakahilera ang naggagandahang ginkgo trees
na masarap puntahan tuwing huling bahagi ng Nobyembre hanggang unang linggo ng
Disyembre.
Sa Kyoto unang nagsimula ang
tradisyon ng autumn leaf viewing na nagsimula pa noong Heian period (late 8th
century).
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento