Ni
Florenda Corpuz
Naimbitahang dumalo ang tatlong
Pinoy fashion bloggers sa prestihiyosong Mercedes Benz Fashion Week Tokyo S/S
2014 o Japan Fashion Week (JFW) na ginanap sa Shibuya Hikarie at iba pang lugar
sa Tokyo kamakailan.
Dinaluhan nina Gervin Paulo
Macion ng “Jenne Chrisville,” Carey Kho-Watanabe ng “Chic Sensei” at Ashley Dy
ng “Candy Kawaii Lover” ang mga runway shows ng ilang kilalang Japanese fashion
designers tulad nina Nozomi Ishiguro, Li Lin (JNBY) at Tamae Hirokawa (Somarta).
“I was there for four days. I
loved watching the shows and I loved the outfits,” pahayag ni Dy.
“It can be overwhelming for a
first timer. You want to watch the show, take pictures of the beautiful
outfits. It was fun,” saad naman ni Kho-Watanabe.
Napansin ng mga naglilibot na mga
fashion crews mula sa mga sikat na Japanese fashion websites ang tatlong Pinoy kung
saan sila ay kinunan ng mga litrato at panayam.
“I’m happy I made it again on Women’s
Wear Daily (WWD),” ani Macion na anim na seasons nang naimbitahang dumalo sa
JFW.
“Aside from the shows, I was looking
forward to meet new people and bond with them,” dagdag pa ni Macion.
Unang naimbitahan si Macion na
dumalo sa JFW noong 2011, si Dy noong 2012 at si Kho-Watanabe naman ay ilang
beses na rin nakadalo.
“I want my friends and blog
followers to experience what I’ve experienced through pictures, especially that
Japanese fashion is really crazy. I want to share that to them,” sabi pa ni Kho-Watanabe.
“Hindi ko pa nararamdaman na
na-penetrate na namin ang Japanese fashion scene. Pero sana one day dumating sa
point na yun. Magandang stepping stone ang JFW para matupad ang dream na iyan,”
sagot ni Macion sa tanong kung ano ang pakiramdam na unti-unti na nilang
napapasok ang Japanese fashion scene.
“I wanna show them the other side
of Japanese fashion hindi lang Harajuku. And I hope this can inspire other
Pinoy fashion bloggers na kaya rin natin mapasok ang Japanese fashion scene,”
pagtatapos ni Dy.
Samantala, sinabi naman ni
Francis William Pedyo Cagayat, isa rin sa mga naimbitahan na dumalo na hindi na
niya papalampasin ang susunod na season ng JFW. “I’m excited to meet new people
kaya sisiguraduhin ko na makakadalo na ako next season.”
Ang
Japan Fashion Week ay isang by invitation only event na ginanap dalawang beses
kada taon. Ito ay inoorganisa ng Japan Fashion Week Organization.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento