Ni
Florenda Corpuz
Si Eugene Domingo kasama ang mga nasa likod ng pelikulang Barber's Tales. (Kuha ni Din Eugenio) |
Itinanghal na Best Actress ang komedyanteng
si Eugene Domingo sa pagganap sa pelikula ni Jun Robles Lana na “Barber’s
Tales” sa 26th Tokyo International Film Festival na ginanap sa
Roppongi Hills, Tokyo kamakailan.
Ito ang unang pagkakataon na
nagwagi ng acting award ang isang Pilipino sa prestihiyosong festival.
“I would like to share this award
to the one very important person who entrusted me with my first full-length drama
role, Direk Jun Robles Lana,” saad ni Domingo sa kanyang acceptance speech.
Ginampanan ni Domingo ang papel
ni Marilou, isang simpleng maybahay na naninirahan sa probinsiya na pagkatapos
manahin ang barberya ng kanyang namayapang asawa ay kanyang kinanlong ang mga
rebelde noong panahon ng Martial Law.
“Tokyo International Film
Festival, thank you for this opportunity, thank you for this recognition. This
is not going to be the first time, I’ll keep coming back to Japan. I still have
many things to buy from Don Quijote. Thank you very much,” pagtatapos ni
Domingo.
Bago ang awarding ceremony,
dinaluhan nina Domingo, Lana at iba pang staff ng pelikula ang opening ceremony
kung saan sila ay naglakad sa green carpet na gawa sa recycled plastic bottles kasama
ang iba pang kinatawan ng mga pelikulang kalahok sa festival.
“Last year I was here for my
film, ‘Bwakaw’. It’s an honor to be back here in Tokyo.”
Samantala, pinatingkad naman ng
presensiya nina Prime Minister Shinzo Abe, Hollywood star Tom Hanks at
directors Paul Greengrass, Francis Ford Coppola at Sofia Coppola ang green
carpet event.
Dumating din ang Hollywood actor
na si Robert De Niro para sa Japanese premiere at festival screening ng kanyang
pelikulang “Malavita.”
Dumalo rin sa festival ang mga
Pilipinong direktor na sina Lav Diaz at Mikhail Red para sa screening ng
kanilang mga pelikula na “Norte, Hangganan ng Kasaysayan” at “Rekorder.”
Ang mga nabigyan ng parangal ay
ang “We Are the Best!” ni Director Lukas Moodysson (Tokyo Sakura Grand Prix), “Bending the Rules” ni Director Behnam Behzadi (Special Jury Prize), Benedikt Erlingsson ng “Of Horses and
Men” (Best Director ), Eugine Domingo ng “Barber’s Tales” (Best Actress) at Wang
Jingchun ng “To Live and Die in Ordos” (Best Actor).
Nabigyan din ng parangal ang “The
Empty Hours” ni Director Aarón Fernández (Best Artistic Contribution Award ), “Red Family” ni Director Lee Ju-hyoung (Audience Award), “Today
and Tomorrow” ni Director Yang Huilong (Best Asian Future Film Award), “The
Tale of Iya” ni Director Tetsuichiro
Tsuta (Asian Future, Special Mention) at “Forma” ni by Director Ayumi Sakamoto (Japanese
Film Splash, Best Picture Award).
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento