Ni
Florenda Corpuz
Kuha ni Robert Vinas/Malacañang Photo Bureau |
Nagpahayag ng interes si Pangulong
Benigno Aquino III na gamitin ng Pilipinas ang Japanese Integrated Service
Digital Broadcasting – Terrestrial (ISDB-T) standard kapag lumipat na ang bansa
sa digital terrestrial television o DTV.
Sa bilateral meeting na ginanap
sa Brunei Darussalam kamakailan kasama si Japanese Prime Minister Shinzo Abe,
sinabi ni Aquino sa kanyang Japanese counterpart ang ginagawang pag-aaral ng pamahalaan
sa planong transisyon sa bagong tv standard.
Ayon kay Pangulong Aquino,
nakumpleto na ng technical working group ang kanilang assessment at iminungkahi
ng mga stakeholders na gamitin ng Pilipinas ang Japanese system.
“May last step na gagawin ang
NTC, which is to hold a hearing among the stakeholders who were actually the
proponents. So parang we are migrating to the Japanese digital standards—that’s
one thing we discussed,” pahayag ng Pangulo.
Dinagdag pa ng Pangulo na magpapatawag
ng final hearing ang National Telecommunications Commission (NTC) para sa mga
stakeholders na siyang huling hakbang para sa gagawing transisyon.
“The reason why Philippine
industry experts prefer the Japanese standard is its ability for an emergency
broadcast during emergencies. We are told that it was used during the Fukushima
incident. ‘Yung Shinkansen bullet trains managed to stop x number of seconds on
a minute prior to the earthquake hitting, (and) saved lives; ‘yung ability to
turn on television sets to broadcast this warning maski na naka-off,” paliwanag
ng Pangulo.
Sa kabilang banda, sinabi naman
ng mga proponents ng European system na kaya rin nilang gumawa ng tulad ng sa
Japanese system na may parehong kapabilidad. Ani pa ni Pangulong Aquino, bentahe
ng Japanese system ay ang madalas na pagbisita ng mga sakuna sa Japan tulad ng
Pilipinas, at ang sistemang ito ang kanilang ginagamit.
“The European continent is not
visited by the disasters that Japan and we are visited with. So they might be
able to meet that need, whereas Japan has demonstrated that they are actually
meeting this particular facility of service,” saad ng Pangulo.
Nauna nang inindorso ng NTC sa Department
of Science and Technology (DOST) ang adoption sa Japanese standard sa halip na
ang European standard para sa migration ng Pilipinas sa digital terrestrial TV
sa taong 2015.
Samantala, nilagdaan na ni NTC
Commissioner Gamaliel Cordoba ang circular for “Standard for Digital
Terrestrial Television (DTT) Broadcast Service” kamakailan na maghuhudyat ng
pagbubuo ng technical working group na magsasagawa ng implementing rules at
regulations sa Disyembre.
Sinasabing naglabas ng ilang bilyong
piso ang mga pangunahing networks sa bansa para sa paghahanda ng paglilipat sa
digital TV: ABS-CBN (P2 bilyon), GMA (P1 bilyon) at TV5 (P500) milyon.
Kinakailangang magbayad ng mga mamimili
ng halagang P1,000 para sa set-top box sa mga TV sets na may analog tuners. Ang
device na ito ang makakatanggap ng signal para sa digital TV.
Matatandaang ipinahayag ni Abe
ang kanyang pag-asam na gagamitin ng Pilipinas ang digital terrestrial
television system ng Japan noong bumisita ito sa bansa noong Hulyo 27.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento