Miyerkules, Disyembre 4, 2013

Japanese tourists sa Pilipinas, pangatlo sa may pinakamataas na bilang

Ni Florenda Corpuz


Pangatlo ang mga Hapon sa pinakamataas na bilang ng mga foreign tourist arrivals sa Pilipinas ngayong taon, ito ang pahayag ng Department of Tourism (DOT) kamakailan.

Umabot sa 293,445 o 9.23%  ang inbound total ng mga Japanese tourists na dumating sa bansa sa unang walong buwan ng 2013 na naging hudyat upang muling makuha nito ang ikatlong pwesto na inokupa ng mga Chinese tourists noong Hulyo.

Ayon sa DOT, umabot sa 3,180,903 foreign tourists ang bumisita sa Pilipinas mula Enero hanggang Agosto, mas mataas ng 11.28% mula sa 2,858,348 noong nakaraang taon.

“The 3.18 million arrivals marked another milestone for the tourism sector as it is the first time that visitor arrivals achieved the three million figure in August,” masayang pahayag ni DOT Secretary Ramon Jimenez Jr..

Ang 3.18 milyon ay katumbas ng 57.83% ng targeted foreign arrivals na 5.5 milyon ngayong taon.

Bukod sa mga Japanese tourists, pasok din sa top 10 ang mga Koreans na nasa unang pwesto na may bilang na 822,128 visitors o 21.0% ng total arrivals. Nasa pangalawang pwesto naman ang mga American tourists na umabot sa 457,819 visitors o 14.39%. Pang-apat ang mga Chinese tourists na may bilang na 288,826 visitors o 9.08%. At panglima naman ang mga Australian tourists na umabot sa 131,977 arrivals o 4.15%.

Nasa ika-anim hanggang ika-sampung pwesto naman ang mga sumusunod: Singapore na may 114,018 arrivals, Taiwan na may 103,306 arrivals, Hong Kong na may 86,396 arrivals, Canada na may 84,353 arrivals at United Kingdom na may 80,121 arrivals.

Setyembre noong nakaraang taon nang maabot ng bansa ang 3-million mark habang Oktubre naman noong 2011. Unang naitala ang ganitong bilang noong Disyembre 2007.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento