Ni Elvie Okabe, DBA/MAE
Robin Padilla kasama ang writer ng artikulong ito. |
Bakit tinatawag na makabagong
bayani ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs)? Ang number one na dahilan, ayon
sa pag-aaral ng Central Bank of the Philippines, ay ang money remittance o
padala ng mga OFWs na humigit-kumulang sa dalawang bilyon na nakakadagdag sa kaban ng Pilipinas kada taon. Napakasakit
lamang isipin na naibubulsa na ng mga kurakot na politicians at false
non-government organizations (NGOs) ni Napoles at iba pa ang karamihan nito
imbes na mapunta sa mga proyekto na makikinabang ang mga pangkaraniwang Pinoy. Ito ang panawagan ni Robin Padilla nang
ipinadala siya sa Tokyo at Gifu ng MoneyGram.
Napakasaya ng mga taong
nakarating sa Mitaka, Tokyo at sa Gifu pagkakita kay Binoe na talaga namang
sandaling nakalimutan ang pagod at problemang dala-dala. Bukod sa pag-promote ng MoneyGram remittance
sa ‘Pinas through SBI remittance from Japan ay siya rin ang nagdala mismo ng
kanyang personal na mga regalo sa mga fans gaya ng kanyang music record album,
Robin Padilla brand perfume, at mga posters.
Dahil nga libre ang entrance (ayon sa kanyang suggestion) sa lahat ng
kanyang appearance at hindi kumita ang MoneyGram at SBI ay siya pa mismo ang
nanlibre ng dinner sa mga representatives sa Tokyo. Narito po ang sabi ng isang Pinoy na taga-Gifu
sa Instagram picture ni Robin, @twenny01, “thank you so much, Kuya Robin, at
pinasaya mo kami lahat kanina. Super bait n’yo po at ilang ulit po ako pumila
para makapagpicture sa’yo …sana maulit uli ang pag-visit mo rito sa Kani
Shi Fukushi Center. Grabe talaga ang saya namin, @robinhoodpadilla.”
Pagkatapos dito sa
Japan ay nagpunta rin siya sa Jeddah at Beirut sa Middle East na ayon sa mga
larawan at videos sa Instagram ni Binoe ay talaga namang nagsiksikan at
nagkaroon pa ng stampede at may mag-ama pang nasaktan at na-ospital.
Nabanggit natin noong
nakaraang issue ng Pinoy Gazette ang tungkol sa paghawak ng pera at sinasabi sa
Bibliya na pinagnanakawan natin ang Diyos kung ating ninanakaw o ibinubulsa ang
hindi nararapat sa atin o kaya ay hindi tayo nagbibigay sa kawanggawa o charity
sa mga nangangailangan. Dahil sa
nakaraang supertyphoon na pinangalanangYolanda na lumipol sa mga lugar at mga
tao sa Tacloban, Samar, Leyte, Bohol, Cebu, Mindoro, at iba pa, ngayon ang natatamang
panahon ng pagbibigay-balik sa Diyos ng mga biyayang ipinagkaloob sa atin ng
Diyos sa pamamagitan ng ating mga donasyon.
Siguraduhin lang po natin na ang ating mga donasyon ay matatanggap mismo
ng mga nasalanta at hindi daraan sa mga opisyales ng barangay, munisipyo o anumang
sangay ng gobyerno upang hindi mapurnada ang ating pagtulong.
Robin Padilla, wrote
the following prayer in his Instagram bago bumalik ng ‘Pinas galing ng Beirut
noong nakaraang November 12, “Sa ngalan ng Allah ang mapagpala at ang
mahabagin. Maraming maraming salamat po Panginoong Lumikha sa mga biyaya,
pagpapala at kasayahan na ibinigay Niyo sa amin ng aking mga kababayan dito sa
Middle East. Hinihingi po namin ang inyong patnubay sa aming pag-uwi. Pag-ingatan
Niyo po ang aming paglalakbay upang makarating po kami ng matiwasay sa
Inangbayang Pilipinas. Kung ano man ang aming mga naging pagkukulang sa aming
pananampalataya at sa pakikipagkapwa-tao ay humihingi po kami ng patawad sa
inyo at nagsusumamo ng lakas upang sa mga susunod na paglalakbay ay mapunuan
ito at hindi na maulit. Muli po,
Panginoong ng lahat mga daigdig, maraming maraming salamat po.”
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento