Kuha ni Din Eugenio |
Itinuturing na pinakamasaya ang buwan ng Disyembre sa
pagsapit ng Pasko at Bagong Taon. Sa iba’t ibang nasyon at lahi, may pagkakaiba
man ang mga tradisyon ngunit iisa ang layunin.
Popular sa mga bansa sa Europe ang Christmas Markets
at winter festivals na sentro ng selebrasyon kagaya ng United Kingdom, Sweden,
Netherlands, Germany, Italy at France. Nagsisimula ang selebrasyon sa Disyembre
24 hanngang Enero 6 o 7.
Sa Germany, pinakamahalagang araw ang Christmas Eve
at ipinagdiriwang sa isang hapunan at midnight mass. Pinakasikat na Christmas
market nila ang “Christkindelmarkt”
sa Nurnberg. Katulad ng
Germany, pinakamahalaga rin sa mga Swedish ang Christmas Eve at tinatawag nilang
“Jul” ang Christmas.
Sa France, naglalagay siPère Noelng mga regalo sa mga sapatos sa gabi ng
Disyembre 24. Nagsisimula naman sa Saturnalia, isang winter solstice festival
ang selebrasyon sa Italy at nagtatapos sa Calends (Roman New Year). Samantalang
sa Greece at Spain, nagbibigayan ng regalo tuwing Enero 6 (Three Kings Day).
Naniniwala naman ang mga batang Dutch sa Netherlands na si Sinterklaas (St.
Nicholas) ay dumadating mula Spain tuwing Disyembre 6 na kapistahan niya.
Simula nang bumagsak ang komunismo sa Russia,
naging bukas na sa lahat ang selebrasyon ng Pasko. Bagong Taon naman ang mas
pinapahalagahan dito kung saan nagdadala ng mga regalo sa mga bata si “Father
Frost.” Kilala naman sa Iceland ang kanilang 13 Santa Claus na bumababa para
magbigay ng regalo 13 araw bago ang Pasko. Dinadayo naman sa London ang
kanilang mga Christmas grotto, New Year parade, Shakespearean Christmas at
Lincoln Christmas Market na pinakauna at pinakamalaki na may 350 stall ng mga natatanging
regalo, pagkain, dekorasyon at ang Big Wheel.
Tag-init naman ang Pasko sa Africa. Isinasagawa rin
ng maraming Katoliko ang mga nakasanayang tradisyon gaya ng Christmas carols at
handaan kasama ang pamilya at mga kaibigan pagkatapos ng misa. Mas binibigyang
halaga nila ang pang-relihiyong aspeto ng pagdiriwang sa kapanganakan ni Hesus
sa halip na pagbibigayan ng regalo. Iba-iba ang wika na ginagamit sa maraming
lugar sa Africa. Tulad sa Egypt, “Colo
sana wintom tiebee” ang
kanilang Merry Christmas, Kuwa na Krismasi njema sa
Kenya at Tanzania at Merry Kisimusi sa Zimbabwe.
Makikita naman ang mga pamilya at turista na nasa
Bondi Beach sa Sydney, Australia ng tanghaling tapat. Tuwing Christmas Eve
naman, nagtitipon-tipon ang mga Australian sa Melbourne para sa “Carols by
Candlelight” at kinakanta ang mga paboritong kantang pampasko. Makikita rin sa
mga bahay ang Christmas Bush na isang katutubong halaman na may pulang dahon.
Karamihan naman ng selebrasyon sa North America ay
dala ng mga German at English na imigrante, kabilang na ang Christmas tree,
kalendaryo, greeting cards, gingerbread houses at cookies. Opisyal na
nagsisimula ang Christmas season ng Biyernes pagkatapos ng Thanksgiving.
Mahilig din ang mga Amerikano sa shopping at magarbong dekorasyon tuwing
Disyembre. Maliban sa populasyon ng mga Eskimo sa Canada na nagdidiwang ng
pista at may sariling tradisyon, parehas lang ang tradisyon ng mga taga-Canada
sa Amerika.
Pista naman ng pag-ani ang Pasko sa mga katutubong
Bolivians, kung saan ipinagpupugay nila ang Goddess Mother Earth para magpasalamat
at muling humiling ng masagang ani sa Bagong Taon. Walang Christmas tree ang
mga kabahayan maliban saPresépio na sumisimbolo sa kapanganakan ni Hesus. Pinaniniwalaan nila na
si Papa Noel ay nakasuot ng silk at taga-Greeland.
Koleksyon naman ng mga
iba’t ibang kaugaliang pang-relihiyon ang tradisyon ng
Pasko sa Asya. Maliit na bilang lamang ng populasyon ng karamihang bansa sa
Asya ang mga Kristiyano at madalas ang mga tradisyon ay sa simpleng pagsisimba.
Isang state holiday ang Pasko sa India dahil sa impluwensiya ng mga Briton. Sa
South Korea naman ay isang public holiday ito at tinatawag na “Santa Haraboji”
ang bersyon nila ng Santa Claus. Pagdating naman sa China at Taiwan, pribadong
selebrasyon naman ang Pasko ngunit isang public holiday sa Hong Kong at Macau.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento