Ni Len Armea
Sa unang pagkakataon ay
nagdaos ang Pinoy rock icon na si Bamboo Mañalac ng isang Christmas concert
na ginanap sa Music Museum kamakailan. Dahil sanay ang mga manonood na naririnig na kumakanta si Bamboo ng rock songs, naging espesyal at makahulugan ang
concert na ito na pinamagatang “Believe: Christmas @ Home with Bamboo.”
Unang kinanta ni Bamboo
ang “God Rest You Merry, Gentlemen” na binigyan ng bagong areglo at inumpisahan
sa pamamagitan ng pagtugtog ng “Jingle Bells.” Paglabas sa stage ni Bamboo na nakabihis ng pormal
at nagsimulang kumanta ay agad na mararamdaman ang diwa ng Pasko lalo na’t ang disenyo
ng stage ay may mataas na Christmas tree at malaking kahon ng mga regalo.
“I wish you all a
merry, merry Christmas. Thank you for coming here tonight,” panimula ni Bamboo
na napangiti sa hiyawan ng mga fans na tumungo sa sold-out concert nito.
“The first thing that
influenced me is Christmas music. Christmas and music mean so much to me; it’s
about traditions and it’s about doing something different.”
Ilan sa mga kinanta nito
ay ang “Have Yourself a Merry Christmas,” “The Christmas Song,” “We Three
Kings,” “Hark the Herald Angels Sing,” at “Baby, Please Come Home.” Naging patok
din sa mga manonood ang pagkanta nito ng ilan sa mga hit songs niya na hinaluan
ng Christmas songs tulad ng kanta niyang “Morning Rose” na mula sa kanyang pinakabagong
album na “No Water, No Moon” sa ilalim ng Polyeast Records at siningitan ng “What A Child Is This?”
Pinalakpakan din si Bamboo
sa pagkanta niya ng “Elesi,” na isa sa pinakasikat na kanta ng Rivermaya kung
saan dati siyang miyembro, na inareglo kasama ang “Pasko Na Sinta Ko,” at “We Wish
You A Merry Christmas.” Isa pa ang “In
Shadow” na nasa bago rin niyang album at hinaluan ng “Ang Pasko ay Sumapit.”
Naging madamdamin din
ang naging presentasyon ni Bamboo kasama ang children’s choir kung saan kanilang
kinanta ang “Happy Christmas (War is Over).” Naging paborito rin ang kanilang pagkanta
ng “Noypi” at “Maligayang Pasko.”
Bahagi ng kinita sa
concert ay mapupunta sa mga naging biktima ng bagyong Yolanda na nanalanta sa Eastern
Visayas noong nakaraang buwan.
“I would like to impart
my heartfelt support and prayers to our kababayans in the Visayas thru music
and thru this concert. Let the [Christmas] spirit inspire us to help others and
to believe that there is hope for our country.”
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento