Ni Jovelyn Javier
“I want to touch people with my art. I want them to
say ‘he feels deeply, he feels
tenderly’.” – Vincent van Gogh
History in
the making
Itinuturing na isang ‘groundbreaking homage’ ang award-winning
animated film na “Loving Vincent” na siyang kauna-unahang fully-oil painted feature
film sa kasaysayan ng paggawa ng pelikula kung saan tampok ang 65,000 hand-painted keyframes na gawa ng 123 professional
artists sa studios sa Poland at Greece.
Para maipinta ng mga artists para sa big screen ang
mga napiling obra na ayon sa istilo ng iconic Dutch artist na si Vincent Willem
van Gogh, dumaan muna sila sa masusing pagsasanay bago opisyal na sinimulan ang
design painting animation process.
Unang kinunan ang mga eksena bilang live action (with
actors) at ang mga ito ang ginamit na templates ng mga artists sa pamamagitan
ng idinisenyong Painting Animation Work Station (PAWS) na may nakakabit na computer,
camera, lamp, at projector sa canvas ng mga artists habang ipinipinta nila ang
mga eksena at backgrounds.
Ang epekto ay parang pinapanood mo ang mga obra ni
Van Gogh na nabubuhay sa screen mula sa kumbinasyon ng pagganap ng mga aktor at
pagpipinta ng painting animators.
Remarkable passion and talent
but ill-fated life
Hango ang kwento mula sa 800 sulat ng artist sa
kanyang nakababatang kapatid na si Theo. Nagsisimula naman ang pelikula noong
summer 1891, isang taon mula nang pumanaw si Vincent (Robert Gulaczyk)
sa Auvers-sur-Oise (northwestern
suburbs of Paris, France).
At dahil
sa naiwan nitong huling sulat para kay Theo, ito ang magbubunsod sa paglalakbay
ni Armand Roulin (Douglas Booth), anak ni postmaster Joseph Roulin (Chris
O’Dowd) at malapit na kaibigan ni Vincent. Ito ay para unti-unting maintindihan
at tuklasin ang misteryo ng pagkatao at pagkamatay ni Van Gogh.
Kabilang
din sa cast sina Saoirse Ronan, Eleanor Tomlinson, Jerome Flynn, John Sessions,
Aidan Turner, Helen McCrory, James Greene, Bill Thomas, Robin Hodges, at Martin
Herdman. Mula sa BreakThru Films, direksyon ni Dorota Kobiela/Hugh Welchman at
suportado ng Polish Film Institute, Van Gogh Museum at iba pang organisasyon sa
sining.
Seeing the world in the eyes of Van Gogh
“We
cannot speak other than by our paintings.”
Tinatayang
125 paintings ni Van Gogh ang ginamit para sa pagbuo ng kabuuan nito na tampok
ang mga mahahalagang lugar at tao sa buhay ng artist. Ilan dito ay kanyang mga
pinakatanyag na gawa gaya ng “The Yellow House,” “Café Terrace at Night,” “Starry
Night over the Rhone,” “Church at Auvers,” “Portrait of Paul Ferdinand Gachet,”
“Wheatfield with Crows,” “Portrait of Pere Tanguy,” “Bank of the Oise at
Auvers,” “Portrait of Postman Joseph,” at “Marguerite Gachet at the
Piano in the Garden.”
Sadyang
totoo sa kanyang mga salita ang tinaguriang “Father of Modern Art” dahil sa
istilo niya ng pagpipinta na repleksyon ng kanyang emosyon at kung paano niya
nakikita ang mga bagay-bagay sa mundo. Makikilala agad ang mga obra niya dahil
sa mga natatanging katangian nito ng dramatic brush strokes at intense vibrant
colors na nagpapahiwatig ng kahulugang higit sa panlabas na anyo ng anumang
paksa nito.
Dahil sa
payo at suporta ng kapatid na si Theo, nagsimulang magpinta si Van Gogh sa edad
na 28-taong-gulang. At bagaman walong taon lamang siya naging pintor, nakagawa
siya ng mahigit sa 800 oil paintings at 1,100 na drawings at sketches sa gitna
ng kanyang pakikipaglaban sa mental illnesses at pang-aalipusta ng mga
nakasalamuha niyang tao sa kanyang maraming paglalakbay sa Europa dahil sa
pagiging iba nito.