Miyerkules, Pebrero 28, 2018

Alyansa ng Estados Unidos at Japan, matatag – Pence

Sinalubong ni  Japanese Prime Minister Shinzo Abe
 si U.S Vice President Mike Pence sa Japan kamakailan. 
(Kuha mula sa U.S Embassy and Consulates in Japan)

Iginiit ni U.S. Vice President Mike Pence na nananatiling matatag ang alyansa ng Estados Unidos at Japan partikular na sa panawagan sa North Korea na itigil na ang kanilang nuclear weapons and missile programs.

Sinabi ni Pence na magkatuwang ang dalawang bansa sa pagtiyak sa seguridad at kapayapaan sa mundo.

“We will continue to stand shoulder to shoulder with the people of Japan, the people of South Korea and our allies and partners across the region until we achieve the global objective of the denuclearization of the Korean Peninsula,” pahayag ni Pence nang sandaling bumisita ito sa Japan kamakailan bago tumulak sa South Korea para sa 2018 Pyeongchang Olympics.

Binisita rin ni Pence ang Japanese Patriot PAC-3 missile battery at nakipagkamay sa mga opisyal at ilang miyembro ng Self-Defense Forces (SDF). Nakipagpulong din si Pence kay Japanese Prime Minister Shinzo Abe.

Sa isang joint statement, sinabi nina Abe at Pence na nagkakaisa sila sa panawagan sa South Korea na huwag itong magpabuyo sa “smile diplomacy” na ipinapakita ng North Korea.

“Today, I shared the recognition with Vice President Pence once again that Japan, the U.S. and South Korea need to maximize pressure against North Korea through every possible measure. I was able to coordinate our North Korea policy completely,” pahayag ni Abe.

“Security is the foundation of our prosperities, and security in the Indo-Pacific is the main reason I came to Japan today. Working together, the United States and Japan will continue to confront the most dangerous threat in the Indo-Pacific, the rogue regime … North Korea,” ani naman ni Pence.

“We will continue to intensify our maximum pressure campaign… The United States is committed to provide Japan with additional cutting edge defense systems. Our nations are now working together to deliver these new defense systems as quickly as possible,” dagdag pa nito.

Para kay Abe, malabo na magkaroon ng diyalogo sa pagitan ng Japan at North Korea hangga’t hindi nito itinitigil ang nuclear programs.

“Unless North Korea shows sincere willingness to denuclearize itself and take concrete steps toward that goal, we cannot expect any meaningful dialogue,” ani Abe.

“Our alliance between Japan and the United States has become more robust and unwavering than ever,” giit pa nito.


Matatandaan na noong nakaraang taon ay isinagawa ng North Korea ang missile launce kung saan bumagsak ito sa karagatan ng Japan na mariing kinondena ng huli. 

Imperial wedding nina Princess Mako at kasintahan, ipagpapaliban

Nakatakda munang ipagpaliban nina Princess Mako at kasintahan na si Kei Komuro, kapwa 26, ang kanilang engagement at pagpapakasal, ito ang inanunsyo ng Imperial Household Agency kamakailan.

Ayon sa pahayag na inilabas ng magkasintahan, hindi sapat ang natitirang oras para sa kanilang paghahanda sa balak na seremonya ng kasal at buhay pagkatapos ng kanilang pag-iisang dibdib. Dinagdag din nila na ito ay sarili nilang desisyon.

Matatandaang pormal na inanunsyo ng Imperial Household Agency ang planong engagement nina Princess Mako at Komuro sa isang press conference na ginanap sa Akasaka Imperial estate noong Setyembre 3 noong nakaraang taon.

Dating magkaklase ang dalawa sa International Christian University kung saan sila ay nagtapos noong 2014. Naging malapit ang loob nila sa isa’t isa matapos ang isang orientation para sa study abroad programs ng kanilang unibersidad noong 2012.

Nag-propose si Komuro kay Princess Mako noong 2013 na tinanggap naman ng prinsesa.

Si Princess Mako ang unang apo nina Emperor Akihito at Empress Michiko at panganay sa tatlong anak nina Prince Akishino at asawang si Princess Kiko. Siya ay may master’s degree sa art museum at gallery studies mula sa University of Leicester sa England at kasalukuyang nagtatrabaho bilang researcher sa museo sa University of Tokyo.


Si Komura naman ay isang “commoner” o ordinaryong mamamayan at naninirahan sa Yokohama kasama ang ina at lolo. Pumanaw ang kanyang ama noong 2002. Siya ay nagtatrabaho bilang paralegal sa isang law firm sa Tokyo habang nag-aaral ng business law sa graduate school ng Hitotsubashi University.

Japanese destroyer Amagiri dumaong sa Maynila para sa goodwill visit

Ni Florenda Corpuz

Kuha mula sa Philippine Navy
Dumating kamakailan sa Pilipinas ang isang Japanese naval destroyer para sa dalawang araw na goodwill visit.

Dumaong sa Pier 15, South Harbor sa Maynila ang barko ng Japan Maritime Self-Defense Force (JMSDF) na JS Amagiri (DD-154) na kabilang sa Asagiri-class (general type) destroyer, sakay ang isang SH-60J helicopter at humigit-kumulang sa 200 officials at crew members.

Ito ang unang pagbisita ng barko ng JMSDF sa bansa ngayong taon.

Nagsagawa ng customary meeting procedures ang barko ng Philippine Navy (PN) na BRP Rajah Humabon (PS11) sa Corregidor Island at hinatid ang JS Amagiri sa nakatalagang daungan para rito.

Mainit na sinalubong ng mga delegado ng PN ang JS Amagiri sa pangunguna ni Flag Officer In Command (FOIC) Capt. Ricardo Martin na sinundan ng port briefing tungkol sa kalusugan at seguridad habang sakay ng Japanese destroyer.

Katulad ng mga nakalipas na pagbisita ng mga Japanese destroyers sa Pilipinas, nagsagawa ng serye ng confidence-building activities ang Japanese navy at counterparts sa Philippine Navy tulad ng mga goodwill games, boodle fight at shipboard tour.

Isang send-off ceremony naman na may customary Passing Exercise (PASSEX) ang isinagawa sa pagtatapos ng port visit.

Layon ng goodwill visit na palakasin ang relasyon ng dalawang bansa at higit pang mapabuti at mapanatili ang pagsulong ng kapayapaan, katatagan, at maritime support ng Japan at Pilipinas sa pamamagitan ng diplomasya sa dagat.


Photo caption: Sinalubong ng mga delegado ng Philippine Navy sa pangunguna ni Flag Officer In Command Capt. Ricardo B. Martin ang mga opisyal at crew mwmbers ng JS Amagiri na dumaong sa Maynila kamakailan.

Bagong air traffic management system ng Pilipinas na pinondohan ng Japan, pinasinayaan

Ni Florenda Corpuz

Si Pangulong Rodrigo Duterte kasama ang ilang opisyal ng Pilipinas 
at Japan sa pagpapasinaya ng CNS/ATM Systems kamakailan. 
(Kuha ni Simeon Celi Jr./Presidential Photo)
Pinasinayaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bagong Communications, Navigation, Surveillance and Air Traffic Management (CNS/ATM) Systems upang mapabuti ang air traffic efficiency and quality infrastructure sa Pilipinas.

“This is the answer to the calls for a much-needed upgrade in our country’s inadequate and aging air navigation systems which lags behind those of our neighbors in the regions,” sabi ng Pangulo sa kanyang talumpati.

Pinasalamatan ni Duterte ang gobyernong Hapon partikular ang Japan International Cooperation Agency (JICA) para sa pagpopondo sa proyekto na nagkakahalaga ng ¥22 bilyon sa pamamagitan ng loan.

“Through the cooperation of our people and our private sector partners, we can soon ease our transportation woes and pave the way for a more industrialized Philippines,” aniya.

“As we regain the people’s trust in government through our anti-criminality and anti-corruption initiatives, we can now look forward to the implementation and completion of major infrastructure projects that will bring us closer as a people and enhance the quality of life of all Filipinos,” dagdag pa ng Pangulo.

Dinaluhan din nina Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade, Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) Director General Jim Sydiongco, Japanese Ambassador to the Philippines Koji Haneda at JICA Chief Representative Susumu Ito ang seremonya.

“The aviation sector is a very important pillar and enabler of economic growth. Thus, with this new facility under our cooperation, we aim to contribute further in improving the Philippine transport infrastructure sector,” ani Ito.


Ang proyekto na nakumpleto noong 2017 sa ilalim ng Official Development Assistance (ODA) yen scheme ng JICA ay naglalayong makatulong na mabawasan ang pagkaantala ng mga flights at paghusayin ang air traffic safety sa bansa sa pamamagitan nang pagkakabit ng mga sistema ng upgraded communications, navigation, surveillance/air traffic management systems sa iba’t ibang lugar kasama ang en-route surveillance radars sa Aparri, Laoag, Cebu-Mt Majic, Quezon-Palawan at Zamboanga; at airport surveillance radars sa NAIA2, Mactan, Bacolod, Kalibo at Davao.   

Huwebes, Pebrero 8, 2018

Sapat ba ang ipon mo ngayon?

Ni  MJ Gonzales


Ang pagkakaroon ng negosyo, bahay, lupa, kotse, at maginhawang buhay ay ilan lamang sa pangarap ng bawat Pilipino.  Subalit, gaano naman kaya sila kahanda na pag-ipunan ang mga ito?

Ayon sa National Baseline Survey on Financial Inclusion noong 2015 ng National Strategy for Financial Inclusion, isang proyekto ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at  12 pang ahensyang  katuwang nito, 25 porsyento ng mga Pilipino ang walang  ipon, 32 porsyento ang  huminto na sa pag-iimpok habang 43 porsyento naman ang nag-iimpok.  Saan ka ngayon kabilang rito?

‘Di makapag-ipon

Maraming posibleng dahilan kung bakit hindi nakakapag-ipon.  Ilan na rito ay nag-ugat sa nakasanayang kaugalian gaya ng pagwawalang bahala o “mañana habit” at “ningas-kugon” o sa umpisa lang masigasig.

Maaari na rin maiugnay ito sa kakulangan ng kaalaman sa pananalapi (financial literacy) at mga institusyon na pwedeng  malapitan. Subalit, ano naman kaya ang mayroon sa mga taong kumikita naman ng sapat o sobra pa at pwedeng yumaman pero sa halip ay nababaon pa sa utang? 

Ayon pa sa survey ng NSFI ay 4.4 porsyento ang mga Pilipinong may utang sa bangko habang 47 porsyento naman ang may utang sa ‘di pormal na sektor gaya ng kamag-anak at maliliit na lending companies.

Kung aanalisahin ay ang kawalan ng ipon at paghiram ng pera ay ilan sa sanhi upang maging mahirap patatagin ang estado ng pananalapi. 

Paano at magkano?

Pagdating sa pag-iimpok ay mga disiplina na maaaring sundin. Isa na rito ang 70/30 o 60/40 rule na madaling sundin lalo na ng mga nagsisimula pa lamang mag-ipon.  Ito ay simpleng pag-aatado ng perang kinita o sahod kapag nakuha na.  

Ang 60 hanggang 70 porsyento ng kita ay para sa panggastos gaya sa bayad sa ilaw, tubig, pagkain, pamasahe, at iba pa habang ang 30 hanggang 40 porsyento ay ang bahagdan na itatabi para ipunin. Ang bahagdan ay depende kung saan komportable  kaya pwedeng magsimula sa 90/10 hanggang umabot sa 50/50 kung kakayanin.

Ang pinakamahalaga rito ay disiplina na unang itabi ang 30 hanggang 40 porsyento na perang iipunin. Ito ay upang masigurado na agad ang ipon at makundisyon ang sarili na magkasya sa inilaang perang panggastos.

Sa pagbuo ng pundasyon ng personal na pananalapi (personal finance) ay ipinapayo na magkaroon ng emergency fund, retirement fund, insurance, pambayad ng utang, investment fund, leisure fund, at iba pa.

Dito magandang gamitin ang “envelope method.” Sa disiplinang ito sa pag-iipon ay gumagamit ng sobre, garapon, o anumang mapaglalagyan para mapaghiwa-hiwalay ang mga perang panggastos (expenses) at pondo gaya halimbawa ng travel fund. 

Ang pinakadapat na unahin sa lahat ng klase ng pondo ay ang emergency fund. Ito ang klase ng ipon na para sa mga ‘di inaasahang gastusin gaya ng pagkakasakit, pagpapagawa ng nasirang gamit, o pagkawala ng trabaho.  Hindi naman kailangang malaki ang emergency fund, kundi  dapat ay sapat na sa tatlo hanggang anim na buwang halaga ng buwanang gastos. 

Sunod na rito ang investment at ang napakahalagang retirement fund na ang halaga ay depende sa inaasahan mong pamumuhay sa iyong pagtanda.  Kasama rin dito ang bilang ng taon na sa tingin mo ay ikaw ay mabubuhay kapag ikaw ay magretiro na. 

Panahon o pera

Hindi lamang pera ang sangkap sa pag-iipon at katunayan ay mas mahalaga ang panahon kaysa eksaktong pera.  Kapag nagsimula ng mas bata gaya ng mga nasa 20 pataas ay kahit maliit na halaga lang basta’t tuluy-tuloy ay napakainam na.

Ang maliit na halaga basta maipon sa mahabang panahon ay lumalaki at lumalago lalo na kung nakalagak sa tamang investment na may interes. Iba na rin ang usapan kung may edad na nagsimula dahil sa rami na posibleng gastusin gaya  sa pagpapaaral, medical checkup, at iba pa.

Negosyo 101: Kunin at panatilihin ang matamis na oo ng iyong customers

Ni MJ Gonzales


Sa negosyo ang tumatayong pinakaamo ay customers o parokyano. Ang makuha at mapanatili ang matamis nilang oo ay ang magdidikta sa itatakbo ng isang kabuhayan. Kaya naman hindi basta lamang makabenta ang importante, dapat ay ipadama na sila ang bida sa iyong kumpanya.

Kilala mo ba sila? Maraming negosyo na ang atake sa promosyon ay pangkalahatan.  Ang problema rito ay maaari ngang marami ang magkainteres pero iilan lang pala sa kanila ang talagang customer. Ibig sabihin niyan ay nasayang ang iyong ginastos sa hindi epektibong istratehiya sa pagpapatalastas. Ang mahalagang punto rito ay ang kawalan ng pagkilala sa pinupuntiryang mamimili o target market.
Maaaring sari-saring tao ang naaakit na bumisita sa iyong tindihan o shop pero balewala ang dami na ito kung sa pagsusuri ay mababa ang halaga ng kita dahil iilan lamang pala ang bumibili. Kaya mainam na malaman kung sino talaga  ang  merkado mo para sila ang mahikayat na bisitahin ka, mamimili sa iyo, at maramdaman nila na kailangan ka nila para balik-balikan ka. 

Sino ka ba para tangkilikin nila? Hindi lamang dahil sa tindi ng kumpetisyon ang kainaman ng pagkakaroon ng magandang imahe o reputasyon. Ang ilan pang nakapaloob dito ay tiwala at pagiging tapat ng mamimili. Ang kanilang pagtangkilik ay nagsisimula sa impresyon na iminamarka mo sa kanilang isipin sa bawat pagbili nila sa iyo.  Nagbibigay ka ba ng kalidad, ginhawa, natumbok mo ang kanilang gusto, nagsasabi ka ba ng totoo, at maaasahan palagi?  

Hanggang maaari sa lahat ng pagkakataon ay dapat pinapangatawanan mo ang iyong ipinapangako sa iyong mga kliyente.  Masira ka ng isa ay mahirap na, kung mauulit pa ay mitsa na ng hindi magandang reputasyon.  Sa ibang punto, hindi rin mapaghihiwalay ang isang negosyo sa may-ari nito. Kaya minsan kahit gaano kaganda ang produkto ay mababalewala kung ang may-ari at tauhan nito ay may ‘di kanais-nais na  imahe sa mata ng marami.

Handa ka bang sundan sila?  Maliban doon sa matatag na kumpanya ay araw-araw ay may mga ipinanganganak na magagaling sa iba’t ibang klase ng negosyo.  Ang pwede mong maging laban sa kanila ay ang iyong gilas sa pagpulso sa pangangailangan at manguna sa pag-aalok ng mga bagay na kailangan ng iyong mamimili. Kung hinihingi rin ng pagkakataon na may baliin o baguhin sa iyong pamamaraan para mapabuti ang iyong serbisyo ay dapat gawin. 

“It is not the strongest of the species that survives, nor the most intelligent that survives. It is the one that is most adaptable to change,” ang sabi ni Dr. Leon C. Megginson, isang Louisana State University professor at may akda ng librong “Small Business Management.”  

Kaya mo bang sumubok? Sa pangkalahatan, ang anumang klase ng pamumuhunan ay dumadaan sa pagsubok. Pwedeng ito ay may kinalaman sa bagay na hindi mo pa alam, sa bagay na hindi ka kumportable o kaya sa iyong kinatatakutan.  Hindi naman na kailangan na magpakalayo-layo ka sa iyong nais.  

Katunayan ay hindi ipinapayo na gawin mo ang isang investment na hindi mo naman gamay at nalalaman. Ang mahalaga ay gaano ka ba kapursigido na itaas pa ang iyong antas at magpakadalubhasa sa iyong napiling larangan.

Tama na maraming bentahe kung ang negosyo na mayroon ka ay malapit sa iyo. Subalit, maaari rin na ang iyong nalalaman sa iyong kinahihiligan o “passion” ay limitado kaya ka napag-iiwanan at tinatanggihan.

Para maging angat sa iba ay marapat na hindi ka nagdadalawang-isip na gumastos, palawigin ang iyong nalalaman, at sumubok ng mga istratehiya.  Halimbawa na computer products ang ibinebenta mo, hindi ba dapat na alam mo ang pinakabago, pinakamahusay, at pinakamainam para sa isang customer na magtatanong?  

Matutugunan nang mabilis at epektibo ang mga komento?  Mainam kung palaging positibo ang komentong matatanggap. Subalit minsan ay may papasok at papasok pa rin na negatibo at  kakaibang komento tungkol sa iyo.

Kahit negatibo man, pero kung mapapamahalaan nang tama ang pagtugon sa “customer feedback” ay mainam itong serbisyo sa kliyente.  Ito ang magtatawid upang patuloy kang tangkilikin at magbigay sa iyo ng mahusay na panukala.

Pitong istratehiya kung paano magbenta nang tama

Ni Phoebe Dorothy Estelle


Bilang mamimili ay may paraan ng pagbebenta na ayaw natin sa mga tindero. Kung babaliktarin naman natin ang sitwasyon ay mahirap din talaga ang magbenta lalo na kung maraming kalaban at may tinatangkilik na iba ang mga customers. Kung tutuusin ay maraming istilo ng pag-aalok o selling strategy na mapag-aaralan na epektibo, narito ang ilan:

1. Palaging base ang sasabihin sa makukuha ng customer.  Sa online o offline selling, ang tahasang pagbebenta o “hard selling” ay madaling nakapagtataboy ng mga kliyente. Ang hindi alam ng ibang sellers ay hindi naman produkto at serbisyo ang binibili kundi  ang kainaman na makukuha sa isang bagay. Halimbawa sa sabon na pampaligo, alam ng marami na ang sabon ay panlinis ng  katawan. Subalit bibilhin din ito dahil epektibong nakakapagpakinis ng balat, mabango, at proteksyon sa mga mikrobyo na nagdadala ng sakit.

2. Tumulong sa partikular na customer.   Lalo na sa mga nagsisimula pa lamang, mahusay na hakbang na pagtuunan ang isa munang espesyal na merkado kaysa puntiryahin ang kahit sino. Bakit?  May mga klase, kategorya, at antas ang bawat grupo ng mga kliyente. Kung ang target market mo ay mga estudyante, mahihirapan kang bentehan sila ng mamahalin o hindi naman patok sa kanila.   Kaya importante pa rin na kilalanin mo ang iyong merkado para matapatan mo ang kanilang pangangailangan.  

3. Simplehan lamang ang pagpapaliwanag.  Maaaring eksperto ka sa iyong larangan at maipagmamalaki ang iyong inaalok. Subalit, kung hindi ka maintindihan ng iyong  mga potensiyal na kliyente ay hindi ka pa rin epektibo. Kaya pag-aralan kung paano makapagpapaliwanag na madali, mabilis, at makakaengganyo tungkol sa iyong produkto. 

4. Tama ba ang presyuhan.  Kung magbebenta ka ng mahal dapat ay panalo ang rason kung  bakit. Kung magbebenta ka naman ng mura ay dapat maipakita mo na may kalidad ang iyong produkto. Tandaan na ang palabang presyo ay istratehiya na agad sa pagbebenta.  Totoo na marami ang naaakit sa mura pero sa bandang huli ang pinakamahalaga pa rin ay ang pagiging sulit ng ibinayad.  Kaya nga may handang magbayad ng mahal kung kapalit naman ay ginhawa sa pakiramdam, pagod, at  sa kanilang oras.

5. Gumawa at iensayong mabuti ang linya sa pagbebenta. Para sa mga biglaang pagkakataon na makakita ng potensyal na kliyente at maging doon sa nagmamadali o abalang-abala ay dapat na may nakahanda kang linya sa pagbebenta. Isa sa sikat  ay ang tinatawag na “elevator pitch” na ang haba ay hindi lalagpas ng 90 segundo o haba ng byahe sa pagsakay sa elevator. 

6. Makinig mabuti sa sinasabi ng iyong kliyente. Kung handa ka na hindian, mas lalong dapat na handa kang makinig sa komento ng iyong kliyente. Sa pakikinig ay makukuha mo ang kanilang kiliti para mabago ang takbo ng usapan na pabor sa inyong  dalawa. Dito mo rin makukuha ang kanilang tunay na hinahanap at ayaw.  Hindi mo man sila mabentahan ngayon ay mapagbubuti mo naman ang paraan ng iyong pagbebenta. 

7. Ipadama ang kainaman ng iyong inaalok.  Hanggang maaari ay mainam na hindi lang sa salita malalaman ang iyong produkto. Dapat ay nahahawakan at nasusubukan ito para mas kumbinsido.   Dito papasok ang istratehiya gaya ng “30-day trial period” at “product sample.”

Kung sa pagkakataon na sa panulat o tawag lamang pwede magpaliwanag, paghandaan kung paano maibabahagi ang iyong produkto sa antas na parang naramdaman ito.  Kung ito ay Pinoy style na sinigang na baboy ay kasing linamnam ba ito ng lutong-bahay ni inay? Ito ba ay pinaasim ng batang sampalok o kamias?  Sinahugan ng sariwang mga gulay, at inihain sa tamang init na magpapabusog sa nagugutom at giniginaw na sikmura?     





The struggle is real: How to achieve career satisfaction?


Mapakarera sa trabaho o negosyo ay nagdadaan ang isang tao sa mga sandaling nakukulangan siya sa kanyang tinatamasa. Ang hatid nito ay kawalan ng kasiyahan (satisfaction) at gana sa kanyang  ginagawa na sa huli ay nagdudulot ng mga desisyon na hindi praktikal.  Bakit nga ba umaabot sa puntong nawawalan ng gana kahit pa ang ginagawa ay may kinalaman sa iyong “passion”?

Don’t follow your passion?

Kontra sa kadalasan na ipinapayo ng karamihan na “follow your passion” ay hindi ito ang susi para magkaroon umano ng pagkakuntento sa buhay. Ito ay dahil sa kung gagawin mo kung ano lang ang gusto mo ay kinukundisyon mo ang iyong sarili na kailangan ay pasisiyahin ka ng tinatrabaho mo.

Tipong dapat  may ihatid na maganda sa iyo ang iyong tinatrabaho, at hindi kung ano ang magagawa mong mahalaga rito. Kaya naman kung hindi na nasusunod ang  gusto o “vision” mo ay nawawalan ka ng ganang magpatuloy. Kaya naman iba ang “passion mindset” sa tinatawag na “craftsman’s mindset.”

Sa craftsman’s mindset ang laman ng isipin ay tungkol sa pagpapainam ng trabaho at sarili.  Hindi ito usapin kung saang larangan ka at kung nababagay ba ito sa iyo kundi sa kalidad ng iyong hinahatid at layunin.  Parang itong sa isang naglilok na may kapirasong kahoy na kanyang pagtitiyagaan na hulmahin hanggang sa maging obra maestrang kaaaya-aya at kapaki-pakinabang. Ganito rin sa pagnenegosyo at pagtatrabaho, mainam kung alam mo ang misyon ng iyong kumpanya at ano ang maiaambag mo para magawa ito. 

Choose to grow

Ayon sa life coach na si Andy Craig sa kanyang website na “Abundant Life Coaching” ay mabuti rin kung marunong makuntento ang isang tao sa kinalabasan ng kanyang desisyon. Subalit hindi ito dapat tumigil na mangarap at kamtin ang mga iyon kahit gaano kalaki at katayog.  

“There is a saying, which I agree with completely, that we are either growing or decaying in life.  When you choose to become satisfied with current circumstances for too long, you begin to die to yourself,” saad pa ni Craig.

Samantala, sa isang panayam kay Sheryl Sandberg, chief operating officer ng Facebook at founder ng Lean In Foundation, sinabi niyang ang isa sa pinakamagandang payo na natanggap niya ay “Stop being an idiot; all that matters is growth.” Ang payong ito ay nakuha niya umano sa dating Google Executive Chairman Eric Emerson Schmidt noong kinukuha siya nito bilang general manager ng Google.

Totoo na mahirap pagtagpi-tagpiin ang tamang lokasyon, sitwasyon at pagkakataon na naghahatid ng kasiyahan. Iyan ay lalo na kapag hihintayin mo lamang na ihain ito sa iyo at hayaan na magpaapekto sa maling pananaw. Walang makakapagbigay ng kasiyahan maliban sa iyo na handang kamitin ito. Magagawa ito kung una ay matututuhan mong paunlarin ang sarili para magkaroon ng kasanayan, karanasan, kapakinabangan, at sa huli ay ligaya sa iyong ginagawa. 

The struggle is real:  How to achieve career satisfaction?    

Mapakarera sa trabaho o negosyo ay nagdadaan ang isang tao sa mga sandaling nakukulangan siya sa kanyang tinatamasa. Ang hatid nito ay kawalan ng kasiyahan (satisfaction) at gana sa kanyang  ginagawa na sa huli ay nagdudulot ng mga desisyon na hindi praktikal.  Bakit nga ba umaabot sa puntong nawawalan ng gana kahit pa ang ginagawa ay may kinalaman sa iyong “passion”?

Don’t follow your passion?

Kontra sa kadalasan na ipinapayo ng karamihan na “follow your passion” ay hindi ito ang susi para magkaroon umano ng pagkakuntento sa buhay. Ito ay dahil sa kung gagawin mo kung ano lang ang gusto mo ay kinukundisyon mo ang iyong sarili na kailangan ay pasisiyahin ka ng tinatrabaho mo.

Tipong dapat  may ihatid na maganda sa iyo ang iyong tinatrabaho, at hindi kung ano ang magagawa mong mahalaga rito. Kaya naman kung hindi na nasusunod ang  gusto o “vision” mo ay nawawalan ka ng ganang magpatuloy. Kaya naman iba ang “passion mindset” sa tinatawag na “craftsman’s mindset.”

Sa craftsman’s mindset ang laman ng isipin ay tungkol sa pagpapainam ng trabaho at sarili.  Hindi ito usapin kung saang larangan ka at kung nababagay ba ito sa iyo kundi sa kalidad ng iyong hinahatid at layunin.  Parang itong sa isang naglilok na may kapirasong kahoy na kanyang pagtitiyagaan na hulmahin hanggang sa maging obra maestrang kaaaya-aya at kapaki-pakinabang. Ganito rin sa pagnenegosyo at pagtatrabaho, mainam kung alam mo ang misyon ng iyong kumpanya at ano ang maiaambag mo para magawa ito. 

Choose to grow

Ayon sa life coach na si Andy Craig sa kanyang website na “Abundant Life Coaching” ay mabuti rin kung marunong makuntento ang isang tao sa kinalabasan ng kanyang desisyon. Subalit hindi ito dapat tumigil na mangarap at kamtin ang mga iyon kahit gaano kalaki at katayog.
  
“There is a saying, which I agree with completely, that we are either growing or decaying in life.  When you choose to become satisfied with current circumstances for too long, you begin to die to yourself,” saad pa ni Craig.

Samantala, sa isang panayam kay Sheryl Sandberg, chief operating officer ng Facebook at founder ng Lean In Foundation, sinabi niyang ang isa sa pinakamagandang payo na natanggap niya ay “Stop being an idiot; all that matters is growth.” Ang payong ito ay nakuha niya umano sa dating Google Executive Chairman Eric Emerson Schmidt noong kinukuha siya nito bilang general manager ng Google.

Totoo na mahirap pagtagpi-tagpiin ang tamang lokasyon, sitwasyon at pagkakataon na naghahatid ng kasiyahan. Iyan ay lalo na kapag hihintayin mo lamang na ihain ito sa iyo at hayaan na magpaapekto sa maling pananaw. Walang makakapagbigay ng kasiyahan maliban sa iyo na handang kamitin ito. Magagawa ito kung una ay matututuhan mong paunlarin ang sarili para magkaroon ng kasanayan, karanasan, kapakinabangan, at sa huli ay ligaya sa iyong ginagawa. 

Miyerkules, Pebrero 7, 2018

Budji + Royal Architecture + Design pangungunahan ang disenyo ng New Clark City


Nito lamang huling bahagi ng Disyembre ay ginanap ang groundbreaking rites ng isinasagawang bagong Clark International Airport (CRK) Terminal, na siyang una sa hybrid infrastructure projects sa ilalim ng “Build, Build, Build” program ng administrasyong Duterte.
At kabilang sa proyektong ito ang designing tandem ng Budji + Royal Architecture + Design, na kinomisyon ng Bases Conversion Development Authority (BCDA) sa pagdidisenyo ng naturang terminal na bahagi ng New Clark City (NCC), ang binubuo na magiging kauna-unahang “smart, green, disaster-resilient city” ng bansa.

Mapupuntahan ang New Clark City sa pamamagitan ng expressway at ang Philippine National Railways (PNR) North na itatayo ng Japan.

Makikipagtulungan ang Budji + Royal sa Aecom, isang American engineering firm at urban planner. Maliban sa bagong Clark terminal, pangungunahan din ng designing duo ang disenyo ng Philippine Sports City Complex.

Asia’s next premier gateway

Ang terminal ay may floor area na 140,000 square meters, na kasing-laki ng Hong Kong International Airport Terminal 2. May kapasidad itong makatanggap ng dagdag na walong milyong pasahero bawat taon at higit na makatutulong sa pagbabawas ng siksikan sa Kamaynilaan.

Sa panayam ng Inquirer kina designer Antonio “Budji” Layug at architect Royal Pineda, nagpahayag ang dalawa ng pagkagalak sa pagiging bahagi ng New Clark City project.
We were tapped by the government to make sure that the soul of the Philippines will be present,” ang paglalahad ni Layug. Dagdag naman ni Pineda, “From the beginning, we wanted to present our roles as architect and designer without being part of politics. We can influence the country by design.”

Nagsimula ang partisipasyon ng Budji + Layug sa infrastructure program ng gobyerno nang iprinisinta nila ang kanilang disenyo ng “Luzviminda” bridge sa World Design Capital sa Taipei nitong nagdaang taon.

Inspirasyon ng disenyo na pag-ugnayin ang mga isla ng Pilipinas para maisulong ang inter-island tourism para sa mas malawakang pang-ekonomiyang pag-unlad.

Nakatakda itong matapos sa loob ng dalawang taong construction period.

World-class green community that pays homage to Pampanga’s parol

Saklaw ng NCC ang may 9,450 ektarya at ang Philippine Sports City ang magiging sentro nito na bubuuin naman ng aquatic center (2,000 capacity), athlete’s village, at main stadium (20,000 capacity) na mayroong 200 ektarya (first phase). Magkakaroon din dito ng mga gusaling pang-komersyo at retail sa kanlurang bahagi nito, at isang river corridor.

Binibigyang-pugay din ng Budji + Layug ang parol ng mga taga-Pampanga at ang Mt. Pinatubo na makikita sa disenyo ng stadium at ng kabuuang sports complex.

Mula sa inspirasyon ng Mt. Pinatubo, gawa sa lahar ang mga pader ng stadium, ang bubong nito ay parang bunganga ng bulkan, at kulay-ginto na hugis letrang V ang steel frames nito na gaya ng balangkas ng parol. Hango naman sa Capiz parol ang bubungan ng Aquatic Center na may malaking open shed. At sa gabi ay parehas na magliliwanag ang Aquatic Center at stadium. 

Layong matapos ito sa Agosto nang susunod na taon para magamit sa Southeast Asian Games (SEA) Games.

Signature recommends: The best books this January




Naumpisahan mo na ba ang reading challenge mo ngayong taon? Kung isa ka sa mga nakikibahagi sa taun-taong reading challenge ng Goodreads o kaya naman ay naghahanap ng mga bagong librong babasahin ngayong 2018, swak ang listahan ng Signature, isang literary website na binuo ng American multinational publishing na Penguin Random House, para sa mahilig sa historical fiction, contemporary romance, coming-of-age, essays, mystery, science fiction, psychological fiction, at biography. 
Stirring debuts  

Sa 14 na napili ng Signature, tatlo rito ang debut novels na mula kina Sam Graham-Felsen (Green), Sharon Bala (The Boat People), at Thomas Pierce (The Afterlives). Magkakaibang genre, magkakaibang kwento at karakter ngunit pare-parehong tumatalakay sa mga nakamamanghang pagharap at pagsubok na hindi nalalayo sa tunay na buhay. 

Isang coming-of-age ang kwento ng “Green” noong 1992 sa Boston na tungkol sa teenager na si David Greenfeld, isa sa nabibilang na white kids sa Martin Luther King, Jr., Middle School na makakahanap ng hindi inaasahang kaibigan sa katauhan ni Marlon Wellings, nang ipagtanggol siya nito sa ibang mga estudyante sa cafeteria. 

Base naman sa mga totoong kaganapan noong 2010 ang paksa ng “The Boat People” na sinusundan ang mag-amang sina Mahindan at anim na taong-gulang na lalaking anak na si Sellian, na kabilang sa grupo ng tinatayang 500 refugees mula sa Sri Lanka patungo sa paghahanap nila ng ligtas at bagong tirahan sa kanilang pagdating sa Vancouver. 

Sa “The Afterlives,” isang lalake sa kanyang 30s na si Jim Byrd ang inatake sa puso at namatay ngunit sa loob lamang ng ilang minuto ay nabuhay siyang muli. Walang naaalala si Jim sa kabilang buhay ngunit isang multo ang magpapakita sa kanya at sa kanyang asawa, na magbubukas sa mga misteryosong kaganapan. 

Contemporary romance from bestselling authors 

Ang mga tagahanga ng 1995 novel na “High Fidelity” ni Nick Hornby ay siguradong makakahanap ng panibagong mamahalin sa “The Music Shop,” ang pinakabagong nobela ni Rachel Joyce, ang bestselling author ng “The Unlikely Pilgrimage of Harold Fry” at “The Love Song of Miss Queenie Hennessy.” 

Nakatakda sa 1988 ang kwento ng pagtatagpo ng music shop owner na si Frank, na magaling sa pag-uugnay ng mga customers nito sa musika ngunit hindi sa pakikipag-ugnayang personal sa mga tao, at ng isang misteryosong babaeng lalapit sa kanya, si Ilse, na hihiling na turuan siya sa musika. 

Nagbabalik naman si Louisa Clark, ang iconic heroine ng “Me Before You” at “After You” ni New York Times bestselling author Jojo Moyes sa pinakabago nitong nobela, ang “Still Me” na nakatakdang lumabas sa Enero 30. 

Sa pagkakataong ito, mahahanap ni Lou ang kanyang sarili sa New York habang pinapanatili ang relasyon niya kay Sam kahit malayo ito. At sa pamamagitan ng kanyang trabaho ay mararanasan niya ang high society kung saan niya makikilala si Joshua Ryan. 

A family saga and a sisters’ bond 

Sa New York 1969 ng “The Immortalists” ni Chloe Benjamin, makikilala ang apat na magkakapatid – Simon, Klara, Varya at Daniel at ang kanilang pakikipagsapalaran pagkatapos nilang marinig ang propesiya tungkol sa susunod na limang dekada ng kanilang mga buhay mula sa isang traveling psychic – isang kaalaman na may malaking kapalit. 

Sinusundan naman ng “Everything Here is Beautiful” ni Mira Lee, ang relasyon ng dalawang magkapatid na babae – ang responsableng ate na si Miranda at ang nakababatang mayroong sakit sa pag-iisip na si Lucia. Mahaharap sa isang malaking kaganapan si Lucia at darating si Miranda para iligtas siya ngunit hindi ito ang gusto ni Lucia.  

Kabilang din dito ang biographies na  na lalabas ngayong Enero 30 ang “The Monk of Mokha” ni Dave Eggers tungkol sa paglalakbay ng isang Yemeni-American sa Yemen para buhayin muli ang kultura ng Yemeni coffee hanggang sa maipit siya rito ng civil war, “Jefferson’s Daughters” ni Catherine Kerrison tungkol sa tatlong anak ng ikatlong presidente ng Amerika na si Thomas Jefferson, at “Winter” ni Karl Ove Knausgaard na second volume ng seasonal autobiographical quartet na koleksyon ng letters at meditations. 

Gayon din ang psychological thriller tungkol sa isang ina, kanyang anak at kasintahan nito sa “The Girlfriend” ni Michelle Frances), ang 1910 Russia historical fiction na “The Winter Station” ni Jody Shields, ang best science fiction book 2017 ng The Guardian na “Gnomon” ni Nick Harkaway; at ang literary essay collection na “Late Essays” ni J. M. Coetzee. 









Martes, Pebrero 6, 2018

Paninigarilyo nagpapataas ng lower back pain risk na pwedeng mauwi sa spinal surgery


“Smoking appears to be a risk factor for developing lower spine risk space narrowing than can lead to surgical treatment. Quitting smoking can reduce the risk,” ang paliwanag ni senior study author Dr. Arkan Sayed-Noor, na isa rin researcher ng Umea University.

Kaugnay ito ng lumabas na resulta ng Swedish study na pinangunahan ni Sayed-Noor, na napag-alamang ang paninigarilyo ay may malaking kontribusyon sa mas mataas na lower back pain risk, na kalaunan ay kinakailangang ayusin sa pamamagitan ng spinal surgery.

Pinag-aralan ng mga siyentipiko ang may datos mula sa 331,941 construction workers na bahagi ng occupational health registry sa buong Sweden. Inobserbahan ang mga study participants sa loob ng mahigit 30 taon. May 44 porsyento rito ang non-smokers, 16 porsyentong ex-smokers, 26 porsyentong moderate smokers, at 14 porsyentong heavy smokers.

Mula rito, natukoy na ang 1,623 sa mga ito ay dumaan sa operasyon para sa lumbar spinal stenosis.

Common cause of lower back pain

Inilarawan ang lumbar spinal stenosis bilang pagsisikip ng spinal canal at dahil dito ay nagdudulot ito ng pressure sa spinal cord at nerves. Dagdag pa ng mga mananaliksik, ang nicotine na siyang nagdudulot ng pamamaga at konstriksyon sa pagdaloy ng dugo ay lalo pang nagpapalala sa pagkakaroon ng lumbar spinal stenosis, na karaniwang dahilan ng mga nararamdamang sakit sa likod ng katawan.

Bagaman kadalasan ay nagkakaroon nito habang tumatanda, ang mga naninigarilyo ay mas maagang nakararanas nito dahil sa mas mahinang buto at sirang spinal tissues na nagdudulot ng mas matinding sakit kumpara sa kundisyon ng ibang hindi naninigarilyo, ayon din sa mga siyentipiko ng The Spine Journal.

Ang mga heavy smokers ay may 46 porsyentong tsansa na kailanganin ang spinal surgery; nasa 31 porsyentong increased risk naman para sa mga moderate smokers; at 13 porsyento sa mga dating naninigarilyo.

Muscle weakness and increased lower back strain

Sa ibang mga pag-aaral, tinukoy ang iba pang mga contributing factors sa increased lower back pain gaya ng pagtanda at obesity ngunit ang bagong pag-aaral na ito ay lalong nagpapatunay sa malaking koneksyon ng paninigarilyo at spinal surgery.

Kadalasan pa, ang heavy smoking habit ay kaugnay din ng sedentary lifestyle (too much sitting and little physical activity) na maaaring magpalala ng lower back strain at paghina ng mga kalamnan.

Nagkakaroon din ng mas mahinang bone density at mas mabagal na paggaling mula sa back fractures. At naaapektuhan din nito ang sensory at hormonal system na nagdudulot sa lalong pagiging sensitibo ng katawan sa sakit.

Sa kabila ng resulta, hindi naman naisama ng pag-aaral ang pag-aanalisa sa exercises habits ng study participants. Dahil puro mga kalalakihan ang naging subjects, maaaring magkaiba ang resulta nito sa mga kababaihan.

CES 2018: Sony, Omron, LG, Samsung lead the best of new innovations

Sony Aibo
Taun-taon, dinarayo at inaabangan ang mga kaganapan sa Consumer Electronic Show (CES) na ginaganap tuwing Enero sa Las Vegas Convention Center kung saan nagsasama-sama ang mga maliliit at malalaking electronic companies para iprisinta ang kani-kanilang bagong linya ng mga produkto.

Pinili ng news.com.au, ang nangungunang news website ng Australia ang tinagurian nitong “the best of the world’s largest consumer tech convention.”

Omron’s Forpheus: Improving the relationship of humans and machines

Binansagang “the coolest” ang Forpheus na imbensyon ng Japanese electronics company na Omron dahil sa magaling na paggamit nito ng robotics, machine learning, sensing control, at artificial intelligence.

Ngayon, pwede ka nang maglaro ng table tennis kasama ni Forpheus, isang AI robot na patunay na ang mga robot at mga tao ay kayang makipagtulungan sa isa’t isa.

Sa pamamagitan ng three-camera system, natutukoy nito ang bola at ang kalaro nito, isang motion controller naman ang nagsasabi sa high-speed robotic arm para tamaan ang bola, at machine learning para analisahin ang skill level ng kalaro nito.

Kaya rin nitong tukuyin ayon sa galaw mo kung gagawa ka ng smash, gayon din ang paggawa ng tunog depende sa kundisyon ng match, at pagbibigay ng encouraging messages gamit ang face recognition.

Sony Aibo: Iconic entertainment robot dog makes a long-awaited return

Taong 1999 nang unang ilunsad ng Japanese electronics company Sony ang first generation ng Aibo (artificial intelligence robot) kung saan 3,000 units nito ay na-sold out sa loob lamang ng 20 minuto online. Tinapos ang produksyon nito noong 2006, ngunit ngayong taon, ay nagbabalik ang robotic puppy na mas marami nang kapasidad kaysa sa unang edisyon nito.

Mas makatotohanan na ito dahil sa OLED eyes (for displaying more nuanced expressions), motion detection, voice control, advanced artificial intelligence (develops own personality), at facial recognition (identifies members of your family, can tell objects from people).

At mas maraming tricks na rin ang kaya nitong gawin – maghanap ng bola o buto, humiga, kumahol, umupo, igalaw ang buntot at ulo, mag-high-five, at rumeresponde sa back scratch at voice commands.

Nakakaintindi rin ito ng English at Japanese ngunit nakatakdang maglabas ng iba pang lengguwahe ang Sony. Nagsimula na rin ang shipping rito sa Japan nitong kalagitnaan ng Enero.

Flexible and extremely high resolution TVs

Sa bungad ng pasukan ng convention center ay namamangha ang mga CES attendees sa isang 92-foot-long immersive concave installation ng LG OLED Grand Canyon, na tampok ang 246 LG Open Frame OLED displays.

Ang LG OLED Grand Canyon ay 65-inch na flexible television screen na may roll-up feature na pwedeng ilagay sa isang maliit na tube, at dahil sa Open Frame OLED display nito ay pwede itong baluktutin para sa mga digital signange applications. Mayroon din itong LG OLED technology na gumagamit ng self-lighting pixels para sa mas magandang kontrol ng picture brightness at quality.

Kabilang ito sa 2018 LG OLED TVs na nagtataglay ng ThinQ artificial intelligence platform ng LG, na mayroon na ring Google Assistant at Amazon Alexa.

‘Di naman nagpapahuli ang Samsung sa kanilang “The Wall,” ang kauna-unahang modular MicroLED 146-inch TV kung saan ang mga microscopic LEDs ay naglalabas ng liwanag kaya’t ‘di na kinakailangan ang backlight.