“To
be able to communicate well with words is unreasonably difficult, to
the point it might last a lifetime. It is truly difficult to
communicate and perceive well.”
Ito ang pahayag ng award-winning author na si Shion Miura
sa isang panayam ng Sanseidou Publication noong 2013 tungkol sa kanyang bestselling
novel na “The Great Passage” (Fune wo Amu). Makikita ang kabuuang translated
interview sa sa website ng Story Unlocker.
Kagaya ng kanyang pangunahing karakter na si Mitsuya
Majime, ang pahayag ni Miura ay sumasalamin sa kwento ng paglalakbay ni Majime
para mahanap nito ang tamang mga salita at ang tunay na para sa kanya na
naaayon sa kanyang kakaibang talento.
Taong 2011 nang ilathala ang nobela mula sa Kobunsha at
hinirang naman itong Japan
Booksellers’ Award sa sumunod na taon. Anim na taon din ang hinintay bago ito maisalin
at mailathala sa English na inilunsad kamakailan ng Amazon Crossing.
Eccentric, charming and profound
Sentro ng
kwento ang 27-taong-gulang na si Majime, na naiiba sa mga empleyado ng Genbu
Publishing dahil sa kanyang karakter at malawak na kaalaman sa linguistics. Sa
kanyang ikatlong taon dito, iniligtas siya ni Kohei Araki, editor ng dictionary
editorial department mula sa sales department dahil naghahanap si Araki ng papalit
sa kanya sa nalalapit nitong pagreretiro.
Pinaghahandaan
ng editorial department ang nakatakdang paglulunsad ng isang makabagong
diksyunaryo na tinatawag na “Daitokai” (Great passage across the ocean) na
binubuo ng 230,000 na salita at 2,900 na pahina.
Dito niya
makikilala ang linguistics scholar na si Professor Matsumoto, admin clerk na si
Sasaki at si Nishioka na hindi niya kaugali. Kasabay nito, ibang pagsubok din
ang kinakaharap ni Majime sa pagpasok ni Kaguya Hayashi sa kanyang buhay, na
apo ng kanyang landlady.
A life’s work, true love and nostalgia
“A
dictionary is a boat to carry us across the sea of words. In a vast sea of
words, to find the right word is a miracle.” Ito ang pagsasalarawan ni Araki at
Matsumoto kay Majime sa Daitokai na siyang tutulong sa mga tao para mahanap ang
tamang salita para maibahagi nila nang maayos ang kanilang mga damdamin at
kaisipan.
Nakatakda ang unang bahagi ng kwento noong early 1990s at
dahil dito, higit na nararamdaman ang kahanga-hangang dedikasyon ni Majime,
Araki, Matsumoto at maging ni Nishioka sa mahigit 15 taon para mabuo at
tuluyang mailathala ang Daitokai, na gamit lamang ang lapis at papel at
manu-manong pagsasaliksik, pagtitipon at pag-aayos ng libu-libong salita na
nakaimbak sa reference room.
Shion
Miura: In her own world and words
“It was
heavy, full of words, and wildly different from the dictionaries I
had used up until that point. I thought, ‘I became a grown-up!’ The sensation
of doing things such as turning over the pages was also amazing,” sa
alaala nito nang una niyang mahawakan ang “Daijirin” noong middle school na
ginagamit niya pa rin ngayon at apat pang diskyunaryo para pagkumparahin ang
iba’t ibang kahulugan ng mga salita.
“I
increasingly started to think of dictionaries as human being-like. Perhaps I should
say that the romantic part of humanity created the books we call dictionaries.
If there was a single answer, such a variety of dictionaries wouldn’t have been
publicized.
“Many people’s thoughts and views enter [the
dictionary’s] production process, and it is completed in a series of
silent discussions so to speak. We polish it repeatedly, like top-quality brewed
sake, it truly is a work of polishing.”
Bagaman
isang nobelista, mas mahilig itong magbasa lalo na ng manga kaysa magsulat, at
noong middle schooler siya ay naglalagi siya sa silid-aklatan at bookstore
pagkatapos ng eskwela. At gaya ni Majime, ‘di siya magaling sa pagpapahayag ng
kanyang saloobin sa salita maging ngayon.
Anak ng
isang kilalang Japanese classics scholar at nagtapos sa Faculty of Letters sa
Waseda University si Miura. Nadiskubre siya ng isang literary agent sa kanyang
paghahanap ng editorial job. Kinuha siya nito para magsulat sa isang online
book review column bago pa siya nagtapos sa Waseda.
Nag-debut
siya sa “Kakuto suru mono ni maru” (A
Passing Grade for Those Who Fight - 2000). Nasundan ito ng Naoki Prize sa story
collection na “Mahoro
ekimae Tada Benriken” (The
Handymen in Mahoro Town - 2006), “Kaze ga tsuyoku fuiteiru” (The Wind Blows Hard -
2006), “Kogure-so monogatari” (The
Kogure Apartments - 2010), at “Masa to Gen” (Masa and Gen – 2013).