Miyerkules, Setyembre 27, 2017

‘Araw ng Pasasalamat’ idinaos ng The Kingdom of Jesus Christ sa Japan


Tinatayang mahigit sa 500 miyembro ng The Kingdom of Jesus Christ The Name Above Every Name kasama ang Kingdom Light Congregation of Japan ang nagsama-sama sa Amagasaki City para sumamba at magpasalamat para sa mga biyayang dumarating sa kanilang grupo.

Pinangunahan ni Appointed Son of God, Pastor Apollo C. Quiboloy, ang special thanksgiving at worship presentation bilang pagdiriwang sa 10 taon simula nang maitatag ang relihiyon sa iba’t ibang lugar sa Japan.

“The Appointed Son of God, Pastor Apollo C. Quiboloy, and the Kingdom Nation thank the Almighty Father, our Lord Jesus Christ, for all the marvelous blessings that have enabled us to help the needy; for the continuous growth and unstoppable expansion that has empowered us to reach the unreached and spread the light of salvation from its first inception in the year 2003,” ani ng religious group.

Mayroon ng anim na Kingdom of Sentinels of Light ang The Kingdom of Jesus Christ The Name Above Every Name sa Tokyo, Saitama, Gunma, Ibaraki, Nagoya, at Osaka at balak nila na magtayo pa sa iba pang mga lugar sa Japan.

Sa pamamagitan ng mga kongregasyon na ito ay milyun-milyong katao na nangangailangan na ang kanilang natulungan sa biyaya ng Diyos. Malaking bahagi nito ay kanilang ipinagpapasalamat kay Pastor Quiboloy sa pangunguna sa kongregasyon at pagiging ilaw sa gitna ng dilim.

Nagpapasalamat ang grupo na mula sa Pilipinas ay nakarating ang “Salita ng Diyos” at ang kanilang pananampalataya sa Japan na makakapagpatunay na wala ang lahi, relihiyon o antas ng pamumuhay ang makakahadlang sa pagsamba sa Diyos.


“The recent King Is Coming Tour in Amagasaki City, Osaka was nothing short of victorious for hundreds of truth seekers, not only Filipinos but also Japanese brethren and other nationalities have received the light of salvation through the message of repentance and love,” dagdag pa ng grupo.

Mga bagong opisyal ng PAG, nanumpa

Nanumpa sa kanilang tungkulin ang bagong PAG officers na sina 
(mula kaliwa) Alden Estolas, Ningning Tomiyama, Robert Alcamfor,
 Dr. George Cabrera, Eleanor Fukuda, Joyce Ogawa, Evangeline 
Yamamoto, Olive Akatsu, at Corazon Kasuga na pinangunahan
 ni Amb. Jose C. Laurel V. (Kuha mula sa Philippine Embassy, Tokyo)

 
Pormal nang nanumpa sa kanilang tungkulin ang mga bagong opisyal ng Philippine Assistance Group (PAG) sa isinagawang induction rites sa Philippine Embassy sa Tokyo kamakailan.

Pinangasiwaan ni Philippine Ambassador to Japan Jose C. Laurel V ang panunumpa ng mga bagong halal na opisyal ng PAG para sa taong 2017-2018.

Nanumpa bilang mga bagong opisyal sina Eleanor Fukuda ng ODAN-J (Organization for the Development and Advancement of Negros in Japan) bilang Chairman; Dr. George Cabrera ng CASTLE (Christian Association Serving Traditional Laymen’s Evangelization) bilang Vice-Chairman; Joyce Ogawa ng Sinag Japan bilang Treasurer; Robert Alcamfor ng TIMD (Tong-Il Modo Phil-Japan), Evangeline Yamamoto ng UFGY (Unified Filipino Group of Yokohama) at Olive Akatsu ng HAKMI (Hawak Kamay sa Mahal na Ina) bilang Executive Committee Members; Ningning Tomiyama ng TIFC (Takayasu International Fan Club), Corazon Kasuga ng FICAP (Filipina Circle for Advancement and Progress) at Alden Estolas ng AAIJ (Abraenian Association in Japan) bilang mga opisyal ng Membership Committee ng PAG.

Sa induction ceremony, binanggit ni Laurel ang kahalagahan ng pagkakaisa sa mga organisasyon sa Filipino community. Kinilala rin niya ang serbisyo ng mga outgoing officers ng PAG. Sinaksihan din niya ang pagtanggap sa Philippine Federation of Panay Islands in Japan (PFPIJ) bilang bagong miyembro ng PAG.

Ang PAG ang umbrella organization ng mga rehistradong organisasyon sa Filipino community sa Kanto region. Ito ay itinatag 20 taon na ang nakalilipas at nakatuon sa pagbibigay ng tulong sa mga Pilipinong mahirap na kalagayan partikular sa paglalaan ng medical assistance at pondo para sa kanilang repatriation sa pamamagitan ng Philippine Assistance Fund.


            

Japan at Pilipinas pag-iibayuhin ang kooperasyon sa emergency warning broadcasting system


Kuha ni Avito Dalan/Presidential Photo


Nilagdaan na ng Japan at Pilipinas ang kasunduan para pag-ibayuhin ang kooperasyon sa “Emergency Warning Broadcasting System and Data Broadcasting of Digital Terrestrial Television Broadcasting.”

Sinaksihan nina Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar at Japan Minister and Consul General Atsushi Kuwabara ang paglalagda na ginanap sa pagdiriwang ng 2nd ASEAN-Japan Television Festival sa Seda Vertis North Hotel sa Quezon City kamakailan.

Kumatawan para sa Pilipinas sina PCOO Undersecretary Noel Goerge Puyat at People’s Television Network General Manager Dino Antonio Apolonio habang sa Japan naman ay si Vice-Minister for Policy Coordination (International Affairs) of the Ministry of Internal Affairs and Communications Masahiko Tominaga.

Taong 2013 nang i-adopt ng Pilipinas ang Japanese digital TV standard o Integrated Services Digital Broadcasting-Terrestrial (ISDB-T). Ang bansa ang kauna-unahang miyembro ng ASEAN na nagsagawa nito.

Matatandaan na sinabi ni dating pangulo Benigno Aquino III na ang dahilan kung bakit mas gusto ng Philippine industry experts ang Japanese standards ay ang kakayahan nito para sa isang emergency broadcast sa panahon ng sakuna.

“We are told that it was used during the Fukushima incident. Iyong Shinkansen bullet trains managed to stop x number of seconds on a minute prior to the earthquake hitting, (and) saved lives; iyong ability to turn on television sets to broadcast this warning maski na naka-off,” paliwanag ng dating pangulo.

Martes, Setyembre 26, 2017

Philippine Festival 2017 gaganapin sa Hibiya Park

Ni Florenda Corpuz


Nakatakdang ganapin ang pinakamalaki at pinakamakulay na pistang Pilipino sa Japan – ang Philippine Festival 2017 sa Hibiya Park, Tokyo sa darating na Setyembre 30 at Oktubre 1.

Tinawag na “Barrio Fiesta” noong 2012 at 2013, napagdesisyunan na palitan ang pangalan nito at gawing “Philippine Festival” upang lalo itong mapagtibay sa taunang pagdiriwang ng kasiyahan sa Japan.

Nakatakdang ipamalas sa dalawang araw na kapistahan ang kulturang Pilipino sa pamamagitan ng mga awitin at sayaw. Hindi rin mawawala ang mga booths kung saan iba’t ibang uri ng produktong Pilipino tulad ng mga handicrafts, damit at souvenir ang mabibili.

Nariyan din ang mga paboritong pagkaing Pilipino tulad ng adobo, mga kakanin, halu-halo at marami pang iba. Inaabangan din ang mga patimpalak tulad ng singing contest at celebrity impersonation, at serbisyo ng mga kumpanya para sa mga kababayan.

Inaasahan din ang pagpapamalas ng talento ng mga lokal na mang-aawit at mananayaw mula sa Filipino community.

Dadalo rito ang ilang sikat na bituin mula sa Pilipinas tulad nina Miss International 2016 Kylie Verzosa, Xian Lim at KZ Tandingan.


Ang Philippine Festival 2017 ay proyekto ng Filipino community sa Japan sa pakikipagtulungan ng Embahada ng Pilipinas sa Tokyo. Layon nito na pagbuklurin ang mga Pilipino sa Japan at palaganapin ang pag-unawa at pagpapahalaga sa kulturang Pilipino sa tinaguriang “Land of the Rising Sun.”

Tulong sa 242,000 Pinoy sa Japan tiniyak ni Cayetano

Ni Florenda Corpuz

Nakipagdiskusyon si Cayetano kay DFA Assistant Secretary Millicent
Cruz-Paredes at Ambassador to South Korea Raul Hernandez tungkol
 sa DPRK missile test sa kanyang pagbisita sa Seoul, South Korea
kamakailan. (
Kuha mula sa DFA)


Handa ang Embahada ng Pilipinas sa Tokyo at Konsulado sa Osaka para tulungan ang mga Pilipino sa Japan kung kinakailangan.

Ito ang tiniyak ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter S. Cayetano sa isang pahayag kasunod nang paglulunsad ng North Korea ng ballistic missile na lumipad sa Japanese airspace noong Agosto 29.

Ayon sa kalihim, inatasan na niya ang Embahada na patuloy na i-monitor ang sitwasyon at siguruhin na ligtas ang nasa 242,000 na mga Pilipino na naninirahan at nagtatrabaho sa Japan.

“I wish to assure our kababayans in Japan that our Embassy in Tokyo and our Consulate General in Osaka are prepared to assist them should it be necessary,” pahayag ni Cayetano.

Bago ito ay nagpahayag ng “grave concern” ang Pilipinas sa isinagawang pagpapakawala ng ballistic missile ng Pyongyang na lumipad sa southern Hokkaido sa loob ng dalawang minuto, 5:58 ng umaga (Japan time) at nagbigay ng “J-alert” sa mga tao na lumikas sa emergency shelter.

“We call on the DPRK to halt these dangerous and provocative actions, which heighten tensions, increase instability and the risk of miscalculation, and could possibly endanger lives,” ani Cayetano.

“ASEAN and the Philippines, as this year’s Chair, remain committed to peaceful resolutions of conflict,” dagdag niya. “While we are ready to do our part, provocations such as this latest missile launch should stop to help us put in place an environment that would be conducive for dialogue.”

Ito na ang pangalawang beses na nagpakawala ng missile ang NoKor na lumipad sa Japanese airspace. Una ay noong 1998.


Huwebes, Setyembre 7, 2017

Traveling exhibit ‘Manga Hokusai Manga’: Experiencing manga in traditional and modern ways

Ni Jovelyn Javier


Halos lahat ng mga paboritong anime series at animated films noon at ngayon ay nagsisimula muna bilang “manga” (Japanese comics) na may serialization sa mga manga magazines. Ngayon, isinasalin na rin ang mga kwento nito bilang mga drama sa telebisyon at mga bigating pelikula. Ngunit paano at saan nga ba galing ang manga, na hindi lang isang entertainment kundi isang klase ng literatura ng sining?

Sa pamamagitan ng international traveling exhibition na pinamagatang “Manga Hokusai Manga: Approaching the Master’s Compendium from the Perspective of Contemporary Comics,” ipinakita ang kinikilalang pinagmulan ng manga at madidiskubre ang pagkakatulad at pagkakaiba ng Hokusai Manga at makabagong manga.

Isinagawa ang exhibition kamakailan sa Ateneo Art Gallery at inilunsad na rin sa Rome, Bologna, Brussels, Dublin, Hanoi, Ho Chi Minh at Bangkok (Agosto 17- Setyembre 22, 2017).

The term ‘Manga’ and Hokusai Manga

Ayon sa exhibit guidebook, ang salitang manga ay isinusulat sa dalawang Sino-Japanese characters na (man – diverse, random, ramblings, capricious) at (ga – line drawing, picture) na nagsimulang lumawak ang paggamit nito sa unang bahagi ng 19th century Japan, at tumutukoy sa mga malakihan at sari-saring koleksyon ng larawang-guhit. Ngunit hindi ang ukiyo-e artist na si Katsushika Hokusai ang lumikha ng salita.

“Denshin kaishu” (conveying the spirit, learning the trade), ito ang unang makikita bago ang pamagat na Hokusai Manga (random sketches from life), na tumutukoy sa layunin ng naturang koleksyon. Ito ang itinuturing na unang reference book ng mga estudyante sa pictorial art at design noong early 1900s, na inilathala mula 1814-1878 at binubuo ng 4,000 larawan, 800 pahina at 15 stitched-bound volumes.

Nang madiskubre ito ng mga Europeans, nabighani sila sa mga larawan na nagpapakita ng makatotohanan at malinaw na representasyon ng pang-araw-araw na pamumuhay noong Edo period.
Nagmula sa Hokusai Manga ang inspirasyon ng “How to Draw Manga” manuals gaya na lang ng “Manga College” ni Osamu Tezuka. At maging mga modernong manga ay ginawang karakter si “Hokusai – Sarusuberi” (1983-87/ Sugiura Hinako), “Hokusai” (1987/ Ishinomori Shotaro), “Mugen no Jūnin” (1993-2012/Samura Hiroaki), “Adandai: The Demon Painter” (2012-13/Saeki Konosuke), at “Contemporary Currents of Thought on Ukiyo-e: Even the Sensitive Heart is in Love” (2009/Sakura Sawa).

Manga like Ukiyo-e, Ukiyo-e like Manga

Ang karaniwang Japanese art noon na Ukiyo-e ay nagtataglay din ng parehas na katangian gaya ng modernong manga ngayon – may balloons, symbolic lines, eye size, at paneling ngunit magkaiba ang pamamaraan noon.

Noon, ang speech balloons ay naglalaman ng panaginip at mga iniisip (using the form of prose text, pictorial representation or both) at hindi mga dayalogo; sa halip naman na motion/impact lines ang ginagamit ay iba ang simbolismo ng mga linya noon (black lines to render the release of evil spirits/light streaks to suggest spiritual power); ang depiksyon ng mga tao noon ay ‘di makikitaan ng manga/anime eyes (wide eyed characters) kundi mga karakter na maliliit ang mga mata (seen in courtesans, stage actors) maliban sa warrior prints; at ang paneling/pictorial sequence (breaking down a picture plane into small frames) ay ginagamit na ngunit ‘di nga lang para sa narrative use.

Kaya gumagamit ng malalaking mata ngayon ay dahil nangangahulugan ito ng “trustworthiness,” samantalang ang mga nakakadudang karakter ay almond-shaped naman ang mga mata dahil ang ganitong hugis ay pumipigil sa emosyon na empathy.

Hokusai Manga’s connection to contemporary manga

Ilang contemporary manga artists ang nagbigay ng original work contributions sa exhibit, mula rito ay napagpasiyahan na hindi sa aesthetic qualities ang koneksyon ng nakaraan at ng kasalukuyan, sa halip ito ay sa cultural potential, popular imagery sharing, at high participatory nature ng parehong klase ng manga.

Ayon pa sa The Story of Isobe Isobee: Life is Hard in the Floating World (Nakama Ryo), ang susi ng isang enjoyable manga ay hindi dahil sa pictorial style at character design, ito ay nasa narrative setting, diction, at accessible cultural references gaya ng social phenomenon na “hikikomori” (acute social withdrawal).







Eiga Sai PH 2017: 20 taon ng sining at kulturang Hapon sa 20 pelikula

Ni  Jovelyn Javier


Espesyal ang taong ito para sa Japan Foundation Manila (JFM) at Eiga Sai, isa sa pinakamalaking film festivals sa  Pilipinas sa selebrasyon nito ng ika-20 taong anibersaryo simula nang ilunsad ito sa bansa noong 1997 sa Cultural Center of the Philippines (CCP). Ito ay pinasinayaan kasabay ng Philippines-Japan Friendship Month.

Ngayong taon, 20 pelikula mula sa iba’t ibang genre ang dinala ng JFM mula sa family at samurai comedy, animation, drama, horror, at mystery-suspense. Ilan dito ang mga award-winning contemporary films na “Chihayafuru Part 1,” “Chihayafuru Part 2,” “Creepy,” “The Magnificent Nine,” “The Anthem of the Heart,” “Tsukiji Wonderland,” “The Long Excuse,” “What A Wonderful Family,” “Sweet Bean,” “In This Corner of the World,” at “Asian Three-fold Mirror 2016: Reflections.”

Sa unang pagkakataon naman ay ipinalabas sa Tagalized versions ang mga pelikulang “Bakuman,” “Sadako vs Kayako” at “If Cats Disappeared from the World.”

The Japanese family at the center of love, life and death

Sa 20 pelikula, ang opening film na mother and daughter drama na “Her Love Boils Bathwater” ni Ryota Nakano (special opening guest director) at father and son dramedy na “The Mohican Comes Home” ni Shuichi Okita ay may pagkakatulad na tiyak na malapit din sa puso ng mga Pinoy – ang pagpapakita nito ng dalawang klase ng pamilya na parehas sinubok ng cancer at kung paano ito hinarap ng isang pamilya na hindi buo.

Ang isa ay pinangunahan ng isang single mom na si Futaba (Rie Miyazawa) na kinailangang hanapin ang nawawalang asawa para ayusin ang pamilya, mabuksan muli ang bathhouse business ng pamilya, at turuang maging matatag ang dalagang anak na si Azumi sa loob lamang ng dalawang buwang natitira sa kanyang buhay. Tampok din dito sina Hana Sugisaki at Joe Odagiri.

Sentro naman ng isa ang relasyon ng ama at anak, ang school band conductor na si Osamu (Akira Emoto) at struggling punk rock musician na si Eikichi (Ryuhei Matsuda) sa muling pagbabalik ng anak sa kanilang pamilya sa Tobi Island sa Hiroshima, kasama ang buntis na kasintahan pagkaraan ng pitong taong pagkawala. At ‘di inaaasahan, sakto naman ang pagka-diagnose ng ama ng cancer at susubukan ng anak na gawin ang makakaya para sa ama na matagal nang ‘di nakasama. Tampok din dito sina Yudai Chiba, Atsuko Maeda at Masako Motai.

Retrospective showcase of classic films

Bilang prelude sa opening night ay nagdaos ng special screenings ng acclaimed rare classic 16mm films, “The Sting of Death” at “Memories of You,” na unang ipinalabas sa kauna-unahang Eiga Sai at ang pagbabalik ng Academy Award-winning “Departures” bilang mga 20th anniversary feature films na ginanap sa CCP Dream Theater. 

Alliance with Cinemalaya Philippine Independent Film Festival

Bilang allied festival ng Eiga Sai, ipinalabas naman sa Cinemalaya ang black and white indie film na “Poolsideman” (Best Picture Award -Japanese Cinema Splash Tokyo International Film Festival 2016) ni Hirobumi Watanabe na dumating sa bansa para sa isang director’s talk sa CCP Little Theater.

Ang Eiga Sai Ph ay nagbukas nitong Hulyo 6 sa Shang Cineplex – Edsa Shangri-La Plaza at extended hanggang Agosto 29 sa FDCP Cinematheque – Iloilo. Mas malawak na rin ang naaabot ng film festival na umikot din sa FDCP Cinematheque Manila, CCP Complex, UP Film Institute – UP Diliman, Abreeza Mall Cinema at FDCP Cinematheque – Davao, Ayala Center Cebu Cinema, SM City Baguio Cinema at SM City Bacolod Cinema.

Standford researchers kasalukuyang binubuo ang isang diagnostic lab test para sa chronic fatigue syndrome


“This is a field that has been full of skepticism and misconception, where patients have been viewed to have invented their disease. These data clearly show the contrary, and demonstrate what can be achieved when we couple good research design with new technology.”

Ito ang pahayag ni lead author Dr. Jose Montoya, infectious diseases professor sa Stanford University, sa isang panayam tungkol sa tingin ng karamihan maging mga doktor sa chronic fatigue syndrome (CFS) o myalgic encephalomyelitis (ME) at sa resulta ng bagong pag-aaral ng Stanford researchers.

Pinag-aaralan ng grupo ang sakit para tuluyang makagawa ng isang tiyak na diagnostic laboratory test sa pagtukoy kung ang isang tao ay may sakit na CFS. Ang naturang pag-aaral ay inilathala sa “Proceedings of the National Academy of Sciences” kung saan sinuri ang blood samples ng 186 chronic fatigue patients at 388 healthy participants.

Misconceptions and symptoms of chronic fatigue syndrome

Ang CFS ay ‘di katulad ng diabetes, cancer at cardiovascular disease na may malinaw na diagnostic lab test at tiyak na gamutan at medisina. Kadalasan, ang tingin sa CFS ay hindi sakit kundi sobrang pagod lang o kaya depressed ang isang tao kaya pakiramdam nito ay wala siyang enerhiya sa kahit anong gawain, at minsan ay binabalewala lang ito bilang isang “imagined disorder.”

Ani Montoya, ang CFS ay isang “serious, debilitating condition” na may maliwanag na mga sintomas. Dagdag pa ng Institute of Medicine (IOM), may tinatayang 2.5 milyon sa U.S. ang may CFS at 84 porsyento rito ay hindi diagnosed. Wala rin itong pinipiling edad ngunit mas nakikita ito sa mga nasa 40s at 50s at mas marami ang may ganitong kundisyon kaysa sa anumang klase ng cancer at multiple sclerosis.

Ilan lamang ang mga sumusunod sa mga sintomas ng CFS na tumatagal ng maraming buwan maging mga taon: debilitating fatigue (profound reduction of ability to function on a day-to-day basis, not by excessive activity), post-exertional malaise (feeling worse when you push your limits), unrefreshing sleep (despite long hours of sleep), cognitive impairment (short-term memory, delayed ability to process information), lightheaded just from standing, headaches, joint/muscle pain, gastrointestinal issues, at flu-like symptoms.

Study findings, future studies

Pinagkumpara ang antas ng 51 cytokines (protein secretion from immune cells that circulates in the blood) ng dalawang grupo ng pasyente at dalawa lamang mula sa 51 ang natukoy na may abnormal na antas sa mga CFS patients – (1) tumor growth factor beta na mas mataas at (2) resistin na mas mababa.

Ngunit nang sinuri ang mga CFS patients – mild at severe – nadiskubre na may 17 cytokines na may kaugnayan sa mga malalang sintomas kung saan mas mababa sa mga mild cases at mas mataas sa mga severe cases. Dagdag ni Montoya, maaaring may kaugnayan sa genetics ang pagkakaiba ng severity ng sintomas sa mga pasyente.

Mula sa 17 na cytokines naman, natukoy ang 13 dito na may nagpapataas ng “inflammation” at isa rito ang “leptin” (satiety hormone secreted by fat tissue) na mas marami sa mga kababaihan kaysa mga kalalakihan, dahilan para mas maraming CFS patients ay mga babae. Dahil dito, napag-alaman din na may malaking papel ang chronic inflammation sa CFS.

Posibleng immune system problems at hormonal imbalance ang ilang sanhi ngunit hindi pa napapatunayan ito. At habang wala pang lab test at gamutan, karamihan ng pasyente ay dumudulog sa therapies, counseling at gentle exercise.

Sa ngayon, mayroong isang malakihang drug trial na ginagawa sa Norway na pinag-aaralan kung ang immune-modifying drug rituximab ay makatutulong na pakalmahin ang sintomas ng CFS. Natukoy naman ito na nakatutulong sa non-Hodgkin lymphoma na nadiskubreng mayroon sa mga nakatatandang CFS patients.

‘3 Years to Go to the Olympic Games Tokyo 2020’ event isinagawa


Kuha mula sa Tokyo 2020

Nakilahok ang humigit-kumulang sa 5,000 katao kabilang ang mga Japanese Olympians at Paralympians sa pagdiriwang ng “Tokyo 2020 Flag Tour Festival / 3 Years to Go to the Tokyo 2020 Games” event para markahan ang eksaktong tatlong taon bago ang Opening Ceremony ng Tokyo 2020 Olympic Games sa Tokyo Citizens’ Plaza sa Shinjuku kamakailan.

Ito ay pagpapakilala rin sa Nationwide Tokyo 2020 Flag Tour na may layong dalhin ang kagalakan ng Tokyo 2020 Olympic and Paralympic Games sa bawat sulok ng bansa.

Dinala sa Tokyo ang Olympic at Paralympic flags mula Rio noong nakaraang taon at ipinarada sa iba’t ibang lugar kabilang ang mga prepektura na naapektuhan ng 2011 East Japan earthquake at Kumamoto earthquake noong 2016.

Itinampok dito ang bagong projection mapping display kung saan ipinalabas ang video light show sa harapan ng gusali ng Tokyo Metropolitan Assembly na sinabayan ng musika at nagpakita sa mga atraksyon ng Tokyo bilang host city at power of sports.

Naglaban-laban din ang mga manonood, Olympians at Paralympians sa isang computer game na ipinalabas sa malaking screen na nagbigay-sulyap sa kung ano ang maaaring asahan ng mga tao mula sa Tokyo 2020.

“Although there have been some bumps along the way, many of the challenges have been overcome. Overall preparation is well underway, and we have also successfully reached an agreement with related parties on general costs and role sharing,” pahayag ni Tokyo 2020 President Yoshiro Mori.

“As there are only three years until Tokyo 2020, we have commenced the preparation of more intangible aspects of the Games – the mascots, the torch relay and the Opening and Closing Ceremonies. We have committees set up for each of those projects, with experts who represent Japan in those fields. We hope to show the best of Tokyo and Japan through the innovative initiatives that we are implementing in the lead up to what we believe will be the most exciting Games ever.

“As we enter the next stage of preparations, we are thrilled at the prospect of hosting the Olympic and Paralympic Games, and we remain committed to working hard so that in three years time we will be able to welcome our guests from around the world and deliver a most exciting summer festival.”


Sinabi rin niya na gumawa sila ng Tokyo 2020 “happi” o tradisyonal na Japanese jacket, espesyal na “yukata” o casual “kimono” at naglabas ng tradisyonal na dance song na pinamagatang “Tokyo Gorin Ondo 2020” para ipagdiwang ang inaabangang Olimpiyada.

Miyerkules, Setyembre 6, 2017

Maggie’s Tokyo introduces ‘The Restaurant of Order Mistakes’: Empowering people with dementia


Isang hindi pangkaraniwan at nakakatuwang karanasan ang inihandog kamakailan ng isang pop-up restaurant na inilunsad ng Maggie’s Tokyo sa Toyosu district, Koto City na tinawag na “The Restaurant of Order Mistakes” (注文をまちがえる料理店). Nito lamang ay idinaos ang isang trial run para sa bagong ideya ng Maggie’s Tokyo at dahil sa tagumpay nito ay pinaplano na ang muling pagbubukas nito kasabay ng komemorasyon ng World Alzheimer’s Day nitong Setyembre 21.

Sa unang rinig, mapapaisip ka talaga kung bakit tinawag ang restaurant na ito sa ganitong pangalan. Nakuha ang ideya ng kakaibang pangalan mula sa children’s story book ni Kenji Miyazawa na pinamagatang “The Restaurant of Many Orders” (1924) tungkol sa dalawang kalalakihang hunters galing Tokyo na mahaharap sa isang pagsubok kung saan nagsasama ang realidad at pantasya sa kanilang pagpasok sa Wildeat House Restaurant sa gitna ng kagubatan.

Quirky concept and driven mission

Pangunahing konsepto at layunin ng Maggie’s Tokyo ay “to awareness and wider understanding of dementia and Alzheimer’s disease.” At dahil dito, kaya’t ang mga servers sa restaurant ay tanging mga mamamayan na may dementia o Alzheimer’s.

Tiwala ang Maggie’s Tokyo na makatutulong ito para magkaroon ng mas malalim na persepsyon ang mga tao tungkol sa brain disease, na sa kabila ng ganitong kundisyon ay nananatiling mayroon silang kakayahan bilang mga produktibong miyembro ng kanilang komunidad at ng lipunan.

Maihahawig din ang konseptong ito sa Hugs Café sa Texas na ang mga empleyado ay mga mamamayang may mental at developmental disabilities.

Nakakapukaw din ng inspirasyon ang makitang nasisiyahan at nalilibang din ang mga senior citizens sa kanilang ginagawa kasama ang ilang nakababatang waiters.   

An amusing and exciting way of dining

Kapag kumakain sa labas, sa bagong restaurant man o hindi ay may mga tao talagang matagal pumili ng oorderin. Dito, ‘di mo na kailangan mag-isip gaano dahil maaaring magkamali ang mga servers sa order na ibibigay sayo kaya’t hindi importante na sobra pang pag-isipan ito o kaya ay pumili ka ng kahit ano.

May tinatawag na “element of surprise” ang klase ng dining experience rito. At dahil hindi mo alam kung ano ang ihahain sa iyo, magugulat at matatawa ka na lang gaya ng naging karanasan ni food blogger Mizuho Kudo na nag-order ng hamburger ngunit ang inihain ay gyoza dumplings. “I’m fine dumplings came, it was delicious. I had a good laugh,” ang pahayag ni Kudo sa kanyang Twitter post.

About Maggie’s Centers

Ang Maggie’s Tokyo ay dinala sa Japan sa pangunguna ng determinasyon nina Masako Akiyama (Professor of Nursing – St. Luke’s College of Nursing, Japan) at Miho Suzuki, isang journalist na na-diagnose ng breast cancer sa edad na 24. Sinusuportahan din ito ng The Nippon Foundation.

Nagbukas ito noong 2016 kung saan ang gusali nito ay idinisenyo ng Cosmos More at may annex museum of design mula naman sa Nikken Sekkei.

Ito ang ikalawang affiliated overseas center ng Maggie’s Centers ng U.K., support centers para sa mga cancer patients at kanilang mga pamilya na inilunsad ni Maggie Keswick Jencks, na nagkaroon ng advanced cancer.

Binuksan ang unang Maggie’s Center sa Edinburg noong 1996 at mayroon nang 20 centers na nasa National Health Service (NHS) cancer hospitals sa U.K. at sa ibang bansa.


Feed your body and soul at Luljetta’s Hanging Gardens and Spa in Antipolo


Maagang pumasok ang tag-ulan sa Pilipinas at dito naman sa Japan ay nagsisimula na ang autumn season, parehas na klase ng panahon na medyo gloomy ang pakiramdam. Kapag tag-ulan, lalo na kung malakas ito, madalas nakakatamad lumabas at idagdag pa na mas trapik kapag umuulan. Ngunit kahit naman tag-ulan, maaari pa rin naman ang magbakasyon at mag-relax na hindi kailangang lumayo.

Sa Loreland Farm Resort sa Barangay San Roque, Antipolo ay nakatago ang Luljetta’s Hanging Gardens and Spa na nagtataglay ng magandang kumbinasyon ng unique pampering packages; relaxing green scenery, fresh-organic menu; wide selection of amenities; at nakapagandang view ng Sierra Mountain Ranges, Laguna de Bay, Metro Manila skyline, at ng buong Antipolo. Ito rin ang kauna-unahang hanging gardens and spa sa bansa.

Like a front row seat

Hindi ba’t nakaka-relax at nakakamangha ang magmasid sa kabuuan ng paligid mo mula sa mataas na lugar gaya ng kapag nasa viewing deck ka ng Tokyo Tower?

Bagaman walang viewing deck sa Pilipinas, maaari mo pa rin magawa ang parehas na karanasan sa Luljetta’s mula sa mga mountainside pools at spa nito – ang main attraction na hydrotherapy pools, partikular na ang infinity pool at hydromassage pool kung saan pinakamagandang pagmasdan ang mga iba’t ibang kulay ng view. Mainam naman maglagi sa tinaguriang Sunset Hut para pagmasdan ang nakakaantig na pagbaba ng araw.

Get a healthy dose

Magbabad din sa fish spa zen ponds na tiyak ay makatatanggal ng pagod mo sa iyong paglalakad-lakad sa buong lugar habang pinapaligiran ka ng mga puno’t halaman. At kapag nagsimula nang umulan sa hapon o gabi at medyo lumamig na ang kapaligiran, magandang mag-detox sa sauna o mag-hot bath sa jacuzzi.

Pagkatapos, pumunta sa bamboo huts para magpa-body massage (grape seed oil, signature massage, ginger ventosa, hand or foot reflex, head-back massage, ear candling) foot spa o all-natural body scrub (coffee scrub, sweet calamansi scrub, red wine scrub, choc’late scrub). Mayroon din spa enhancers – flawless feet, flawless feet with herbal foot bath, soft touch, soft touch with paraffin wax, manicure, at pedicure.

Pwede rin mamili mula sa tatlong package ng Luljetta’s Spa Journey – Comfort, Nurture, at Rejuvenate na may kasamang access to hanging gardens facilities, welcome snack/drink, 4 course wellness menu, aromatheraphy welcome kit, at iba pa na nagsisimula sa Php2,450 – Php3,950.

Nariyan din ang Hanging Garden Experience – Hanging Garden Retreat at Hanging Garden Getaway mula Php1,100-Php1,650 kung saan kasama ang mga unang nabanggit na amenities.

Sa pagkain naman, tikman ang in-house garden salad mula sa kanilang organic farm, Antipolo suman (topped with sweet mangoes) at lemongrass iced tea. Nagbabago naman ang kanilang main course depende sa panahon.

Distinct Filipino feel

Ang masonry nito ay gawa ng mga taga-Pangasinan, mga kurtina mula sa Rizal province, furniture pieces ng Palawan, synthetic rattan furniture ng Pampanga, wooden bar at flowering plants ng Baguio, daybed na may Abel Iloco Fabric ng Ilocos, droplights na gawa sa abaca ng Bicol at towel/robe na gawa sa batik fabric.

Para pumunta, bumaba sa LRT Santolan, sumakay ng pa-Antipolo na FX o jeep, bumaba sa Antipolo Cathedral at mag-tricycle papuntang Loreland Resort. May mga Antipolo-bound terminals din sa Araneta Center, Cubao; Robinson’s Galleria; SM Megamall; EDSA Central, Mandaluyong; at Ayala Center, Makati.

Martes, Setyembre 5, 2017

Personal Finance 101: Tatlong bagay na dapat gawin kapag nasa edad 40 ka na

Ni MJ Gonzales


Ang sabi nila “life begins at 40” pero kung pakiramdam mo ay walang-wala ka ay baka masabi mong “life is miserable at 40” pala. Kung ikaw man ay papunta rito o nasa ganitong edad ay dapat mong alalahanin na nasa punto ka ng iyong buhay na dapat naaayos na ang iyong pananalapi.

Hindi naman kailangang matakot bagkus ay maging inspirado para doblehin ang pagkayod at pagsisipag. Kung iisipin din naman ay masasabing isang pagpapala ang umabot sa 40 taon sa mundo na may malusog na katawan, may makulay na mga karanasan, at malawak na pang-unawa.  

Mayroon kang 20 taon na paghahanda para sa iyong pagreretiro

 Kung mayroon kang pondo para sa iyong retirement ay mainam na analisahin mo kung sasapat ba ito at kung paano mo pa mapapalago. Alam mo ba ang 20/20 retirement rule?  Tandaan na may 20  taon ka pa para ipunin ito kung balak mong magretiro sa edad na 60. Kung sa tingin mo ay kakayanin mo pang  magtrabaho hanggang 65 o 70, gaano naman kaya kalusog pa ang iyong pangangatawan?

Kung nais mong maging maginhawa ang iyong buhay nang higit sa 20 taon matapos kang magretiro, dapat din ay sasapat sa 20 o higit pang taon ang iyong maiipon na pondo.  Hindi mo rin naman siguro gusto na para lamang sa gamot at pagkain ang iyong mga ipon, ‘di ba? Maaaring gusto mo rin bumisita sa iba’t ibang lugar o gawin ang mga hilig mo na hindi mo pa nagawa noong bata ka pa.

Nasa edad ka na sagana sa lakas, kasanayan, at karanasan

 Sa Pilipinas ang laking isyu ang edad lalo na kung nasa 30 o 40 na.  Subalit kung iisipin ay ito ang magandang edad dahil sa mas matibay na kasanayan at karanasan ng tao sa kani-kanilang larangan. 
Ayon sa Organization for Economic Cooperation and Development (OECD), ang maituturing na nasa kanilang “prime working lives” ay iyong nasa edad 25-54 taon.  Sa tala ng OECD, ang employment rate sa age group na ito noong huling bahagi ng 2016 ay mataas sa Italy (68.9 percent), USA (78.2 percent), France (79.6 percent), Canada (81.5 percent), United Kingdom (83.1 percent), Japan (83.7 percent), at Germany (84.2 percent).

Marahil dahil na rin sa mas may kumpiyansa na sa sarili kaya maraming matatagumpay na tao ngayon ang naglakas-loob sa kanilang karera pag-abot ng 40. Isang halimbawa na rito si Stan Lee na lumikha ng istorya ng “Fantastic Four,” “Spiderman,” at “Iron Man.”  Nagsimula lamang niyang gawin ang kanyang mga komiks noong siya ay nasa 39 na.  Si Vera Wang naman, na isang journalist noon at ngayon ay sikat na fashion designer, ay sinimulan ang kanyang karera sa fashion industry noong siya ay nasa 40-taong-gulang na.

Samantala, hindi mo rin dapat kaligtaan na alagaan ang iyong kalusugan at protektahan ang iyong ipon. Magagawa mo ang huli kung mayroon kang emergency fund, health insurance, at health maintenance organization (HMO).

Alam mo na kung alin ang tama para sa iyo

 Kapag bata ka pa, pwedeng may takot o lakas ka ng loob na subukan ang mga bagay-bagay.  Madalas ay kinukunsidera mong oportunidad ang mga alok na hindi mo naman pala talaga gusto at walang saysay.

Kapag nasa 40 ka na, ang desisyon mo ay nakabase na sa tingin mong tama at tugma sa iyo. Ito ay dahil mas kilala mo na ang iyong sarili, ang iyong prayoridad sa buhay, at layunin sa hinaharap.  Alam mo na rin ang ibig mong sabihin kung bakit dapat tanggihan o tanggapin ang isang bagay.


Digital footprint matters: Make your social media sites, digital portfolio free from negativity

Ni MJ Gonzales


Maraming rason kung bakit napakahalaga na mayroong social media accounts, sariling website, o sa kabuuan ay online presence ang isang negosyo.  Isang mabigat na dahilan dito ay halos lahat, lalo na iyong may “buying power,” ay naka-online nang matagal araw-araw.
  
Dagdag na rin dito ay mas makakamura sa promosyon, mabilis na transaksyon, at madaling makakaakit ng potensyal na mamumuhunan o kliyente. Kaya naman napakahalaga ng pagkakaroon ng “digital portfolio” at magandang “digital footprint.”

Ang “digital portfolio” ay isang pormal na termino sa paglalathala sa internet tungkol sa iyong credentials. Kasama rito ang pagpapatalastas ng iyong mga produkto, serbisyo, at magagandang testimonya tungkol sa iyo. Ang iyong digital portfolio ay maaaring nasa social media sites gaya ng LinkedIn at sarili mong website na ang uniform resource locator (URL) o iyong address mo sa Internet ay nakapangalan sa iyo.

Samantala, ang “digital footprint” ay may kinalaman sa iyong iniwang bakas sa mga websites na iyong pinupuntahan kabilang ang iyong update sa Facebook, tweet sa Twitter, photo sa Instagram o Pinterest, binabasang website, at kini-click na ads o videos. Kasama rin dito ang iyong komento sa mga online forums, blog sites, video Youtube, at iba pa. 

How your digital footprints affect your career, business?


Araw-araw nakakakita tayo ng reklamo o rant post sa Facebook na maaaring may kinalaman sa traffic, pulitika, showbiz, at lalo na sa personal na problema. Kung gusto mo talagang magkaroon at mapanatili ang magandang propesyonal na imahe sa internet ay iiwas ka hanggang maaari sa mga negative posts.

Halimbawa na isa kang online seller at may nag-order sa iyo na biglang umatras.   Sa totoo lang nakakainis ito  kapag nagpagod at  may nagastos ka para sa inyong transaksyon. Kung ipo-post mo ang reklamo mo sa nasabing customer sa iyong Facebook, pwedeng mauunawaan ito ng iyong mga kaibigan pero hindi lahat. Tandaan na ang iyong opinyon, gaano man ito katotoo at may saysay, ay balewala sa mga taong wala namang paki sa isyu o personal mong buhay.   

Nakakasama pa ang ganitong posts kung naka-public ang setting ng iyong social media accounts. Hindi lamang potensyal na kliyente ang magdadalawang-isip na makipagtransaksyon sa iyo kundi  maging suppliers at iba pang investors.

Dapat na isipin na bago pa nila tangkilikin ang iyong produkto o serbisyo ay tinitingan din ng mga mamimili kung sino ang nagbebenta. Ang uso rin ngayon ay nagse-search muna sila online bago bumili sa physical stores.

Steps to build good digital portfolio and online presence

 I-check ang privacy setting ng iyong social media accounts. Kung mahilig ka na mag-post nang kung anu-ano, mabuting  maging maingat sa  privacy setting ng iyong social media accounts.  Gawin mong public ang mga positive updates na may kinalaman lamang sa iyong business o career.

Gumawa ng hiwalay na social media accounts at website para sa iyong negosyo.   Mahirap din naman ang naka-private setting dahil babagal at hihirap ang pagpapatalastas ng iyong produkto at serbisyo. Kaya naman mainam na gumawa ng hiwalay na accounts para sa iyong negosyo at personal na gamit.  Tandaan din na maikli lamang ang pasensya ng mga mambabasa sa Internet para galugarin ang mga impormasyon tungkol sa iyo.

Maging maingat at mapanuri sa iyong mga ipo-post.  Hindi naman lahat ng negatibong karanasan ay hindi mo na mailalabas. Maaari mo pa nga itong maging inspirayon para makagawa ng malikhaing posts na makatutulong pa sa iyong negosyo.

Kung babalikan natin ang halimbawa sa itaas,  pwedeng  maglathala ka ng bagong patakaran sa pag-order at idahilan ang nangyari sa maayos na paraan. Gayon din, maglathala ka ng mga artikulo na gaya ng “Tips para makabili nang mabilis at tamang produko para sa iyo.”

Pilipinas at Japan magtutulungan para isulong ang pamumuhunan sa bansa

Nilagdaan nina Trade Undersecretary and BOI Managing Head Ceferino 
Rodolfo (kaliwa) at Mizuho Bank, Ltd. Chief Executive Officer /Joint Head of Asia 
Oceania Masaki Seki (kanan) ang MOU para sa pagsulong ng pamumuhunan sa Pilipinas.
 Kasama nila (mula kaliwa) sina BOI International Investments Promotion Service 
Director Angelica M. Cayas, DTI Assistant Secretary for Industry Development Rafaelita M. Aldaba,
 Mizuho Corporate Bank, Ltd. Manila Branch General Manager Tsutomu Yamamoto, 
at Mizuho Corporate Bank Ltd. Manila Branch Joint General Manager Atsuya Kono.
Lumagda ng Memoramdum of Understanding (MOU) ang Pilipinas at Japan na may layuning palakasin ang kooperasyon ng dalawang bansa sa negosyo sa pagsulong ng pamumuhunan sa bansa.

Nilagdaan ang MOU sa pagitan ng Department of Trade and Industry (DTI) sa pamamagitan ng industry development at investments promotion arm nito na Philippine Board of Investments (BOI) at Mizuho Bank, Ltd., ang integrated retail at corporate banking unit ng Mizuho Financial group at isa sa pinakamalaking financial services companies sa Japan.

Pinangunahan nina Trade Undersecretary and BOI Managing Head Ceferino Rodolfo at Mizuho Bank, Ltd. Chief Executive Officer/Joint Head of Asia Oceania Masaki Seki ang paglalagda na ginanap kamakailan.

“We have all of the elements in the industrial cooperation that is why we are excited on the collaboration. We can also learn from your global expertise particularly on the project finance and industrial research. As we are in the golden age of economic relationship with Japan, we hope that our partnership will attract more Japanese investors to do business in the country,” pahayag ni Rodolfo.

Ang Mizuho ang unang pribadong kumpanya kung saan nakikipagtulungan ang BOI sa mga investment promotion activities nito.

“This MOU is not only a milestone, but also a commitment for us to make the economic ties of Japan and Philippines stronger by helping your country attain further socio economic growth. We will be delighted to promote your country and bring in more Japanese investments that would be beneficial not only for the large companies and more so for the small and medium enterprises in the Philippines,” sabi ni Seki.

Magtatatag ang MOU ng “mutually beneficial cooperation to promote investment opportunities, exchange information on the guidelines in doing business and industry information, and other joint efforts that will foster economic and industrial linkages between investors and corporations.”

Ang Japan ay isa sa mga nangungunang namumuhunan sa Pilipinas na nagbukas ng trabaho para sa mga Pilipino. Mahigit 1,400 na kumpanyang Hapon ang pumasok sa merkado ng Pilipinas at inaasahang tataas pa.


Ayon sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), ang Japan ang pang-apat sa nangungunang foreign investing countries sa Pilipinas na may Php27.06 bilyon na halaga ng pamumuhunan noong taong 2016.