Ni Rey Ian Corpuz
Ang
panahon ng tagsibol ay panahon ng paglilipat ng trabaho, lugar ng
pagtatrabahuan at siyempre ang paglipat ng bahay. Sa Japan, kasabay ng pagsibol
ng mga sakura ay siya rin ang lipatan ng karamihan sa trabaho at tinitirahang
bahay. Sa panahong ito hitik na hitik sa patalastas sa telebisyon ang mga naghi-hikkoshi,
mga chintai realtors, linis bahay at “tapon ng mga luma at sirang gamit” na mga
kumpanya. Kung kayo ay hindi pa nakakalipat, ito ang mga tips na dapat ninyong
gawin:
Pagtatapon
ng basura at sirang kagamitan
Hindi
po basta-bastang natatapon ang mga de-kuryente at malalaking kagamitan sa bahay
tulad ng refrigerator, TV, washing machine, aircon, heater, bisikleta, cabinet
at marami pang iba. Halimbawa, sa Tokyo, ay kailangan mong magpa-reserve sa
“Sodai Gomi Center” ng inyong siyudad o ward at bumili ng “gomi shoriken” o garbage
disposal ticket sa convenience store na nagkakahalaga ng ¥300 at ¥400 para
idikit sa mga bagay na nais itapon.
Kapag
kayo ay nakapagpa-reserve, saka na idikit ang mga ito sa inyong itatapong bagay
at ilagay ito sa inyong napiling pick-up point kagaya ng lugar na tapunan ng
basura. Ang mga appliances naman ay kailangang mga pribadong kumpanya na
nangangasiwa sa pagtapon ng mga ito ang dapat tawagan. Mahal magtapon ng mga
gamit. Ang analog na TV ay nasa ¥4,000 o mahigit depende sa laki at ang aircon
ay nasa ¥7,000 mahigit depende sa modelo. Talagang nakakabutas ng bulsa ang
paglilipat ng bahay.
Pagbenta
ng mga ito sa junk shop
Kung
may mga 2nd hand o junk shop na malapit sa inyong bahay ay pwede
ninyo itong ibenta. Mas makakamura at kikita pa kayo kahit sa kaunting halaga.
Pero hindi lahat ng mga gamit ay pwedeng ibenta. Dapat ito ay hindi mukhang
luma at dapat kaaya-aya pa sa tingin ng bibili. Kapag ito ay may sira na,
malamang hindi mo na ito mabebenta. Kung wala kayong sasakyan, mahirap magbenta
ng gamit dahil hindi lahat ng junk shops ay pwedeng pumunta sa bahay ninyo para
kunin ang gamit.
“Hikkoshi”
o lipat-bahay na serbisyo
Pagkatapos
maibenta o maitapon ang mga bagay na ayaw na ninyong dalahin sa bagong tirahan
ay ang “mitsumori” o pagtatantiya ng mga bagay na dadalahin ng mga hikkoshi na kumpanya. Mas mainam na marami kayong
tawaging ahente para mag-estimate ng mga gamit sa inyong bahay. Sa mitsumori,
tinitingnan ng ahente kung gaano kalaki ang inyong kwarto o bahay at kung gaano
karami ang inyong mga gamit.
Malakas
ang kumpetisyon ng mga kumpanya. Maraming kilalang kumpanya na parating may
patalastas sa telebisyon pero sa tingin ko mas mura kung ito ay lokal na
kumpanya lang na walang patalastas. Ang sikreto para makamura ay baratin ninyo
hangga’t pumayag sila.
Karaniwan
tatanungin ka ng ahente kung may pumunta na ba na ibang kumpanya at sabihin mo
na mayroon na. Pagkatapos sabihin mo na mas mababa ang presyo sa ibang
kumpanya. Hangga’t kaya nilang habulin ang presyo hahabulin nila ito. Gamitin ninyo
ang pagiging Pilipino sa paghingi ng tawad sa presyo. Karamihan sa mga ito ay
nagbibigay pa ng regalo tulad ng bigas, tisyu o mga panglinis ng kusina at
banyo para lang makumbinse ang lilipat ng bahay na kunin sila.
Pagpili
ng bahay
Regular
na mansion o apartment - Maraming nagkalat na “fudosan” o realtor ng bahay.
Sa panahon ngayon, hindi na masyado uso ang “reikin” o iyong regalong isang
buwan na upa na ibabayad sa “oyasan” o may-ari ng bahay. Karamihan pa sa mga
ito ay isang buwan lang ang unang bayad. Ang hindi maganda sa ganitong mga
bahay ay kailangang baguhin ang iyong kontrata kada dalawang taon. Magastos ang
mag-renew dahil kailangan mong magbayad ng isa o dalawang buwan na “atsukarikin”
o deposit at mahirap din ang paghahanap ng “hoshounin” o guarantor.
Mga
pabahay ng gobyerno - Ang pagtira sa “danchi” o community housing ng pamahalaan ay may maraming benepisyo. Hindi
na kailangan ng renewal fee, guarantor at “reikin” at karamihan sa mga ito ay
may libreng isang buwan na upa sa kwarto. Kaya lang medyo mahigpit ang mga
requirements. Ang UR Chintai at JKK Tokyo ay iilan sa mga ahensiya ng gobyerno
na “subsidized housing” na mas mura at malaki kumpara sa mga mansion o
apartment. Sa guarantor ay may pribadong kumpanya na sasagot sa bayarin nito na
kailangan mo lang hulugan kada buwan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento