Top 10 OPM albums ng 2013
Bagaman
hindi ganoon karami ang OPM albums na inilabas nitong nakaraang taon, mayroon
pa ring mga natatanging Pinoy albums na tunay na nagbigay kulay sa mundo ng
OPM.
Kabilang
dito ang “Never the Strangers” ng Never the Strangers, “Pinoy Blues Jam”
(Various artists), “Homegrown Hiphop” (Various artists), “Electric Sala” ng
Electric Sala, “Esoteric” ng Urbandub sa kanilang catchy emo-metal, “Only In
The Philippines” ng Banda ni Kleggy sa kanilang 70s disco beat, “Sunday Kodama”
ng Gaijin, “Fat Salt & Flame” ng Sandwich na nagdiwang ng ika-15
anibersaryo, “Liham at Lihim” ni Gloc-9 kung saan kasama ang ilan sa bigating
pangalan sa musika at “Malaya” ni Kitchie Nadal na comeback album ng acoustic
pop maiden.
2013 Foreign Top 20 Songs sa ‘Pinas
Nanguna
sa year-end countdown sina Pink, Katy Perry, One Direction at Taylor Swift na
bumuo sa top 5.
Paborito
ng lahat ang “Just Give Me A Reason” ni Pink (feat. Nate Ruess) hanggang sa
huling bahagi ng taon. Sinundan ito ng “Roar” ni Katy Perry, “Best Song Ever”
ng One Direction, “22” ni Taylor Swift, “One Way Or Another” ng One Direction,
“Gentleman” ni Psy, “Here’s To Never Growing Up” ni Avril Lavigne, “Wrecking
Ball” ni Miley Cyrus, “Kiss You” ng One Direction at “When I Was Your Man” ni
Bruno Mars sa top 10.
Pumasok
naman sa no. 11 ang “I Knew You Were Trouble” (Taylor Swift), “We Can’t Stop”
(Miley Cyrus), “Blurred Lines” (Robin Thicke feat. T.I./Pharrell Williams),
“Applause” (Lady Gaga), “Scream & Shout” (Will.i.am feat. Britney Spears), “Clarity”
(Zedd feat. Foxes), “Tonight” (Jessica Sanchez feat. Ne-Yo), “Mirrors” (Justin
Timberlake), “Treasure” (Bruno Mars) at “Royals” (Lorde).
Opera Superstar Sumi Jo magtatanghal
para sa Visayas
Tinaguriang
“Voice from Above” ni Maestro Herbert Von Karajan, Austrian orchestra at opera
conductor, ang award-winning opera superstar na si Sumi Jo na darating sa bansa
para tumulong sa pagkalap ng tulong sa Visayas.
Nakapagtanghal
na si Sumi Jo sa maraming prestihiyosong opera houses sa buong mundo kabilang
na ang Teatro alla Scala, Royal Opera House Covent Garden, Metropolitan Opera
Houses, Salzburg Festspielhaus, Vienna State Opera at iba pa.
Gaganapin
ang konsiyerto kasama ng pianist na si Najib Ismail sa Pebrero 1 sa Samsung
Hall, SM Aura sa Bonifacio Global City, Taguig
Shakira,
naglabas ng bagong single
Balik music scene na ang Columbian superstar na
si Shakira sa paglabas ng lead single na “Can’t Remember to Forget You” kung saan
kasama niya si Rihanna.
Kabilang din ang mga kantang “Truth or Dare,”
isang dance track kung saan ang music video nito ay ginawa sa Lisbon, Portugal
at “Beautiful Disaster” na parehong mula sa panulat ni Raelene Arreguin, John
J. Conte Jr at Singh Jay at “Zodiac Lover.”
Nakatakdang ilabas digitally sa unang bahagi ng
taon ang mga kanta sa kanyang ikawalong album na wala pang pamagat.
Napag-alaman din na nagkaroon ng kolaborasyon si Shakira sa iba pang artists
gaya nila Ne-Yo, Akon, Ester Dean, Benny Blanco, RedOne, Afrojack at Fernando
Garibay.
Lea
Michelle mayroong “Cannonball” MV
Inilabas
na ni Lea Michelle ang unang single mula sa kanyang ilulunsad na album na
pinamagatang “Louder” na magiging available sa susunod na buwan at mula sa
Columbia Records.
Simboliko
ang mensahe ng kanta kung saan makikita si Lea Michelle na nasa isang
inabandonang bahay at kalaunan sa music video ay makikitang makakahanap siya ng
kalayaan.
Naiparinig
na ni Lea ang kanta nang maging guest siya sa “Ellen” at “The X Factor.”
Available na rin sa iTunes ang Cannonball.
Karylle
shows versatility in “K”
Inilabas kamakailan ni Karylle ang bagong album
na pinamagatang “K” na nagtatampok ng panibagong klase ng musika ni Karylle.
Sanay ang karamihan na naririnig si Karylle kumanta ng love songs, ngunit ibang
iba siya sa bagong album.
Nariiyan ang catchy pop na carrier single “Kiss
You,” modern upbeat na “Bad Boys” na sinulat niya mismo at remix version ni DJ
MOD, sentimental ballad na “Kapiling Ka,” “In My Own Little Corner” na kanta sa Cinderella ng Rodgers and Hammerstein, “Sa’yo
Na Lang Ako” na mula sa 2013 PhilPop at iba pa.
Available na ang “K” sa iTunes,
mymusicstore.com.ph at sa nangungunang record bars sa bansa.
i like this information ^___^ thank's regard
TumugonBurahinobat gondok, obat asma, obat amandel, obat sakit tulang ekor, obat batu ginjal