Si David Beckham kasama ang mga bata sa Tacloban. (Kuha mula sa UNICEF). |
Dumating sa Pilipinas kamakailan
ang sikat na football icon na si David Beckham upang makasama ang mga bata na nakaligtas
sa pananalanta ng bagyong “Yolanda” sa Central Visayas Nobyembre noong
nakaraang taon.
Ang pagbisita ng 38-taong-gulang
na si Beckham ay bahagi ng kanyang pagiging goodwill ambassador ng United
Nations Children's Fund (UNICEF) kung saan isa siya sa mga unang umapela upang
matulungan ang mga bata sa Tacloban na nabiktima ng bansa.
Ayon sa talaan ng UNICEF,
tinatayang nasa 1.7 milyong bata ang nawalan ng matutuluyang bahay at
napilitang tumigil sa pag-aaral dahil sa labis na danyos sa mga paaralan ng mga
ito.
Binisita ng pamosong manlalaro na
nagretiro noong nakaraang taon matapos ang dalawang dekadang paglalaro ng
football, ang ilang evacuation at health centers at ilang pamilya na nawalan ng
tirahan.
Pumunta rin si Beckham sa Santo
NiƱo School sa Tanauan, Leyte at naging bahagi sa klase ng mga bata, namigay ng
mga libro, tumulong sa pagpipinta sa wall mural ng paaralan at nakipaglaro ng
football sa mga ito.
“As a father, it was deeply
moving to meet children as young as two who were left with nothing but the
clothes they were wearing when sea and storm water swept through their villages
during the typhoon,” pahayag ni Beckham na may apat na anak na sina Brooklyn,
Romeo, Cruz at Harper.
“Some children I spoke to had
lost parents or brothers and sisters in incredibly frightening circumstances.
It was devastating to hear about.”
Bilang UNICEF Goodwill
Ambassador, ikinatuwa nito ang mga tulong na nagawa organisasyon sa mga bata sa
Leyte katulad ng pagbibigay ng relief aid at paggawa ng pansamantalaang
silid-aralan upang hindi matigil sa pag-aaral ang mga bata. Sa ngayon, mayroon
nasa 420,000 bata na ang nakakapag-aral sa makeshift at tent schools na ginawa
ng UNICEF at nabigyan din ang mga ito ng educational materials.
Nanawagan si Beckham na sana’y
patuloy ang pagbibigay ng donasyon ng publiko partikular na sa UNICEF upang
patuloy na matulungan ang mga batang nabiktima ng isa sa pinakamalakas na bagyo
sa kasaysayan ng buong mundo na kumitil ng mahigit sa 6,000 katao sa Visayas
region.
“Here in the Philippines I have
seen how public donations can have an incredible effect on children's lives in
an emergency.
“Right now, millions of children
in other parts of the world are in urgent need - whether it's as a result of
the Syria crisis or the conflict in South Sudan."
“Even though some of these crises
don’t make the headlines, we should not forget these children in desperate
circumstances and I urge the public to do all they can, as they have done
incredibly in the past, to help organizations like UNICEF go the extra mile for
these kids every day,” dagdag pa ni Beckham na naglaro para sa Manchester
United, Preston North End, Real Madrid, Milan, Los Angeles Galaxy, Paris
Saint-Germain, at England national team.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento