Ni
Florenda Corpuz
Patuloy ang pagbisita ng mga
dayuhang Hapon sa Pilipinas na siyang umuukupa sa ikatlong pwesto sa pinakamaraming
bilang ng mga foreign tourist arrivals sa bansa mula Enero hanggang Setyembre
2013.
Ayon sa pahayag ng Department of
Tourism (DOT), umabot sa 329,008 o 9.38% ang overall total ng mga dayuhang
Hapon na bumisita sa bansa sa unang siyam na buwan ng 2013.
Umabot naman sa 3,509,017 ang
overall total ng mga dayuhang turista na nagtungo sa bansa, 11.40% mas mataas
kumpara sa 3,149,985 bilang noong nakaraang taon. Ito ay katumbas ng 63.80% ng
targeted foreign tourist arrivals noong 2013.
Bukod sa Japanese tourists, nasa
top 5 din ang mga South Koreans na nasa unang pwesto na may bilang na 908,881 o
20.71% ng total arrivals. Nasa pangalawang pwesto naman ang mga American
tourists na umabot sa 497,748 o 14.18%. Nasa ikaapat na pwesto naman ang mga
Chinese tourists na may 327,054 arrivals o 9.32% habang panglima naman ang mga
Australian tourists na umabot sa 148,218 o 4.22%.
Ilan pa sa mga bansang nagtala ng
positibong dami ng bilang ay ang mga sumusunod: Saudi Arabia sa 30,258 (+34.70%),
Russian Federation na may bilang na 23,199 (+29.70%), Indonesia na umabot sa
33,877 (+26.94%), Thailand na may bilang na 35,364 (+18.64%), France na umabot
sa 29,263 (+17.77%) at India na may 38,773 arrivals (+13.02%).
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento