Huwebes, Pebrero 6, 2014

Japan at Pilipinas kasali sa “Avril Lavigne On Tour” concert


Avril Lavigne

Dalawang taon din mula nang huling makita si Avril Lavigne sa mundo ng musika sa huling album niya na “Goodbye Lullaby” noong 2011. At pagkatapos ng dalawang taong paghihintay ay muling nagbabalik musika si Avril sa kanyang self-titled album na inilunsad kamakailan. Itinatampok sa kanyang bagong album ang kolaborasyon niya sa kanyang asawang si Chad Kroeger, frontman ng bandang Nickelback.

Nakatakda rin lumigid sa iba’t ibabg bansa sa Asya kabilang na dito ang Japan at Pilipinas para sa kanyang “Avril Lavigne On Tour” concert. Nag-umpisa ang concert tour ng rock princess sa Osaka, Japan sa Enero 31 na susundan pa ng maraming concert stops sa Yokohama; Tokyo; Nagoya; Hong Kong; Singapore; Seoul, South Korea; Shanghai, China: Guangzhou; Wuhan; Nanjing, Chengdu; Shenzhen; Jakarta, Indonesia; Kuala Lumpur, Malaysia at sa Pilipinas sa darating na Pebrero 17 sa Smart-Araneta Coliseum.

Mapapakinggan sa kanyang pang-limang album ang lead single na “Here’s To Never Growing Up” na isinulat niya kasama si Chad Kroeger, “Rock N Roll” at “Let Me Go” (featured vocals by Chad Kroeger).

Unang sumikat si Avril noong 2002 sa pamamagitan ng debut album na “Let Go” na naglagay sa kanya sa mundo ng international music scene sa pamamagitan ng mga kantang pop-rock, alternative at punk rock ang tunog. Sa edad na 17, naging 6x Platinum ang kanyang album kung saan tampok ang mga global hits na “Complicated,”Sk8er Boi” at “I’m With You.” Nag-peak sa no. 1 ang “Complicated” sa Australia at US, naging isa sa best-selling Canadian singles noong 2002 at no. 83 sa Hot 100 Singles of the Decade.

Umabot naman sa top ten sa US ang dalawang sumunod na kanta na “Sk8er Boi” at “I’m With You.” Dito sa album na ito rin siya nanalo ng apat na Juno Awards (2003), MTV VMA Best New Artist (2002), World’s Bestselling Canadian Singer sa World Music Award at walong nominasyon sa Grammy Awards.

Mabilis itong sinundan ng “Under My Skin,” ang kanyang sophomore album na naging triple Platinum. Kabilang sa album na ito ang lead single na “Don’t Tell Me” na naging no. 1 sa Argentina, Mexico, top five sa UK at Canada at top 10 sa Australia at Brazil. Naging no. 1 rin ang “My Happy Ending” sa Mexico, top five sa UK at Australia at top 10 ng Billboard Hot 100.

Sinundan ito ng “The Best Damn Thing” nang 2007 kung saan kabilang ang hit na “Girlfriend” na nag-no. 1 sa Billboard Hot 100 at naging “most downloaded track nang 2007” at “When You’re Gone.”

Aktibo rin si Avril sa kawanggawa sa ugnayan nito sa iba’t ibang charities gaya ng Amnesty International, Campaign for Burma at War Child. Itinayo niya ang Avril Lavigne Foundation nitong 2010 na tumutulong sa mga kabataang may seryosong sakit at kapansanan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento