Para sa sinumang volleyball enthusiast, at lalo na
dahil summer na sa Pilipinas, magandang pagkakataon ang makanood ng volleyball
action o maglaro ng volleyball sa beach. Ngunit ngayon, hindi na kinakailangan
pang lumabas ng siyudad dahil pinasinayaan kamakailan ng Beach Volleyball
Republic (BVR) at Aboitiz Land ang isang sand court sa Seafront Residences sa
Bonifacio Global City, Taguig.
Bahagi ito ng adbokasiya ng BVR sa pagsusulong ng
volleyball sa mga kabataan at sa mga Pinoy gaya ng Beach Royals development
program sa ilalim ng Philippine Sports Commission (PSC). Sinusuportahan din ito
ng Larong Volleyball sa Pilipinas (LVPI). Opisyal na nabuo ang BVR noong Hunyo
2015.
“It has
been our ultimate dream to host a BVR event in BGC and having it done so soon
through Aboitiz Land gives us more affirmation that we are doing the right thing
for the love of beach volleyball.
We’re very grateful that
the sport is now starting to grow bigger and gain support from a company like
AboitizLand and the Aboitiz Group. It’s really fate and a shared goal that
brought the partnership together. Getting traction like this is very good for
the support and we hope to gain more support from the private sector,” ang masayang kwento ni BVR co-founder at dating Ateneo
Blue Eagles volleybelle Bea Tan.
Nagdaos
din ng exhibition games ang paglulunsad sa sand court kung saan mismong si Tan,
mga BVR co-founders Charo Soriano, Dzi Gervacio, Fille Cainglet-Cayetano, at
Gretchen Ho, gayon din ang iba pang collegiate volleybelles na sina Melissa
Gohing, Amanda Villanueva, Amy Ahomiro, Kara Acevedo, Michelle Gumabao, Ella De
Jesus, at Mae Tajima ay nagpakita ng maagang summer volleyball action sa mga
sumusuporta ng volleyball sa bansa.
Aniya,
ang kolaborasyon sa pagitan ng BVR at Aboitiz ay tuluy-tuloy pa sa iba pang
proyekto ng BVR gaya ng planong beach volleyball tournament at beach sports
activities sa Seafront Residences.
BVR on Tour 2017 heating up the summer
Bago pa
mag-summer ay hitik na hitik na ng aksyon sa opisyal na pagsisimula ng Beach
Volleyball Republic on Tour 2017 noong Enero sa Cabugao Beach, Ilocos Sur kung
saan nagwagi sina Tiger Spikers KR Guzman at Anthony Arbasto sa men’s, at Bea
Tan at Charo Soriano sa women’s.
Tuloy
naman ang pakitang-gilas ng mga atleta sa second leg sa Tondalingan Beach,
Dagupan City, at muli ay nagtakda ng panalo si Tan kasama ang bagong partner na
si Gervacio. Inulit naman nina Guzman at Arbasto ang kanilang mataginting na
pagkapanalo sa first leg.
Dumayo
naman ang BVR on Tour hanggang Lakawon Island, Negros Occidental sa third leg
kung saan nagwagi naman sina Jeremiah Barrica at Kevin Hadlocon ng FEU.
Nakabawi na lang ang dalawa sa pagbabalik ng BVR sa Kahuna Beach, La Union sa
fourth leg kung saan nakaharap nila ang matitinding kalaban mula FEU, Perpetual
Help, Lyceum, Navy, Airforce, Cebu at Bacolod.
Para sa
mga volleyball fans sa Norte at Visayas, pwede pang habulin ang BVR on Tour sa
Anguib Beach, Santa Ana Cagayan sa Abril 22-23, Guimaras Island sa Mayo 6-7 at
ang kulminasyon sa Hunyo sa Ilocos Norte.