Biyernes, Oktubre 27, 2017

Japanese pop diva Namie Amuro, inanunsyo na ang pagreretiro sa susunod na taon


“Today, I would like to write about something that I have carried on my mind and have decided on the 25th anniversary of my debut. I, Namie Amuro, would like to take this opportunity to inform all of my fans of my decision to retire as of September 16, 2018,” ang nakakagulat na anunsyo ng J-pop superstar na si Namie Amuro sa kanyang website sa araw ng kanyang kaarawan kamakailan.

Bago nito naglabas pa ng kanyang 46th single – ang upbeat party tune na “Showtime” bilang theme song ng kakasimulang TBS drama na pinamagatang “Kangoku no Ohimesama” (Prison’s Princess) na ipinapalabas tuwing Martes (10:00pm). Ito’y tungkol sa limang babaeng maghihiganti sa isang presidente ng kumpanya. Nagtanghal din ang singer sa isang commemorative concert sa kanyang hometown na Okinawa.

This is an honor. When looking at the revenge plan that unfolds in the drama, I decided to make Showtime a feminine pop song. I am happy that it will add excitement to the drama,” ang masayang tugon pa ng tinaguriang fashion icon sa J-pop tungkol sa kanta, kaya’t ‘di naiwasan na nagulat ang mga tagahanga nito sa biglaang pag-aanunsyo niya ng pagreretiro dalawang linggo pagkatapos.

‘Finally’ celebrates 25 years of enduring music

Ngayong taon, naglabas din ang two-time Japan Record awardee ng compilation album, ang Best 2008-2017 na may 26 tracks at singles na “Just You and I” at “Strike a Pose.”  

Ang pagdating ng Setyembre 18 ang hudyat ng pagtatapos ng 25th anniversary celebration ng singer ngunit bago siya tumigil sa pagkanta ay sinabi nito sa kanyang sulat sa mga tagahanga, “I plan to make the last year of my music career meaningful by focusing my full attention on creating a final album and performing at concerts.”  

Alinsunod dito, nakatakdang ilunsad ang 3-disc best of album na “Finally,” na huli na niyang compilation album sa Nobyembre 8. Naglalaman ito ng kabuuang 52 tracks kabilang ang kanyang debut solo single na “Body Feels Exit,” koleksyon ng kanta mula sa Super Monkeys (dati niyang grupo bago mag-solo), mga re-recorded singles para sa album, anim na bagong kanta – “Hope,” “Finally,” “Do It For Love,” “Showtime,” at dalawang hindi pa pinapangalanang kanta.

The final bow

Ilan lamang sa mga career highlights ng diva ang pagsali nito ng Pink Panther sa promosyon ng 2005 “Queen of Hip-Hop” album at music video ng “WoWa,” ang rapping parts niya sa re-recorded version ng “Waterfalls” na kanta ng R&B group na TLC, ang kolaborasyon nito sa mga kilalang producers sa Amerika, ang R&B at EDM-infused na mga kanta nito, ang duet sa vocaloid na si Hatsune Miku, ang fashion style niyang tinawag na “Amuraa,” at ang impluwensiya nina Madonna, Kylie Minogue at Janet Jackson sa kanyang music style.  

“September 16 marked the 25th year since my debut. I could not have gone 25 years without your support, for which I am eternally grateful. Thank you very much for your continuous support. I hope this year will be filled with wonderful memories for me and the fans together. Then, I will welcome the date of September 16, 2018 in the best way I can. Together, let’s make this coming year the best one possible!” ang pagpapatuloy ng mensahe ni Amuro sa mga tagahanga.

Sa kanyang huling taon ng music activities, maliban sa nakatakdang concerts, nasa plano rin ng Japanese hitmaker ang paglulunsad ng kahuli-hulihang bagong album bilang “parting gift” sa mga maraming tagasuporta nito sa Asya sa loob ng 25 taong karera sa musika.

Miss International 2017 gaganapin sa Tokyo sa Nobyembre 14

Ni Florenda Corpuz

Kuha mula sa Binibining Pilipinas

Muling magniningning ang kagandahan at aangat ang katalinuhan ng mahigit sa 70 kandidata mula sa iba’t ibang bansa at rehiyon sa buong mundo sa nalalapit na coronation night ng prestihiyosong Miss International Beauty Pageant 2017 na gaganapin sa Tokyo Dome City Hall sa Nobyembre 14.

Isa sa tatlong pangunahing beauty pageants sa buong mundo, ang Miss International Beauty Pageant 2017 ang ika-57 na taon ng patimpalak mula nang ito ay inilunsad noong 1960 sa Long Beach, California, U.S.A.

Darating sa Japan ang mga kandidata sa huling bahagi ng Oktubre upang makibahagi sa ilang mga kaganapan bago ang coronation night na may kinalaman sa kulturang Hapon at iba pang exchange events.

Kabilang sa mga kandidata ang pambato ng Pilipinas na si Mariel de Leon, 23, anak ng showbiz couple na sina Christopher de Leon at Sandy Andolong. Nagtapos siya ng high school sa Southville International School at nagtungo sa New Zealand kung saan siya nag-aral ng cooking course.

Nakatakdang ipasa ni Miss International 2016 Kylie Verzosa ang korona sa tatanghaling Miss International 2017 habang kokoranahan din ang mga runners-up na kabilang sa Top 5 at special award winners.


May anim na Miss International titleholders ang Pilipinas na kinabibilangan din nina Gemma Teresa Cruz (1964), Aurora Pijuan (1970), Melanie Marquez (1979), Precious Lara Quigaman (2005) at Bea Rose Santiago (2013).

Miyerkules, Oktubre 25, 2017

Pinoy musical ‘Ang Larawan’ kasado na ang world premiere sa TIFF


Magbubukas sa Oktubre 25 at tatagal hanggang Nobyembre 3 ang 30th Tokyo International Film Festival (TIFF), na isa sa pinakaprestihiyosong international film festivals sa Asia.  At isa sa mga mapalad na napiling pelikulang Pinoy ang nakatakdang magdaos ng world premiere rito, ang star-studded musical na pinamagatang “Ang Larawan” (The Portrait).

Bahagi ang pelikula sa Asian Future section kung saan makikipagtagisan ito sa iba pang mga obra sa Asya para sa titulong Best Asian Future Film Award, na siyang napagwagian ng “Birdshot” (2016) ni Mikhail Red.

Ipapalabas sa Oktubre 30 (1:50 pm / Screen 3) at Oktubre 31 (8:40 pm/Screen 9) sa TOHO Cinemas Roppongi Hills ang musical film.

May apat pang pelikulang Pinoy ang kasali sa TIFF – “The Right to Kill (Tu Pug Imatuy / Asian Future Section),” “Underground (Pailalim / World Focus Section),” “Kristo” at “Will Your Heart Beat Faster?” (Kakabakaba Ka Ba?) sa Crosscut Asia #4.

Ang musical ng bayan, isang pelikula na

Mula ito sa Culturtrain Musicat Productions, Inc., direksyon ni award-winning Broadway production designer Loy Arcenas, panulat ni National Artist for Theatre Rolando Tinio, orihinal na musika ni Ryan Cayabyab at ABS-CBN Philharmonic Orchestra, at hango mula sa dula ni National Artist for Literature Nick Joaquin na “A Portrait of the Artist as Filipino.”

Sentro ng kwento nito ang dalawang magkapatid na babaeng sina Candida (Ampil) at Paula (Alejandro) nang maharap ang pamilya nila sa pinansiyal na pagsubok na bunsod ng hindi na pagpipinta ng kanilang amang si Don Lorenzo (Arevalo). At ang huling obra ni Don Lorenzo na isang self-portrait ay magiging sanhi ng kaguluhan sa magkapatid, at atraksyon sa mga taong nakapaligid sa kanila. Nakatakda ang mga pangyayari sa Intramuros sa taong 1941 bago ang World War II.

Tampok dito ang pinaghalong talento ng mga batikan at nakababatang mga aktor at mang-aawit sa bansa na kinabibilangan nina Joanna Ampil, Rachel Alejandro, Celeste Legaspi, Noel Trinidad, Bernardo Bernardo, Nanette Inventor, Jaime Fabregas, Menchu Lauchengo, Dulce, Nonie Buencamino, Jojit Lorenzo, Ogie Alcasid, Zsa Zsa Padilla, Cris Villonco, Aicelle Santos, Cara Manglapus, Rayver Cruz, Sandino Martin, Paulo Avelino, at Robert Arevalo.

Ang pambansang dula ng Pilipinas

Isinulat ang A Portrait of the Artist as Filipino ni Joaquin sa English na unang inilathala noong 1952 at itinuturing na pinakakilalang dulang Filipino. Nasundan ito ng pag-ere ng dula sa radyo bago nagkaroon ng bersyon sa entablado noong 1955 sa Intramuros. Isinalin ito sa Tagalog at nagkaroon ng maraming depiksyon sa parehong Tagalog at English sa mga sumunod na taon at theatrical runs sa ibang bansa. Pinakahuling depiksyon nito sa teatro ang English version mula sa Repertory Philippines noong 2009.

Isinalin naman ito bilang black-and-white English-language film noong 1965 ni Lamberto Avellana.

Inilunsad naman noong 1997 ang kauna-unahang musical rendition ng dula na mula sa Musical Theater Philippines, ngayo’y Culturtrain Musicat Productions, sa pangunguna ng singer na si Celeste Legaspi at talent manager/producer na si Girlie Rodis at pinamagatang “Larawan: The Musical.”

Hindi pa naipapalabas ang pelikula sa ‘Pinas ngunit naisumite na ito sa pangalawang seleksyon ng Metro Manila Film Festival (MMFF). Malalaman sa Nobyembre 17 ang opisyal na listahan ng mga pelikulang maipapalabas sa Disyembre 25.

Mga Pinoy sa Japan pinaalalahanan ukol sa paglilimos

Ni Florenda Corpuz

Nagbigay ng paalala ang Embahada ng Pilipinas sa Japan sa lahat ng mga Pilipino sa bansa na itigil ang paglilimos o kaya’y pangangalap ng salapi at donasyon sa mga liwasan at pampublikong lugar sa bansa.

“Ipinaaala po na ang paglilimos at pangangalap ng salapi, lalo pa’t kung ito ay isinasagawa sa loob o ‘di kaya’y sa paligid ng mga himpilan ng tren, ay labag sa batas at sa mga alituntuning pambansa at lokal,” saad ng Embahada sa isang pahayag na inilathala sa kanilang website.

Ayon pa sa Embahada, hindi sila sumasang-ayon sa mga ganitong uri ng gawain.

“Ang Pasuguan ay wala pong sinususugan o itinataguyod na anumang uri ng lantarang pangangalap ng salapi sa mga pampublikong lugar,” pagbibigay-diin ng Embahada.

Dinagdag pa ng Pasuguan na ang mga donasyon ay dapat idaan sa mga ahensya ng pamahalaan ng Pilipinas.


“Sa mga panahon po ng malawakang sakuna at pangangailangan sa Pilipinas, ang mga donasyon at ambag ay nararapat pong idaan lamang doon sa mga kagawaran, kawanihan o ahensiya ng Pamahalaan ng Pilipinas na sadyang itinalaga para sa gawaing ito, tulad halimbawa ng National Disaster Risk Reduction & Management Council (NDRRMC) o Kagawaran ng Kagalingang Panlipunan at Pagpapaunlad (Department of Social Welfare and Development). Sa ganitong paraan po ay makatitiyak na ang ating ambag ay maipararating sa mga nangangailangan,” paalala ng Embahada.

Trump, bibisita sa Japan at Pilipinas sa Nobyembre

Ni Florenda Corpuz



Nagpulong noong Nobyembre nang nakaraang taon sina
U.S President Donald Trump at Japanese Prime Minister sa
Trump Tower sa New York City.  (Kuha mula sa Cabinet Public Relations Office)
Nakatakdang bumisita sa Japan at Pilipinas si U.S. President Donald Trump at First Lady Melania Trump sa darating na Nobyembre.

Ito ay bahagi ng kanilang 12-day trip sa limang bansa sa Asya.

Ayon sa anunsyo na inilabas ng White House, bibiyahe si Trump at maybahay nito sa Japan, South Korea, China, Vietnam, Pilipinas at Hawaii mula Nobyembre 3 hanggang 14.

Lalahok ang pangulo ng Amerika sa serye ng bilateral, multilateral at cultural engagements kabilang ang Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) summit na gaganapin sa Vietnam at ang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) summit na gaganapin sa Pilipinas para ipakita ang kanyang patuloy na pangako sa mga kaalyado ng U.S. sa rehiyon.

Tatalakayin din ang kahalagahan ng “free and open Indo-Pacific region to America’s prosperity and security.”

Bibigyang-din din ni Trump ang kahalagahan ng “fair and reciprocal economic ties with America;s trade partners.”

Isa rin sa layunin ng Asian tour ni Trump ay para “strengthen the international resolve to confront the North Korean threat and ensure the complete, verifiable, and irreversible denuclearization of the Korean Peninsula.”

Martes, Oktubre 24, 2017

Limang Pinoy films kasali sa Tokyo International Film Festival

Ni Florenda Corpuz
Will Your Heart Beat Faster? (Kakabakaba Ka Ba?)

Nakasali sa prestihiyosong 30th Tokyo International Film Festival (TIFF) ang limang pelikulang Pilipino.

Kasama sa Competition Section sa kategoryang Asian Future ang romantic family-themed musical na “The Portrait (Ang Larawan)” na idinirehe ni Loy Arcenas. Pinagbibidahan ito ng aktor na si Paulo Avelino at singers na sina Joanna Ampil at Rachel Alejandro.

Lalaban din sa kategoryang ito ang pelikulang “The Right to Kill (Tu Pug Imatuy)” ni Arnel Arbi Barbarona. Paglalabanan ng 10 pelikula na kabilang sa kategoryang ito ang Best Asian Future Film Award at The Spirit of Asia Award by the Japan Foundation Asia Center.

Matatandaang iniuwi ng Pilipinas ang Best Asian Future Film Award noong nakaraang taon para sa pelikulang “Birdshot” na idinirehe ni Mikhail Red.

Ipapalabas naman sa World Focus Section ang family drama na “Underground (Pailalim)” na idinirehe ni Daniel Palacio. Tampok dito sina Joem Bascon at Mara Isabella Lopez Yokohama.

Mapapanood din sa Crosscut Asia #04: What’s Next from Southeast Asia Section ang drama-suspense na “Kristo” ni HF Yambao na pinagbibidahan nina Kristofer King, Angela Cortez at Julio Diaz. Ang pelikula ay inirekomenda ng critically acclaimed director na si Brillante Mendoza para ipalabas sa nasabing kategorya.

Ipapalabas din dito ang 1980 musical comedy classic na “Will Your Heart Beat Faster? (Kakabakaba Ka Ba?)” na pinagbibidahan ng batikang mga aktor at aktres na sina Christopher De Leon, Jay Ilagan, Charo Santos at Sandy Andolong sa direksyon ni Mike De Leon.

Samantala, nakatakda rin magsagawa ng master class si Mendoza tungkol sa kanyang pamamaraan nang pakikipagtrabaho sa mga aktor.

Pangungunahan ng American actor at director na si Tommy Lee Jones ang international competition jury ngayong taon.

Inaasahan ang pagdalo ng mga sikat na Hollywood stars at iba pang artista mula sa iba’t ibang bansa sa festival.

Magugunitang napanaluhan ng Pilipinas ang best actress at best actor awards noong 2013 at 2016 dahil sa natatanging pagganap nina Eugene Domingo sa “Barber’s Tales” at Paolo Ballesteros sa “Die Beautiful” na kapwa idinirehe ni Jun Robles Lana. Inuwi rin ng “Die Beautiful” ang Audience Award noong nakaraang taon.

Ang TIFF ay isa sa pinakamalaking film festivals sa buong Asya. Layon nitong bigyan ng pagkakataon ang mga film fans na mapanood ang mga high-quality at world-class films mula sa Japan at ibang bansa.

Gaganapin ang festival sa Roppongi Hills at iba pang lugar sa Tokyo mula Oktubre 25 hanggang Nobyembre 3.


Lunes, Oktubre 23, 2017

Dalawang Mindanao road projects popondohan ng Japan

Ni Florenda Corpuz

Iprinisinta ni DPWH Secretary Mark Villar sa 3rd Philippines-Japan Joint
Committee Meeting on Infrastructure Development and Economic Cooperation
na ginanap sa Tokyo kamakailan ang ilang proyekto na popondohan ng Japan.
(Kuha mula sa Department of Public Works and Highway)

 
Inanunsyo ng Department of Public Works and Highway (DPWH) na nakakuha ito ng tulong mula sa Japan para sa pagpopondo ng dalawang road projects sa Mindanao.

Nakuha ito ng Mindanao sa ginanap na 3rd Philippines-Japan Joint Committee Meeting on Infrastructure Development and Economic Cooperation na ginanap sa Tokyo kamakailan.

Iprinisinta ni DPWH Secretary Mark Villar ang Bangsamoro Road Network Development Project, isang infrastructure project kung saan kabilang ang pagpapabuti at pagtatayo ng 200 km road network sakop ang 11 access roads at bridges na nag-uugnay sa ARMM at iba pang rehiyon sa Mindanao na nagkakahalaga ng Php10 bilyon.

“Japan International Cooperation Agency has already funded the feasibility study of the Bangsamoro Road Network Development Project. We have already formed a multi-sectoral steering committee, which will be chaired by Undersecretary Emil Sadain,” ani Villar.

“We are confident that by 2022, the road network in Bangsamoro will be fully completed,” dagdag niya.

Kabilang dito ang Matanog-Barira-Alamada-Libungan Road, Parang-Balabagan Road, Sibutu-Blensong-Nuro Road, Nuro-Pinansaran Road, Maganoy-Lebak Road, Tapian-Lebak Coastal Road, Marawi City Ring Road, Parang East Diversion Road, Manuangan-Parang Road, Tunggol 2 Bridge (On Davao-Cotabato Rd.) at Pagalungan Bridge (On Davao-Cotabato Rd.).

Bukod dito ay susuportahan din ng pamahalaang Hapon ang Davao City Bypass, ang 44.6 km by-pass road na may 2.28 km tunnel, na inaasahang makababawas sa travel time mula Digos patungo sa Panabo mula sa isang oras at 44 minuto sa pamamagitan ng Pan-Philippine Highway sa 49 minuto sa pamamagitan ng Davao By-Pass Road.

“The detailed engineering design of the 19.8 billion peso Davao City by-pass is already on-going. The first phase of the project will be completed in 2022,” ani Villar.

“As the Philippines pursue it’s biggest, boldest, and most ambitious infrastructure program, we thank the Japanese government for being a great partner in our economic development,” dagdag pa niya.

Tutulong din ang Japan sa pagsasakatuparan ng key flood control projects sa Pilipinas kabilang ang Paranaque Spillway (Tunnel) Project, Cavite Industrial Area Flood Management Project at Davao River Basin Flood Control Project.

Iprinisinta rin ni Villar ang Cavite Industrial Area Flood Management Project, na inaasahang poprotekta sa 7,000 kabahayan o 556 ektarya sa tabi ng Cavite Industrial Area, sakop ang Imus, San Juan, at Canas River Basins.

“Our JICA Loan for the financial assistance on the Cavity Industrial Area Flood Management Project is targeted to be approved by November 2017,” saad niya.

“In the Philippines pursuit of ushering in the Golden Age of Infrastructure, we thank the Japanese government for being a great partner in our economic development by constantly providing us with development assistance, financing, and innovative technology,” dagdag ng kalihim.





Miyerkules, Oktubre 18, 2017

‘My Korean Jagiya’ charms its way into viewers’ hearts


What if one day, all your fan girl dreams become a reality?

Headlining its first-ever Filipino-Korean romantic comedy series, “My Korean Jagiya,”  is no other than Philippine TV’s Sweetheart Heart Evangelista-Escudero as Guadalupe Immaculada Asuncion or Gia.

Introducing in this original masterpiece is professional Korean actor, host, former member of the well-known K-pop group U-KISS, and the newest Kapuso oppa who is undeniably swoon-worthy and is all set to melt viewers’ hearts, Alexander Lee as Kim Jun Ho. 

 Also starring are award-winning and talented artists Janice De Belen, Ricky Davao, Iya Villania-Arellano, Edgar Allan Guzman, and Valeen Montenegro. With the special participation of Korean stars David Kim, Michelle Oh, and Jerry Lee as Manager Choi.

My Korean Jagiya tells the story of Gia, a quirky, bubbly, and hopelessly romantic girl often teased that she is next in her family to become an old maid. Apart from being a Korean grade school tutor, she is the ultimate K-drama fan girl armed with determination to meet her long-time crush and Korean superstar, Kim Jun Ho, who has since fallen off the radar and stepped out of the limelight at the height of his career.

When her school offers her a scholarship training in Seoul, she grabs the opportunity to try and find Jun Ho, but ends up coming home disappointed. As it turns out, fate had a different plan for her when she helps a drunk Korean guy beaten by gangsters in one of Manila’s bars. After a few days, the mysterious guy comes back to thank her, and much to her surprise, it’s her dream oppa, Kim Jun Ho!

Sparks fly and the two of them eventually become friends. But to Gia, Jun Ho will always mean something more. Can he find it in his heart to fall in love with her, too? Or are some dreams too good to come true?

With a light and romantic theme, My Korean Jagiya is set to make viewers fall in love with the kilig-filled story Gia and Jun Ho. The series was partly shot in South Korea’s most scenic spots used in famous K-dramas including Nami Island (Winter Sonata), Namsan Park (My Name is Kim Sam Soon), Love Padlocks at N Seoul Tower (My Love From the Star), and Daejanggeum Park, the actual set built and used for the internationally-acclaimed series Jewel In The Palace. Also, the series was shot in other popular tourist destinations in Korea like Han River Park, Cheonggyecheon Stream Park, and Seoul Land Theme Park.

Seoul Film Commission and Seoul Metropolitan Government provided support and assistance to the production team of My Korean Jagiya during their entire stay in South Korea.


Under the helm of esteemed and award-winning director Mark Reyes, catch My Korean Jagiya on GMA Pinoy TV. 

Huwebes, Oktubre 12, 2017

Solenn Heussaff and Betong Sumaya sing their hearts out in ‘All-Star Videoke’


Brace yourself for a more fun-filled Sunday night as GMA Network brings back to Filipino homes “All-Star Videoke” with twice the fun and twice the excitement.                                    

The grand return of the musical game show is hosted by two of GMA’s versatile artists: multi-talented actress and TV host Solenn Heussaff and funny comedian Betong Sumaya.

Solenn revealed that because of her love for music and singing, she is more enthusiastic for the show to begin.

“Ito talaga ‘yung first hosting gig ko sa GMA Entertainment so iba ‘yung feeling kasi sobrang bongga ‘yung preparations sa lahat. Nandoon ‘yung pressure but the excitement is there for me kasi I really like music and singing so magagawa ko talaga ‘yun dito,” the Kapuso actress said.

On the other hand, Betong shared how grateful he is to finally be part of the program that has become one of the Filipino viewers’ favorite TV programs.

“Natutuwa ako kasi kami ni Solenn ‘yung pinagkatiwalaan ng GMA sa napakalaking project na ito. As we all know, inaabangan talaga ito ng viewers noon, ‘di ba? Sobra ‘yung excitement ko kasi following the footsteps of Allan K., Jaya and Arnell Ignacio, ang laki ng shoes to fill in so I feel blessed and challenged at the same time,” he said.

The game features six celebrity contestants or videoke stars vying to outwit one another by filling in the missing words on a song in a videoke-type of presentation.

In the event that every player correctly answered the words in each song, a pair of celebrity ‘laglagers’ will choose one player who will be out of the competition.

The two remaining contenders will proceed in the semi-final round for a chance to play in the jackpot round. The winning contestant becomes the “All Star Videoke Champ!” and may bring home a cash prize of up to Php100,000.

A “Super Oke” prize is also up for the win if the winner decides to continuously play in the succeeding weeks.

All-Star Videoke is under the helm of esteemed director Louie Ignacio.


Don’t miss it on GMA Pinoy TV!

Linggo, Oktubre 8, 2017

Kilalanin si SEA Games gold medalist Pinoy taekwondo jin Samuel Morrison


Sa 24 gold medals na naikasa ng Philippine national team, isa sa dalawang gold medals ng taekwando ay nagmula sa Pinoy taekwondo jin na si Samuel Thomas Harper Morrison. Ito ay matapos ang mataginting na performance nito kontra kay Dinggo Ardian Prayogo ng Indonesia sa men’s -74 kg kyorugi event sa isang maaksyong harapan sa lightweight division kamakailan sa 29th Southeast Asian Games na ginanap sa Kuala Lumpur Convention Center, Malaysia.

Dominante ang Filipino-American na tubong Olongapo sa Indonesian na pinaulanan niya ng long turning kicks at curling kicks sa loob ng three rounds ng naturang match. Bagaman sa pagtatapos ng first round ay nagtagal sa 7-7 ang iskor, pinatamaan ni Morrison si Prayogo ng long turning kick na nagpabagsak sa Indonesian. Hindi na hinayaan ni Morrison na makabawi pa si Prayogo nang agad nitong sinundan ng dalawang fast kicks ang kanyang atake para palawakin ang lamang niya sa 19-10.

Kinilala rin ang nakamamanghang 16-11 win ni Morrison kontra kay Vietnamese Ly Hong Phuc bago pa siya umabot sa gold medal round.

Malaking bagay ang pagkapanalo ni Morrison mula sa kontrobersyal na pagkatalo ng teammate nitong si Arvin Alcantara sa featherweight (-68) match kay Malaysian Rozami Bin Rozali na nagtapos sa isang draw. 

Growing up with basketball in Subic Bay

Madalas napagkakamalan si Morrison na mas tinatawag sa kanyang nickname na Butch bilang isang basketball player dahil na rin sa taas nito na 6’1 at sa kanyang African-American features.

Sa isang panayam, hindi agad-agad taekwondo ang sports ni Butch habang lumalaki sa Olongapo. “Dadayo pa kami kung saan-saan para maglaro. I could play from morning to nighttime,” ang pagbabahagi ng binata sa kanyang pagkahilig sa basketball.

Anak ng isang retiradong American marine serviceman na base sa Maryland at Pinay na ina, nagsimula ang interes niya sa taekwondo dahil sa impluwensiya ng kanyang paboritong shows na “Power Rangers” at “Masked Rider” noong bata pa siya.

“I thought it was cool to see the Power Rangers defeating their opponents with their martial arts skills. I would practice their moves at home, it was a cool thing.”

Hanggang sa may nagbukas na taekwondo gym sa kanilang lugar at nagtanong siya kung paano niya matututuhan ang Korean martial art. Dito na tuluyang nagbago ang landas sa sports ni Morrison.

Collegiate and international experience

Sa isang sports scholarship, naging bahagi ng Tiger Jins – ang taekwondo team ng University of Santo Tomas (UST) ang ngayo’y 27-taong-gulang na si Morrison kung saan siya nagmarka ng tatlong panalo para sa koponan sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP).

Pagdating sa world championships, isang gold medalist sa 2015 Singapore SEA Games, silver sa 2011 Summer Universiade sa Shenzhen, China at bronze naman sa 2014 Asian Games sa Incheon, South Korea.

Itutuon naman ngayon ng mga Pinoy jins ayon sa Philippine Taekwondo Association (PTA) ang kanilang pagsasanay sa Asian Games 2018 at Summer Olympics 2020.

Hender Scheme at Adidas Originals nagsama sa paggawa ng mga paboritong sneaker


Unang pumukaw ng pansin sa publiko ang kolaborasyon ng artisanal Japanese leathermaker/footwear brand na Hender Scheme at Adidas Originals nang makita sa isang Instagram post ang ilang larawan ng MicroPacer na kulay soft butter yellow at isang classic Adidas sneakers, na mula kay Motofumi Kogi, direktor ng Japanese retailer United Arrows & Sons.

Napag-alaman na ang reworked version ng MicroPacer (minus the pedometer) ay bahagi ng isang multi-season collaboration sa pagitan ng Hender Scheme at Adidas, at may dalawa pang signature Adidas sneakers – ang NMD (Boost midsole removed) at ang Superstar na kabilang dito. Lahat ito ay gagawin sa parehas na Japanese ateliers ng Hender Scheme gamit ang kanilang trademark premium vegetable-tanned leather na gawang kamay ng mga Japanese craftsmen.

Sneaker elegance: Meeting artisanal craftsmanship with industrial

Ito ang unang bahagi ng ongoing collaboration sa pagitan ng Japanese at German brand kung saan maglalabas ng 900 units ang Hender Scheme sa paglulunsad nito sa mga piling Adidas retailers ngayong Setyembre 2, na pumapatak ang halaga mula $900 - $1,000. Makikita rin sa remade versions ang parehong logo ng Hender Scheme at Adidas.

Sa isang panayam ng Business of Fashion kay Hender Scheme founder Ryo Kashiwazaki, nagbigay ito ng ilang detalye ukol sa proyekto.

The nature of artisanal production has natural limitations. We are making these shoes our way, so we can only make so many. But we also love sneakers, and what Adidas does in a different way, like manual versus industrial products. So maybe we can find a way in the future where these methods can work together.”

At dahil handmade ang mga ito, kahit pareho ang disenyo ay naka-depende sa craftsman ang magiging finished look ng sapatos kaya’t ang bawat pares ay may namumukod-tanging itsura at dahil sa natural leather color, kalaunan ay magde-develop ito ng unique patina (change of surface from continuous wear).

A maker more than a designer

Sa kabila ng tagumpay, ‘di maglulunsad ng malakihang expansion si Kashiwazaki.

“I want to keep going for a long time and grow slowly. If we grow too fast, it’s not good for us, it’s not good for the artisans. Artisans are very old now in Japan, so we have to groom more young ones. We have to think in generational terms. It’s very important to keep going at our pace.”

Tinawag ng 31-taong-gulang na si Kashiwazaki ang ginagawa nito na “Manual Industrial Products.” Dating psychology student ngunit may passion si Kashiwazaki para sa craftsmanship na gawang kamay kaya’t pinag-aralan nito ang pag-ukit ng footwear lasts, paggawa ng suwelas at shoe repair sa isang shoe factory noong siya ay 19 at naging apprentice cobbler sa loob ng apat na taon.

Mahalaga sa kanya ang artisanal labor kaya’t inisip niya kung paano mabibigyag-diin ang “craft” kaysa sa “design” sa paggamit ng pamilyar na klase ng sneakers na ginawa sa paraan ng mga artisans. Tinawag niya ang koleksyon na “Hommage” kung saan kabilang ang artisanal remade versions ng Nike Presto at Air Jordan IV, Reebok InstaPump Fury, Vans Era, at iba pa. At dito na siya napansin ng foreign stockists – Haven, Ssense,  Barneys New York, Bergdorf Goodman, Mr. Porter, Dover Street Market at collaborations sa Sacai at Ace Hotel.

Umabot ang pagiging hit nito sa mga hip-hop stars at streetwear experts sa Adidas Japan at senior design director (Adidas Originals) Erman Aykurt.

“We think what Ryo-san does elevates our profile instead of denigrating it, the way a counterfeit product does. We love the idea of approaching sneakers from an artisanal perspective. It speaks to our ethos, because Adi Dassler also came from a cobbler background.”

Nagmula ang pangalan ng kumpanya sa “gender schema” theory ni Sandra Bem at noong inilunsad ito noong 2010 ay naging pilosopiya ni Kashiwazaki sa mga produkto ang “to surpass gender.”

Gumagawa rin ng original footwear, bags, at leather/household goods at may shops sa Ebisu at Asakusa.

Geje Eustaquio ng Team Lakay, pinangunahan ang main event sa ONE: Total Victory

Kuha mula sa ONE Championship
Kapag nababanggit ang pangalang Team Lakay, kadalasan sa maiisip ay mga pangalan ng mga title holders nitong sina Eduard Folayang, Honorio Banario, Kevin Belingon, Crisanto Pitpitunge, Dave Galera, Mark Eddiva at Rey Docyogen na mga notable fighters ng martial arts group na mula sa Baguio. Subalit, isang pangalan ang unti-unti rin na gumagawa ng marka sa Mixed Martial Arts (MMA) – ang world title challenger na si Geje “Gravity” Eustaquio na kamakailan ay nagbabalik sa ONE: Total Victory sa Jakarta Convention Center, Indonesia.

“I worked hard to be back in this position again. It’s truly an honor and a privilege. Thank you ONE Championship for the opportunity and the trust to headline a stacked card like this one,” ang masayang pagbabahagi ng 28-taong-gulang na si Eustaquio sa panayam ng ONE Championship.

Matatandaang ang lima sa kanyang pinakahuling laban ay isinagawa sa ilalim ng undercard segment ng ONE Championship sa loob ng tatlong taon at huli naman siyang nag-topbill sa isang main event noong Setyembre 2014 nang lumaban ito sa title match ng ONE Flyweight World Championship kontra kay Adriano Moraes.

Promising standout   

“His solid striking and grappling skill set has led to huge victories over the course of a six-year professional martial arts career. Training in the high altitudes of the Philippines’ mountainous region, Eustaquio hones his craft alongside world-class teammates at the fabled Team Lakay.”

Ito ang pagsasalarawan sa Igorot flyweight fighter na kinikilala ngayon bilang isa sa pinakamahusay na martial artists sa Asya. Sa kasalukuyan, may siyam na panalo at limang talo si Eustaquio kumpara sa mas mahabang track record ng kalaban nitong si dating world champion Kairat “The Kazakh” Akhmetov na may 23 wins at nag-iisang talo lamang.

Bagaman natalo si Eustaquio sa kasalukuyang ONE flyweight world champ na si Moraes na siya rin nagbigay ng katangi-tanging talo kay Akhmetov, bumawi agad ito sa mga sumunod na laban kung saan tatlo sa limang matches ay naipanalo ng Baguio City native.

Nariyan ang first-round knockout win niya kay Saiful “The Vampire” Merican at ang matagumpay na pagbawi nito sa isang split decision win kontra kay Thai striker Anatpong Bunrad na tumalo sa kanya noong 2015 sa kanilang unang paghaharap.

Ayon pa kay fight commentator Steve Dawson, “It was a beautiful exhibition of standup fighting . . . This was a rematch and it really was, for my money, the best performance of his career.”

Tinukoy ang footwork, timing at counter-punching na kanyang naging alas para maipaghiganti ang pagkatalo sa mas malakas na si Bunrad.

Areas of strength

“My ground game is coming. My wrestling is coming. I believe if you’re going to compare it with others, it’s not very low in terms of performance in wrestling or grappling. Honestly speaking, I am not that far behind,” ang pahayag ni Eustaquio tungkol sa naging paghahanda nito sa pagharap kay Akhmetov.

Dagdag pa nito, sa loob ng ilang buwang pagsasanay, mas gusto rin niyang makipag-spar sa mga mas nakababatang miyembro ng Team Lakay gaya nina Joshua Pacio, Stephen Loman, Danny Kingad, at Cris Pitpitunge.

“They keep me sharp and motivated. Although I learn from the veterans as well, I think there is still a lot to learn from the younger generation,” aniya.



Miyerkules, Oktubre 4, 2017

Nanjo City modelo ng ecotourism ng Victorias City sa Negros


Modelo ng Victorias City sa Negros Occidental ang Nanjo City sa Okinawa pagdating sa ecotourism para tulungang mapalakas ang turismo sa lugar.

Pinapalakas ng lokal na pamahalaan ng Victorias ang agri-ecotourism dito sa pamamagitan ng bird watching tours sa mga turistang Hapon, farm tours sa mga lokal na turista, at pagpapakilala ng eco-bento meals sa mga local cafes.

Isinasagawa ito sa tulong ng Japanese volunteer na ipinadala sa ilalim ng Japan International Cooperation Agency (JICA) Volunteer Program at Nanjo City.

“The goal is to help Victorias City increase its tourist arrivals by 30% from the 2015 baseline of 80,924 tourists. Victorias, with its natural parks, bears semblance to Japan’s Nanjo City as ecotourism destination. We can certainly explore new tourism opportunities through Victorias’ eco parks and agriculture products,” pahayag ni Japanese volunteer Mikaru Nakazato na ipinadala sa lugar sa ilalim ng Japan Overseas Cooperation Volunteers (JOCV) Program ng JICA noong 2016.

Nagtrabaho si Nakazato sa tourism department ng Nanjo City Hall.

Ang Nanjo City at Victorias City ay sister cities at nagtutulungan para sa revitalization ng bawat isa sa pamamagitan ng sustainable development at partnerships sa ilalim ng technical cooperation project kasama ang JICA.

Ibinahagi ni Nakazato na magsasagawa ng seminar ang Victorias tungkol sa eco bento-making na papangunahan ng instructor mula sa Nanjo City. Tampok sa mga meal boxes ang lokal na pagkain at ani ng mga magsasaka na nakabalot sa dahon ng saging.

“The eco-bento meals can offer opportunities for restaurants and cafes in Victorias especially to cater to tourists in bird watching activities,” dagdag ni Nakazato.

Ang Victorias ay migratory path ng aabot sa 166 species ng ibon na lumilipad sa kagubatan ng Gawahon Eco Park.


“Victorias could learn from Nanjo City new areas to enhance tourism to create more jobs and economic opportunities at the local level,” ani Nakazato. 

Get lost away from the crowd in Kubrick Cafe & Bookstore, Yau Ma Tei’s hipster gem


“If you can’t travel, read. At least your heart can get going first.” – The Book Thief (Markus Zusak).

Ang naturang short passage ang isa lamang sa klase ng mga bagay na babati sa iyo sa pagpasok mo sa Kubrick Cafe & Bookstore na matatagpuan sa isang tahimik na bahagi ng residential area sa 3 Public Square Street, Yau Ma Tei, Kowloon sa Hong Kong na malayo sa shopping areas ng Mong Kok at Tsim Sha Tsui. Bukas ito araw-araw mula 11:30am – 10:00pm.

Artistic and stylish

Ipinangalan ang cafe-bookstore kay American director Stanley Kubrick, na isa sa itinuturing na greatest directors sa cinematic history.

Sa unang tingin, hindi agad makakapukaw ng pansin ang naturang bookstore-cafe dahil sa kanyang ordinaryo at kulay-abong pader, mosaic tiles at dark-tinted glass ngunit sa loob nito ay madidiskubre ang kakaiba at old-fashioned na lugar mula sa kumbinasyon ng isang bookstore at cafe.

Makikita rito ang communal tables, wooden seats at milk bottles na may mga bulaklak sa bawat mesa, gayon din ang mala-art gallery na istilo nito mula sa mga nakasabit na makukulay na paintings at artworks sa pader. At habang hinihintay mo ang iyong order, maaari kang kumuha ng libro mula sa maraming seleksyon nito – may English, Mandarin, at European-languaged books, literature, self-help, graphic books, at magazines.

A quiet haven for art and literature enthusiasts

Dahil sa mapanlikha nitong kapaligiran at disenyo, ayon sa mga blog reviews, ‘di mo talaga mamamalayan ang takbo ng oras at ingay sa labas at ang pakiramdam mo ay parang pumasok ka sa isang ‘imaginative world’ sa gitna ng fast-paced environment ng tinaguriang “Pearl of the Orient.”

Nakadugtong din ang naturang cafe-bookstore sa Broadway Cinematheque, isang arthouse cinema outlet na nagpapalabas ng mga bago at lumang artistic at independent films at venue ng mga independent film screenings at film festivals sa Hong Kong. 

Madali lamang maglabas-masok mula sa Cinematheque at Kubrick ngunit mas mainam kung manonood muna ng mga pelikulang dito mo lang mapapanood at puntahan ang film shop na naglalaman ng mga rare at classic selections ng mga pelikula.

Pagkatapos ng iyong pag-iikot sa Cinematheque, siguradong makararamdam ka na ng gutom kaya’t nariyan ang kalapit na Kubrick para rito. Sa kanilang menu ay may sandwiches, cheese cakes, snacks, lunch sets (around HK $50) at dinner sets (around HK $70) na may kasamang pasta dish at drink.

Inirerekomenda naman ng website na hiphongkong.city ang kanilang whole day breakfast (HK$49) – continental style combo ng eggs, ham/sausage, mushroom/tomato/beans, toasted bread, at coffee; at spaghetti in lobster sauce (with scallop and sea urchin), floral tea selections at rose latte  mula naman sa isang Trip Advisor at blog reviews.

Mayroon din ditong wifi at electrical plugs, nariyan din ang art shop at stationery section kung saan makabibili ng mga quirky souvenirs. Nagdadaos din dito ng mga literary events at live music gigs.